Chapter 4: Plan A (Updated)

12.4K 219 18
                                    

RED

10:00 am

"Bilisan mo LJ. Baka malate ka na. Dala mo na ba lahat? Yung resume mo? Yung application form mo? ID? Birth certificate mo? Yung titulo ng bahay at lupa nyo? Yung ganda mo? Ano dala mo ba?" tarantang tarantang tanong ni Yoori kay LJ na halos kaladkarin na nya.

"Oo na. Dala ko na lahat. Ayy teka, kasama ba pati titulo ng bahay at lupa namin?" tanong ni LJ.

"Anong pinagsasabi mo dyan. Syempre hindi." Sagot ni Yoori.

"Sabi mo kaya, kakasabi mo nga lang ehh." Sabi ulit ni LJ.

"Hay nako, LJ. Feeling mo lang yon. Pasok kana. Go! Galingan mo ha. AJA!!! FIGHTING!!!" Sabi ni Yoori sabay tulak papasok sa loob si LJ.

"Aray naman. Kailangan ko ba talagang gawin to?" sabi ni LJ na napabuntung hininga na lang.

"Oo naman, kapalit yan ng ginawa mong pambabastos sa SC President! BUH BYE!" Sigaw ni Yoori habang papalayo.

"Kelangan talaga ipangalandakan? Haaaayy." Sabi ni LJ sabay gulo sa buhok nya. Ito palang si Franz eh pinapanuod sila LJ at Yoori mula sa window ng office ni Red Oliver. Natawa si Franz bigla.

"What's funny?" tanong nitong si Red,

"Remember the girl who barged in here to complain the so-called Red Oliver?" tanong ni Franz

"Sino dun?" sagot ni Red.

"Yung nagsabing *Gusto ko lang malaman nyo na yang Red Oliver na yan ay nagiging perwisyo na sa buhay ko at ng mga nasa paligid ko. Remember?" Sabi ni Franz sabay tawa.

"So? What's with her?" tanong ni Red na wala man lang ekspresyon ang mukha.

"I think she will apply for the position of secretary, I mean, as your secretary. Wait, I'll go meet her." Sabi ni Franz sabay tap sa shoulder ni Red sabay alis.

Paglabas ni Franz, nakita nya kung gano kahaba ang pila ng mga mag aaply na secretary ni Red. Sabay pasok ulit sa office ni Red. Hindi na sya nabigla dahil totoong kilala si Red Oliver sa buong Aires at malakas ang charisma nito lalo na sa mga babae.

INTERVIEWING SESSION

Applicant # 1: Hi I'm Maria Jennica Carla Severina Angelica Joana Tevez Javier.

Franz: Woah. Nice name *tapos yung ekspresyon ng muka ni Franz eh parang naweirduhan.

*

Franz: Sa tingin mo bakit ikaw ang karapat dapat na maging secretary ni Red Oliver?

Applicant # 8: I believe that I am suitable for the position of secretary because I am beautiful. Second, I'm pretty and lastly, I'm good-looking.

Franz: Oh, You have lots of confidence huh? Okay. *pinipigil lang ni Franz ang tawa nya. Si Red e parang walang pakialam. 

*

Franz: Why are you here?

Applicant # 27: I don't know. I really don't know. Pumila lang ako ehh. *sabi nung girl habang ngumunguya ng Bubble gum.

Franz: ................

*

Franz: Bakit mo gustong maging secretary ni Red Oliver?

Applicant # 59: Para makasama ko sya, segu-segundo, minu-minuto, oras-oras, araw-araw, gabi-gabi, buwan-buwan, taon-taon! Forever!

Nagcrossed arms si Franz at napailing nalang habang tuloy parin sa pagsasalita yung kaharap nyang babae.

*

Franz: Why are you applying for the position of secretary?

Applicant # 83: Ahm...kase ano eh.. kasi......mmmmm...... Kasi ..............

To namang si Franz napakamot nalang ng ulo. bagot na bagot na. Ngawit na kasi sya kakaupo tapos yung mga applicants ehh.... NEVERMIND. At saka alas tres na kasi ng hapon.

"NEXT!!!" Sigaw ni Franz

Tapos kapapasok lang ni Red nun mula sa labas. Tinap nya sa shoulder si Franz dahil mukhang makakapatay na ang ichura. Si applicant # 101 umupo na. Tong si Franz e hindi pa nagsasalita kaya pareho silang NGANGA.

"O ba't hindi ka nagsasalita?" tanong ni Franz na nakakunot na ang noo.

"English ba o Tagalog?" tanong ni Miss Applicant #101.

Tong si Franz eh napabuntung hininga na lang.

"Wala naba?!" sigaw ni Franz.

"Meron pa, Sir Franz!" sagot ng isang Student Staff.

"Huy Red, ikaw na nga umupo dito. Sumasakit na ulo ko sa mga fans mo." sabi ni Franz na lukot na yung mukha.

Umupo na rin naman si Red sa kaninang inupuan ni Franz.

"Ahm..Good Afternoon po." Bati ng nasa pintuan. Tong si Franz at Red eh napatingin agad sa kanya. Pamilyar kasi ang boses.

"Oh, you again?" tanong ni Franz sabay lapit sa babae. Tapos inalalayan ni Franz ang babae at pinaupo sa upuan na nasa harap ni Red Oliver. Masyadong masaya si Franz sa pagkakataong yun. 

"Yan, si Red Oliver ang mismong mag iinterview sayo dahil ispesyal ka. Dali na Mr. President!" sabi ni Franz sabay kindat kay Red Oliver. Hindi pa umiimik si Red Oliver kaya nauna ng magsalita ang babae.

"Good Afternoon po ulit, Mr. President!" bati ulit nito.

"Ano ba Red? Tanungin mo na yung pangalan." Inis na sabi ni Franz. Isip nya, babagal bagal pa tong si Red ehh.

"Please introduce yourself." maikling sabi ni Red na hindi pa kumukurap kaya medyo natetense na ang babae.

"Ahm, I'm Loureen Jane Martinez. 19 years old at first year college pa lang po ako. I am applying for the position of secretary because.."

Hindi na pinatapos ni Franz sa pagsasalita si LJ. Oo, si LJ ang babaeng kasalukuyang kaharap ni Red. Tinakpan kasi bigla ni Franz ang bibig ni LJ.

"Oooops. Tama na! That's enough. Simula ngayon IKAW NA ANG SECRETARY NI RED OLIVER!!! You're hired." puno ng ligaya sa mga mata ni Franz nang sinabi nya yon.

Tiningnan ni Red si Franz nang masama pero tong si Franz eh kinindatan lamang sya. To naman si LJ eh hindi alam kung anong magiging reaksyon nya kaya pilit na lang siyang ngumiti.

TO BE CONTINUED

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now