S2 Chapter 6: Signs

465 16 0
                                    

RED 2

LJ's POV

Tatlong araw na ang nakalipas. Sigh.

Asan na kaya yung nagsabing manliligaw. Hashtag MEDYO NAKAKAINIP.

Isa pa, masyado siyang bisi.

AIRES UNIVERSITY

Nakaupo ako sa bench, somewhere. Nakapalumbaba.

"Huy!"sabi ng kung sino. Sabay takip ng mata ko.

"JONAS!" hula ko.

"Wow, galing talaga. Ba't ka nakasimangot?" tanong niya. Sabi na eh, sya to ehh.

"Wala, saka di ako nakasimangot ahh!" sabi ko.

"Wag nga ako LJ. Tara, sumama ka sakin!" sabi niya sabay hila sakin.

MALL

"Tara video games tayo!" aya niya.

"Ikaw na lang, manonood lang ako sayo." tapos pilit akong ngumiti. Naglaro pa rin siya pero...

"Hayy. Amboring ko kasama no?" bigla niyang sabi. Sabay buntung hininga.

"Halaaa, Uyy Jonas. Hindi." sabi ko.

"Talaga?" tanong niya.

"Oo naman. Wala lang kasi talaga ko sa mood." sabi ko.

"Hmm, teka. Ano kayang pwedeng gawin para maging good vibes ka? Ahh alam ko na!!" sabi niya tapos dinala nya ko sa ice cream shop.

"Yung cute nga po na pinakamataas na ice cream, yung mas mataas pa po dito sa kasama ko!!" sabi nya dun sa babaeng nasa counter. Wow ha. Parang napakaliit ko naman.

Pagkabigay nung ice cream, WOAH. Oemgeeeee. Ang taas. So pano ko to kakainin e mas mataas pa sakin >////<

Ganto yung mga Ice cream na nakikita ko sa Instagram ehh.

"Oy nyemas ka Jonas. Manlilibre ka na nga lang, papahirapan mo pa ko." sabi ko. Mataas kasi siya as in. Kelangang dilaan mo na agad kasi baka matunaw.

"Masyadong reklamador e no? Ako na nga tong nilibre. HAHAHA. Pero thank you ha." dagdag ko pa.

"Wala yun, alam mo namang mahala--"

Naputol yung sinasabi niya dahil nagring ang phone ni LJ.

Riiiiing~ Riiiiiing~

Teka, phone ko. Pagkacheck ko, 12 missed calls. 1 message. Lahat galing kay Red Oliver. Lagot na.

Rereplyan ko pa sana pero..

"Loureen!" tawag niya. Asa likod ko na pala siya. Pagkaharap ko, OHHH~ Para akong natuyong halaman na muling nabuhay. :''''>

Pero kinakabahan ako sa dalawang to. Baka bigla na lang awayin ni Red si Jonas. Kelangang umaksyon ako agad bago pa dumating sa point na yun. Pero...

"Isasama ko na siya. Salamat sa pagpasyal sa kanya ha." sabi ni Red NANG MAHINAHON. Wew. Nagpaalam na ko kay Jonas. Naglalakad kami ni Red papuntang carpark. Angtahimik niya.

Hanggang sa nakarating na kami. Well, walang tao. At mejo madilim pa. Pinagbuksan niya na ko ng pinto ng sasakyan pero sinara ko iyon.

"May sasabihi--

Nagkasabay kami magsalita non.

"Sige ikaw na." sabi ko.

"Hindi, ikaw na mauna." sabi naman niya.

"Ikaw na. Sige na." sabi ko.

"No, you first." sabi niya ulit. Hanggang sa paulit ulit na ganon. Huehue. Napa *sigh nalang ako. 

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz