Chapter 26: Guys Got Game (Updated)

7K 109 8
                                    

RED

Naglalakad si Red sa hallway. Punta rito. Punta dun. Actually akyat panaog din siya. Lahat kasi puro, "Red!" "Red!"  "Red!" Kung pwede lang chop-chopin ni Red yung sarili niya into several parts ehh. Lahat ng nakakakita kay Red eh humahanga at naiinlab. Lol.

(Erase the word "naiinlab")

Dahil sa pagiging responsable niya na nakikita naman ng lahat.

Kahit na makikita mo si Red na seryoso sa ginagawa niya, iniisip isip niya pa rin si Loureen. Hindi niya pa kasi ito nakikita simula nung gabing iyon.

"Sir Red, tara na. Lunch na tayo!" aya ng mga co-officers ni Red sa SC.

"Una na kayo." matamlay na sagot ni Red. Tapos umalis na sila, pero nagpaiwan yung isa, si Franz.

 "O bakit ka nanaman nagkakaganyan aber?" tanong ni Franz.

Hindi na sumagot si Red. Kaya hindi na rin nagsalita pa si Franz. Pag ganto kasi si Red, ito yung mga panahon na talagang hahayaan mo nalang siya dahil wala ka namang magagawa. Hindi mo siya makakausap ng maayos.

Ala nga namang magmagic si Franz na in one wave of his hand, nasa harapan na agad ni Red si LJ. Oo, si LJ. Siya naman ang dahilan ehh. At siya lang ang pwedeng maging dahilan.

4PM

Ngayong oras nakaschedule ang isang game ng Basketball Team ng Aires versus Basketball Team ng mahigpit nilang kalabang Shin-Wa University (Isang International University). Tuwing Foundation Week kasi, may mga ganito.

Ang team Captain sa BT (Basketball Team) ng Aires ay si Jonas. At sa Shin-Wa University naman, ang team Captain nila ay walang iba kundi si...

TANTANAN TAN TAN~

Ang sikat na model-maraming chix-honor student-mayabang na President ng Student Council sa Shin-Wa, Si Rahyon (please insert "uto-uto" word here) Ilmanuel.

Maraming nag aabang sa laban na to dahil for the past 10 years, ang Shin-Wa at Aires ang palaging magkalaban.

Habang pinapakilala ang mga players ng dalawang kuponan, lumapit si Rahy kay Jonas.

"Nagdasal ka na ba? Kung hindi pa, simulan mo na.." bulong ni Rahy kay Jonas.

"Lumapit ka sakin para sabihin lang yan? Ikaw ba yan, Rahyon?" maangas na sagot ni Jonas.

"Tsss. Pareho kayo ng kuya mo... M A Y A B A N G." sabi ulit ni Rahy.

Hindi na sumagot si Jonas. Tumalikod na siya pero may sinabi pa si Rahy bago yun.

"Yung kapatid mo ang gusto kong makalaban.." sabi ulit ni Rahy.

"Ano bang pinagsasabi mo?" sagot ni Jonas.

Hindi sumagot si Rahy. Alam niyang alam ni Jonas kung anong gusto niyang sabihin.

"Good luck, NEPHEW." sabi ni Rahy with a smirk.

Sa tono ng pananalita ni Rahy eh para talagang may masamang balak.

In 5mins, nagstart na ang game.

Ang mga naka line up na players:

AIRES

Jonas Miguel Dela Peña

Bailey May

James Reid

Alden Richards

Andre Paras

SHIN-WA

Rahyon Ilmanuel

Robi Domingo

Enrique Gil

Enchong Dee

Ronnie Liang

1st Quarter palang pero mainit na ang laban sa pagitan ng dalawang kuponan. Lalo na kanina Rahy at Jonas.

Lamang ng 10pts ang Shin-Wa.

Si Rahy ang palaging nakakapuntos. Samantalang si Jonas, 3pts palagi. Wala pa silang foul kahit isa.

"Matibay ka huh.." bulong ni Rahy kay Jonas nang magkasalubong sila.

Pagdating ng 3rd Qtr. Habang hawak ni Robi ang bola, naagaw ni Jonas yung bola pero bigla siyang natumba.

"AAAAAAHHHHHH!" Daing niya.

Nagsilapitan ang co-players niya, referee at ang Coach nila..

Nabigla rin ang mga nanunood sa nangyari. May sumakit sa left na binti ni Jonas bago pa man niya mashoot yung bola. Si Rahy naman tumingin siya kay Red at saka nagsmirk.

Alam ni Red na may ibig sabihin yun. Alam ni Red ang ibig sabihin nun.

"San ka pupunta?" tanong ni Franz kay Red na biglang tumayo sa audience seat.

Nilapitan ni Red si Rahy. Hinila niya ito paharap sa kanya.

"Ano nanaman bang kahibangan to?" tanong ni Red.

"O Red.. bakit naaasar ka na ba? Kung Oo, good for me." sarcastic na sagot ni Rahy.

"Ano ba talagang gusto mo?" tanong ulit ni Red na nagpipigil lang ng galit.

"IKAW." mariing sagot ni Rahy.

*

LOCKER ROOM FOR BOYS ONLY

"Red, ano bang pumasok sa isip mo at maglalaro ka dun?" Tanong ni Franz pero si Red tuluy tuloy lang sa pagbibihis.

"Red! Ano ba! Red! Pano kung gawin niya sayo yung ginawa niya kay Jonas? Tandaan mo, may tournament kapa." sagot ni Franz.

Varsity Player kasi si Red, (Basketball; Tennis)

Lahat ata ng club at Organization e kasali siya. Next week na ang tournament kung saan kasali siya.

Pero parang walang narinig si Red. Kahit ano namang sabihin ni Franz, wala na siyang magagawa. Pag gusto ni RED, gagawin niya talaga.

*

"Sinong papalit kay Jonas?" tanong ni James Reid.

"Ikaw nalang Andre!" sagot naman ni Alden Richards.

"Ikaw nalang kaya. Nakakatakot kaya yung Ilmanuel na yon." sabi ni Andre Paras. Si Rahy ang tinutukoy niya.

"Oo nga. Oo nga." agree ng ibang Players.

"E pano yan? Susuko nalang kayo dahil sa natatakot kayo sa isang tao lang?" sabi ng Coach.

"E Coach.. hindi naman "LANG" lang yun..." sagot ni Bailey May.

Nang biglang may magsalita..

"Coach, ako ang papalit....."

TO BE CONTINUED

*

-         - -

UD na. Actually 3 chapts yung nasulat ko.

Kaya eto ko, TYPE ng TYPE ng TYPE. :)

Sorry sa names ng mga basketball players aa.

Di ko na pinag isipan yun, dahil yun ay ang mga

H I N A H A N G A A N ko. :)

Grabe ano, Pa'no naman naging NEPHEW ni Rahy si Jonas?

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें