Chapter 50: Revelation 1 (Updated)

6K 112 2
                                    

RED

"Si Loureen...at si Thea? IISA?" tanong ni Red na halos hindi makapaniwala.

"Oo, kuya. Ngayong alam mo na, sana matauhan ka na. Sobra mo na siyang nasasaktan. Oo nga pala, hindi niya ko sinagot alam mo ba? Kasi ikaw, ikaw ang mahal niya. At isa pa, hindi niya to alam. Wala pa siyang alam. Aware ka naman na lahat ng alaala niya sayo eh nawala simula nung maging katulad ka nila. Aalis nako." at tuluyan ng umalis si Jonas.

Naiwang nakatayo at nag iisip si Red. Nanginginig siya. Di niya alam kung pano magrereact sa nalaman niya.

Ang isa pang kinakabahala niya e yung panaginip niya nga kanina. Pinipilit niya na lang ikalma ang sarili niya. "NO, IT WILL NOT HAPPEN." Paulit ulit niyang sinasabi yon.

Kaya pala nung una palang e may kakaiba na siyang nararamdaman para kay LJ. Hindi siya makapag isip ng maayos.

An hour later, tinawagan niya si Franz.

"Franz, I need to see you. Now."

"Osure, Master!" sagot naman ni Franz sabay end call.

Magkasama nung time na yon si Franz at Sam. 

"Bakit daw?" tanong ni Sam. She knows na si Red yung tumawag.

"Maybe he knows everything na. Teka baby, I gotta go." paalam ni Franz.

"Come back before 6 in the evening. Okay?" Sam said.

"Okay, Baby." sagot nito.

*

4PM na ng makarating si Franz sa mansion ni Red.

"Eiffiel san yung halimaw mong amo?" tanong nito.

"Si Sir Red ho ba ang tinutukoy niyong halimaw?" ignoranteng tanong ni Eiffiel.

"Okay. Don't tell him na andito na ko. Im hungry pa ehh." Tas dumiretso na sya ng kusina.

Pero.. bigla nalang siyang humagis sa pader.

Ngumiti lang siya kahit malakas yung pagkakahagis sa kanya ni RED. Sino paba?

"Ang lakas talaga ng pang amoy mo e no, Alfred?" nakangising sabi ni Franz.

"Bakit hindi nyo sinabi sakin kaagad?" sabi ni Red sabay hawak sa kwelyo ni Franz.

"WHAT?! What are you talking about?" tanong ni Franz.

"Yung kay Thea at Loureen. Why didn't you say anything to me?!" mariing tanong ni Red.

"Okay. Teka. Chill. Lately ko lang din naman nalaman."

"Where's Samanth! Alam kong alam niya simula pa lang. I KNEW IT!" sabi ni Red. Nanlilisik na yung pula niyang mga mata.

"Hindi mo rin naman siya masisisi, Red. Sa ganyang attitude mo, tingin mo sasabihin niya sayo?" tanong sa kanya ni Franz.

"Oo, kasi dapat at kailangan kong malaman." mahinahon ng sagot ni Red.

"Don't you think na mas better na ngayon mo lang nalaman? Kasi at least you know na yung mga ginagawa mo are wrong." sagot naman ni Franz.

"No, Sam should've told me about it earlier, Franz." mariing sabi ni Red.

"No, Red." sagot ni Franz.

"Yes." sagot naman ni Red.

"No. Alfred, can't you see? Ginawa yun ni Sam para ikaw mismo yung makaalam, yung makaramdam. Kasi you're too blind to see everything. Use your heart also. Cause the eyes you use to observe is not enough to truly see. O ano pang ginagawa mo? Bakit di mo pa siya puntahan?" tanong ni Franz.

"Pero..." sabi ni Red na nagdadalawang isip.

"Wala kang mukhang maiharap? Hanggang ngayon ba pride pa rin Red? Pride over Love? Think about it." sabi ni Franz.

Para namang natauhan si Red sa mga sinabi ni Franz. 

"Bestfriend?" tanong ni Franz at inilahad ang fist niya.

"Bestfriend." sagot ni Red at nagbrofist sila Tumakbo na papalabas si Red para puntahan si Loureen.

Pagkadating niya run, BUKAS ANG GATE.

Bukas din ang pinto. Pero at first, he knocked 3 times, 4 times, 8 times.

Pero walang nagbubukas kaya pumasok nalang siya.

"Loureen? Loureen are you there? Louree---

Hanggang sa taas hindi niya nakita si Loureen. Madilim ang paligid. Ang nakapagtataka, bukas ang pinto.. at ang phone niya andun.

"Mahal mo talaga ko e no..." nasabi ni Red nang makita niya na siya ang wallpaper ng phone ni Loureen.

Naisipan niyang tawagan si Yoori gamit yun.

"Hello? Girl! Asan kana ba? Nag aalala kami sayo. Nakauwi kana ba? LJ? Uy! San ka ba kasi nangggaling? LJ? Magsalita ka naman!" sabi nito

"S-si Red to.. Hindi mo kasama si LOUREEN?"
Tanong ni Red.

"Ha? Sir Red? Halaaa. Hello po. Hindi ko po siya kasama. Pinuntahan po namin siya kagabi, wala siya. Kaya nag aalala napo kami." sabi ni Yoori.

Inilapag na ni Red kaagad yung phone sabay takbo papuntang kotse niya.

After nun, nilibot niya ang buong Subdv. Baka sakaling naglalakad lang kung saan si Loureen. Pero di niya ito nakita. Sa Aires siya sumunod na pumunta. Sarado na ito. 8pm na kasi nun, at wala naman ng pasok kaya maaga itong isinasara.

Habang nagdadrive siya e naalala niya na naman yung napanaginipan niya kanina. Doon siya hindi mapakali. Di niya namalayan na muntik niya ng masagasaan yung tumatawid. Nakapagbreak naman siya agad.

"WATCH OUT!" sigaw nung babaeng nagmamadali naman ata.

Lalo na siyang kinabahan. Para talagang may ipinapahiwatig ang mga nangyayari sa kanya.

"Tsk. San pa ba kita hahanapin Loureen... asan kana baaaa... magpakita ka na sakin Loureen..."
Sabi ni Red habang nagdadrive.

Paikut ikot na lang siya actually. Pero bigo parin siyang makita si Loureen.

Isang paraan na lang ang tanging magagawa niya.

Ang puntahan si Samantha.

Pagkabukas na pagkabukas ni Sam ng door, Red hold her hand, begging for help with teary eyes.

"Sam, help me please... H-hindi ko na alam kung kung san ko siya hahanapin.. Sam I had a dream, and IT WAS A NIGHTMARE. Sam.. you have to do something..." sabi ni Red and halata mo na nagkacrack ang boses niya. Siguro'y pinipigilan lang niya na maiyak.

Inilahad ni Red yung hand niya kay Sam. And then, Sam saw all of what happened in Red's DREAM. Kahit si Sam e natakot.

"Oh, God. Alfred. It is not just a dream. I can sense LJ. I know where to find her." sabi ni Sam na ikinakaba ng lahat.

TO BE CONTINUED

*

~

Eto na talaga, tatapusin ko na talaga. Talagang talaga. =P

Wish me Good luck. Thank you for those people na talagang ineencourage ako nang super! Dito man at sa facebook. THANK YOU! :**

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now