Chapter 45: Jealous (Updated)

5.7K 106 7
                                    

RED

LJ's POV

Ding dong~

Omaaay. Sino yon? Imposibleng si.... Pagkabukas ko ng pinto... si.... si Jonas.

Si Ate Sam ngiting ngiti. Tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano? I called him para naman may aalalay sayo. Baby ka pa eh." sabi ni Ate Sam.

"Nako, Ate talagaaaa!" sabi ko.

"Walang anuman. *sabay kindat* Uyy Jonas, bunganga mo pakisara! Sige na, maiwan ko na kayo. Nasa baba na ang Baby Franz ko ehh. See ya there!" paalam ni Ate Sam.

Napansin ko naman si Jonas na tulala parin. Jusko pow.

"Uy Jonas Miguel Dela Peña! Ahaha! Tulala kapa dyan. Tara na nga!" Yaya ko.

"Ha?" tanong niya. Tapos tinawanan ko lang.

AIRES CAR PARK

Pinagbuksan ako ng pinto ni Jonas. Natural na yun sa kanya. Obvious naman sa mukha niyang gentleman siyang talaga. Si Red Oliver lang naman yung gentleman na di mo aakalaing gentleman.

Asan kaya si Red---- omaaay. Teka siya ba yung nakikita ko?

"My princess, lika na. Uy......... masyado ka ng nasarapan sa pag upo diyan.... LJ? Huy LJ pwedeng bumaba." sabi ni Jonas.

Di ko namalayan na kinakausap pala niya ko.

"San kaba kasi nakatingin?" tanong ni Jonas sabay tingin dun sa kung saan ako nakatingin... Tapos nagtama yung tingin nila. Di to maganda. Di ko rin to gusto. 

Awkward na masyado.  Kaya niyaya ko na si Jonas papunta sa venue. Sabay lagay ng kamay ko sa braso niya. Napansin ko namang parang umiwas si Red Oliver ng tingin. Nagseselos ba siya? Teka, pinagseselos ko ba siya? Aaaaaaaghhhhhh.

Pagdating namin sa venue, napa WOW ako. WHY? Ang romantic nung lugar. Ang ganda rin pala ng nirush pa naming tapusin kagabi lang. Teka, bat sila nakatitig sakin? Pero di ko na lang pinansin.

Tapos umupo na kami. Inalalayan pa ko ni Jonas pati sa pag upo.

"O'em'geee. LJ? IKAW BA YAAAN?!!" biglang tanong ni Yoori na ALL IN sa yellow. Muntik pa siyang mabilaukan sa iniinom nyang juice. 

"Halaaa bakit?" inosenteng tanong ko naman.

"E nakakainsecure yung ganda mo e." sagot niya. Tumawa lang ako. Anubatong kaibigan ko, nalasing na ata sa juice.

Tapos nagstart na yung host ng ball na magsalita. So does that mean na START NA???

Hashtag NAKAKAKABA. Nakaupo lang ako nang biglang may kumalabit.

"LJ! LJ! Kanina ka pa namin hinahanap.. nako. Kung hindi ka pa ituturo ni Sir hindi kita makikilala, hampretty mo kasi." sabi niya. I mean si Aimey. Siya yung nangalabit.

"Kelangan dun ka sa table namin. Yun kasi nakalagay sa seat plan ni Sir. Ayaw mo nun? Katabi mo siya? Lika naaa!" Aya sakin ni Aimey.

"Pero maaayyy-----" di na ko natapos sa sinasabi ko dahil hinila na niya ako.

"Sir, eto na si LJ!" sabi bigla ni Aimey.

Nagulat ako. SIR? Si Sir Red ba yung tinutukoy niyang Sir kanina pa?

"LJ, hay nako. San ka ba nakaupo? Kung di ka pa ituturo ni Franz di ka namin makikita." sabi ni Ate Sam.

"Actually, si Red unang nakakita sayo. Teka asan na pala yun?" sabi ni Franz.

"Wag mo ng hanapin at baka masira pa ang gabi ni LJ. Diba LJ? O si Jonas oh.." sabi ni Ate Sam.

"O yan na rin si Red Oliver O.." singit naman ni Franz

Tapos natahimik ang lahat nang si Red paupo na pero hinawakan pa rin ni Jonas yung upuan.. isa nalang kasi yung vacant seat na andun. Si Jonas unang nagsalita. Si Red nakatingin lang. Pareho silang seryoso kung makatingin pero si Red ang MAS nakakatakot.

"Ako ang nauna." sabi ni Jonas.

"Wag mong ipagsisiksikan ang sarili mo sa hindi naman sayo." sagot ni Red. Huh? Teka di ko sila maintindihan. Nang dahil lang sa upuan?

"Hey guys. Chill lang kayo pwede? Pwede naman akong magpakuha pa ng isa pang upuan para happy happy tayo." Singit ni Sir Franz.

Tapos nagpakuha si Sir Franz ng isa pang upuan. Isang malaking pabilog yung lamesa.

Si Jonas katabi ko sa kaliwa, sa kanan si Ate Sam. Sa tapat ko naman umupo si Red Oliver na sabi ni Aimey e dapat nasa tabi ko.

Aaminin ko, awkward yung feeling. Kasi may time na magkakatinginan kami, tapos biglang iiwas like there's nothing TITIGAN happened. Parang di naman kame magkakilala neto.

May nag intermission naaa. Di ko naman pinanuod. Di dahil sa ayaw ko, kundi dahil sa di ko makitaaaaa. Hanggang sa kainan na.

Yung food, haaaangdamiiiiiii!

Napatingin ako kanila Ate Sam, Angsweeeet. Sinusubuan ni Sir franz si Ate Sam.

"Ahem ahem." bigla kong napatingin kay Jonas.

"My princess, say ahhhh." sabi niya tapos hawak na yung kuchara.

"Jonas, ako na." sabi ko tapos nag ayiieee yung mga nakakita.

"Ayoko." sabi niya. Kaya wala na kong nagawa. Di kami matatapos neto pag di pako pumayag ihhh. Sinubo niya na sakin tapos lalo silang nag AYIEEEEEEE.

Awkward. Andun kaya si Red Oliver ko. Anubatong si Jonas? Pinagseselos nya ba si Red?

Pero...

Pero... in fairness..

EFFECTIVE *O*

Pero bigla na lang siyang...

"Franz, pakihanap nga si Triscia. Asan naba yung date ko?" biglang sabi ni Red. AW.

May "</3" kasi sinasabi niya yun habang nakatingin sakin. </3.

Tas bigla na siyang tumayo.

***

Pagbalik niya, kasama na nya si Triscia.

H-habang tinitingnan ko silang magkatabi, masasabi mong bagay sila. Oo, maganda si Triscia ehh. *sigh.

*

"O triscia, may....." di na tinapos ni Red Oliver yung sinasabi niya kasi pinunasan nalang niya yung gilid ng bibig ni Triscia gently.

"Am, thank you Sir." sabi nalang ni Triscia, sobrang naiilang na siya sa ginagawa ni Red. Nahihiya na rin si Triscia kay LJ. Dahil alam niya na masakit ito sa part ni LJ.

Hanggang sa nagstart na yung sayawan.


TO BE CONTINUED


*

ITUTULOY.. (magtatype nako nang magtatype CHILLLLLLL)

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now