Chapter 12: Jonas, The Gentleman (Updated)

7.8K 139 3
                                    

RED

LJ's POV

Nakatayo sila Red Oliver at Catherine at magkaharap sila sa isa't isa.

"I miss you, Red Oliver." then she hugged him.

Sabay mulat ng mga mata ko. Tsssss. PANAGINIP. 

Panaginip lang ba? Hindi ehh. Kitang kita ng dalawang mata ko.

Today is Friday. Wala naman akong klase ngayon. Mon to Thurs ang sched ko ng pagpasok. Pag friday at saturday eh dapat nasa SC office ako. Pero ewan ko ba, parang wala akong ganang umalis ngayon.

Pagbukas ko ng refrigerator, bumungad sakin yung LASAGNA. Dalawa kasi yung ginawa ko. Yung isa para sakin, yung isa para kay....

Teka. May paper bag akong dala nung nagpunta ko sa office ahh. Ba't wala nakong dala paguwi ko?

Nalapag ko pala dun sa table ko. Haaaay. Papasok na nga lang ako.

Alas diyes ng umaga, palabas na ako ng pinto ng mabasa ko ang note na ito.

---------------------------------------------------------

Good Morning, Princess!

Don't cry na ha? Di bagay sa'yo.

Tawagan moko pag aalis kana.

                               - Jonas

--------------------------------------------------------

May pasulat sulat pa ng note.

Tawagan? Parang alam ko number nya ha. Pagtingin ko sa likod ng note na yun, 
nakalagay 0915 *** ****

Calling......... 0915 *** ****

"Princess? Paalis kana?" tanong nito sa kabilang linya.

"Ahh, yes." maikli kong sagot.

"Andito ko sa tapat ng condo. Punta kana dito ha. I'M WAITING~"  sabay end ng call.

*

JONAS' POV

Hi, Jonas here. Anyway, andito ako ngayon sa tapat ng condong tinutuluyan ni LJ. Nag aalala kasi ako sa kanya kagabi, grabe ang iyak nya. Bakit kaya? Ayan na sya, Bumungad agad sakin yung angking ganda nya.

"Hi, My Princess.." bati ko sa kanya. Sya naman mukang naiilang.

"Ba't ka andito?" tanong nya.

"Ihahatid kita. Sakay na." tapos pinagbuksan ko sya ng pinto ng kotse. Nakakatuwa sya. Halatang naiilang na. 

"Ahm, My Princess?" Tumingin sya sakin. Tas tinitigan ko sya. As in titig.

"Jonas, ano ba! Nagdadrive ka!" sita nya. Halaaaaa. Umuusok na ilong nya. Parang bull. 

"Ang cute mo." sabi ko. Pagkasabi ko nun hinampas niya ako sa kanang balikat ko.

"O andito na tayo, My Princess." Pinagbuksan ko sya ulit ng pinto.

"If ever you need me, just CALL ME MAYBE." *Insert a Call Me Maybe song here

"Aalis kana agad?" tanong nya.

"Ba't ayaw mo pa? Pwede naman basta ikaw." Hindi sya nakasagot. Haha. Tama na nga.

"Biro lang. Wala akong klase ngayon. Diba kayo rin? May pupuntahan kami ni Yoori. Sige na ha, una nako!" Paalam ko. Ngumiti lang sya. Parang pilit. Halatang hindi pa sya masyadong okay.

Bumalik ulit ako sa bahay namin para sunduin naman si Yoori.

May mahalaga kaming pupuntahan. Actually ako lang dapat pero nagprisinta si Yoori na samahan ako.

SAAN NGA BA KAMI PUPUNTA NGAYON?

"Kuya, saang cemetery ulit yon?" tanong niya.

"Sa Alley Heights Memorial Park." sagot ko.

TO BE CONTINUED

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now