Chapter 41: Valentines Day 3 (Updated)

5.4K 104 4
                                    

RED

RED's POV

Teka, bat angdaming tao dun? Matingnan nga.
Si Loureen yon ha. Ba-bakit siya kinakantahan ni Jon--- teka... bakit siya lumuhod sa harap ni Loureen? Wait, bouquet of roses?

"Loureen Jane Martinez, will you be my girlfriend?"

That's the last thing I heard that echoes my mind. Yun yung katagang binitawan ni Jonas habang hawak hawak ang kamay ni Loureen..

I wanna go there and get Loureen. Bring her with me to keep her away from Jonas. Gusto kong mangialam. 

Pero, DO I HAVE A RIGHT? Sh*t naman. 

(Ang kupad kupad kasi ni Red. Ayan naunahan tulooooy! >.<)

Sh*t. What is this feeling?

Si Franz nasa likod lang niya. Di na siya nagtangka pang lumapit dahil pag ganto ang mga eksena ni Red, mas pipiliin niya nalang na mapag isa ang kaibigan. Naiintindihan niya kung ano yung kasalakuyang nararamdaman ni Red.

Tapos naglakad na si Red papuntang SC OFFICE. Hindi na niya pinanuod pa yung mga susunod pang mangyayari. Yung susunod pang gagawin ni Jonas. 

Lalo na yung....

isasagot ni Loureen sa kanya..

SA SC OFFICE

Bago pumasok si Red ng office, tatlong babae ang naririnig niyang naguusap sa gilid

"Ang swerte ni LJ no. Ineffortan talaga siya ni Jonas." Girl 1

"Kaiinggit." Girl 2

"Mahal siya talaga ni Jonas no? Obvious naman kasi lalo na pag magkasama sila." Girl 3

"Angsweet nila tignan no? Bagay na bagay." Girl 1

"Palagi pa silang magkasama. :'') E kaso si LJ------- Girl 2

Di na pinatapos ni Red yung sinasabi nung isang babae. Dahil di niya na ito kayang pakinggan. Naiinis na siya.

Naiinis siya sa mga nangyayari.

Naiinis siya mismo sa sarili niya.

"AHHHH!!!!" sigaw ni Red. Pagkasigaw niya nun, sinuntok niya yung pader. Nagulat nga yung mga nakakita sa kanya.

Tapos tumakbo siya nang ubod ng bilis. Papunta dun sa gubat na palagi niyang pinupuntahan.

Nabangga na siya kung san san. Sa mga sanga ng puno na nakalaylay.

Sugat sugat na nga yung pisngi niya at braso. Pero wala siyang pakialam. Sobrang bilis na ng takbo niya.

Hanggang sa napahinto siya dun sa may bandang ilog na.

Sabay napaluhod.

"Osh*t talaga Red. Sh*t ka Red. Wala kang kwenta!!! Napakawalang kwenta mo!!! Hinayaan mo lang na mangyari to. Sh*t ka Red!!!" sigaw niya. Actually, habang sinisigaw niya yon, may tumutulong mga luha sa mga mata niya. Lahat ng makita niyang bagay, hinahagis niya kung saan.

Sugat sugat na yung kamay niya. (Oh, kawawa naman. Stop na, Please?)

"Red, look. Tignan mo yung nadudulot ng katangahan moo. Sh*t ka!!! From the very beginning alam mong may iba ka ng nararamdaman, but still you keep on denying it. *sniff* Dinedeny ko lang naman kasi.... kasi.... Oh. I don't know. -___- Di ko na alam. *sniff* Basta etong nararamdaman ko, ang sakit sakit niya.. nang sobraaaa. *sniff*"

"Alam mo yung mali Red? Alam mo yung hindi mo man lang narealize? Yung darating yung panahon na sa sobrang kakatago mo sa totoong nararamdaman mo, sa kakadeny mo niyan, napapalagpas mo na pala yung mga chances. Yung chance para masabi mo, na maiparamdam mo yung nararamdaman mo dun sa taong yon. Alam mo kung bakit ka naiinis? Yan yung pagsisisi na tinatawag. Nanghihinayang ka sa kung anong nagawa mo sana. Yan yung time kung saan iniisip mong "WHAT IF". Diba tama ko? Sabi nga nila, The worst regret we have in life is not for the wrong things we did but for the right things we could have done, but we never did." sabi ni Franz. Naaawa na talaga siya sa kaibigan. Simula pa lang naman, alam niyang may kakaibang nararamdaman na si Red para kay Loureen. Kahit magdeny pa si Red, kilala na siya ni Franz kaya di na siya makakapagtago.

Naglakad siya papalapit kay Red at saka hinawakan sa balikat si Red na nakaluhod at ang mga kamay e nasa lupa.

"Pag mahal mo ang isang tao, Go, tell them. Huwag mong hayaang pagsisihan mo ulit yung mga bagay na.. ginawa mo sana." sabi niya ulit at saka iniwan si Red nang mag isa.


TO BE CONTINUED

*


UD naaaa again. May kadugtong pa yaaaan. Just keep on waiting. :))

Basahin nyo to habang pinapakinggan yowng music sa gilid. OVER THERE!

/IamMarshmallow


RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now