Chapter 5: First Day (Updated)

10.3K 196 5
                                    

RED

LJ's POV

Today is Saturday. Pag Saturday usually walang pasok, pero DAHIL, KASI, SAPAGKAT ako na ang napakagandang secretary ni Red Oliver, eto 5:23 ng madaling araw, eksakto, aalis na ako.

Nahiya naman ako sa beauty kong pang secretarya. Haaay. Eto na ako naglalakad parang zombie. Inaantok pa kasi ako eh. Medyo maliwanag na naman kaya hindi na delikado. Nang biglang may tumakip sa mga mata ko.Omaaaaygaaad. WHAT'S HAPPENING? Holdap ba ito? 

Tas yung pointing finger nya nilagay nya sa lips ko sabay sabi ng "Sssshhh." Angtagal naming ganon. Hanggang sa alisin na nya yung kamay nya.

"Tsk tsk tsk." Sabi nya. Paglingon ko, si Jonas pala. Si Jonas lang pala.

"Anong trip mo, Jonas?! Tinakot moko." Sabi ko.

"Tsk Tsk. Nako LJ. Pano nalang kung talagang may nantrip sayo okaya nangholdap? Dapat palagi kang alerto. Nako, kelangan mo ng bodyguard. O eto resume ko, mag-aapply ako." sabi nya sakin tapos may inabot siyang papel. RESUME nga. My 2x2 picture pa.

"Nababaliw ka na ba?" tanong ko.

"No. Concern lang ako sayo. So tanggap na ba ako?" tanong nya.

"Jonas, hindi ko kelangan ng bodyguard." Sagot ko. Sa isip isip ko, kahit na ihire ko siya, wala naman akong pambayad. 

"Let's say hindi mo nga kelangan ng bodyguard. Pero kakailanganin mo ng isang tulad ko." Sabi nya with a kindat.

Ano bang dapat isagot kapag sinabihan ka ng ganon? Ano bang dapat maging reaksyon ko? Kikiligin ba dapat? Hindi. Hindi. Hindi. LJ, wag ka nga. Inaantay ka na ng Boss mong si Red Oliver uy.

Sabay kami ni Jonas pumasok sa Aires pero siya papuntang court, ako syempre sa Boss ko. Kumatok muna ko syempre mga 3 times.

Pagpasok ko, table nya agad ang nakita ko. Nakatalikod kasi yung chair.

"Good Morning po, Sir." Bati ko.

Walang sumasagot ahh. Hindi ba nya ako naririnig. Isa pa nga.

"Sir, Good Morning!" ulit ko. Aba, wala pa rin. Ang gwapo gwapo, bingi? Ang Gwapo gwapo? Ano bang pinagsasabi ko?

"RED OLIVER! Ano ba!!" sigaw ko. Aaaay, patay. Ano ka ba kasing bibig ka, kung ano na lang lumalabas sa'yo.

Pero ba't parang di pa rin nadinig? Phew. Buti naman. Lumapit na ko. Paglapit ko.. FRANZ???!

"Oh, Miss Martinez. It's good to see you again!" sabi nya. Tapos inalis nya yung headset niyang pag ako ang nagsuot eh parang mas malaki pa sa mukha ko. Kaya pala di ako naririnig ehh. Laking gulat ko, bigla nyang kinuha yung kamay ko saka nya ito hinalikan. Sya ring pagpasok ni Red Oliver. Patay na talaga. Baka kung ano pang isipin niya.

Patay malisya na lang. Nagtuluy tuloy lang din naman sya sa paglalakad. Nakita nya kaya?? Tsk. Kasi naman ehh. 

"GET OUT." sabi niya nung nilapag nya yung bag nya sa ibabaw ng table nya. Binagsak pala. Anglakas ehh. Teka ako ba pinapalabas nya? Huhuhuhu.

"Ay sige po, Sir. Pasensya na." sabi ko sabay bow.

Pinigilan naman ako netong si Franz at sya ang lumabas. Walanghiyang Franz yon, hinalikan ang kamay kong wala pang first kiss. EMEYGED. Tapos nakatayo lang ako sa harap ng table nya. Sya parang may pinipirmahang docs.

Hala anong gagawin ko rito? Tatayo lang? Nakakahiya ring magsalita ehh.

"Ah...Sir?" sabi ko tas ayan nanaman yung tingin nya.

THOSE EYES THAT CAN MAKE ME SPEECHLESS.

"Yes?" tanong nya. Ako parang pinagpapawisan na.

"Ah Sir.... san po yung magiging----

Di na nya ko pinatapos. Tinuro nya yung table sa gilid ng pinto ng office nya. Bali dun yung table ko.

"Ah sige po. Thank you po." Tapos lumabas na ko. Pansin ko mas malamig sa office nya.

*

"Sana dun nalang ako sa loob ng office nya." Sabi ko kay Yoori. 3pm na ng hapon. Pinauwi na ko ni Franz ehh este ni VICE eh. Nakaupo lang naman ako dun, mula 6 ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Wala naman kasing kumausap o lumapit man lang sakin. Puro sila SIR RED OLIVER SIR RED OLIVER.

Ano pang silbi ng pagiging secretarya ko? Diba dapat sakin muna sila lalapit? Grr.

"Sus, gusto mo lang na makasama si RED OLIVER sa iisang kwarto ehh. Aminin." tukso sakin ni Yoori.

"Hindi ahh. Ewww." Sagot ko.

"Ewww daw. Yun ba yung eeew? Yung mga tingin eh, pamatay?" sabi nya. Naalala ko tuloy pag tumingin sya, yung tingin nya, yung mga mata nya....

BAKIT PARANG NAKITA KO NA YON?

TO BE CONTINUED





*

UD na ulit.

Hey guys, kilala nyo si Zhang Muyi (24y/o) na nainlove sa 12yearold na si Miki? :'))

Ang cute nilang couple. LOVE IS NOT ABOUT AGE, HEIGHT WEIGHT and whatsoever. Basta mahal nyo ang isa't isa.

Nakakaantig ng puso yung love story nila.

Search nyo nalang for more info. :') Angkyuuut lang kaya naishare ko sainyo!

"Lahat naman tayo may sariling love story eh, matuto lang tayong maghintay kasi I know, May right time for that kasi pinlano na yun ni God. It's worth the wait naman. Have FAITH lang talaga."

Advance Merry Christmas Guys!

(DEC 15, 12)

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now