Chapter 1

1.8K 127 5
                                    

Yuri POV

"Hays kukuha na naman ako ng gamot." malumanay na sabi ko sa aking sarili.

Ito ang ginagawa ko sa pang araw-araw na buhay dito sa mundong kinagagalawan ko.

Ako nga pala si Yuri Harris. 16 taong gulang. May gintong buhok at mata, at mapuputing balat. Isang di kilalang tao at pinakamahinang tao sa mundo. Bakit? Simula nung nalaman ko na isa sa pinakamahinang mahika ang taglay ko ay marami ng tumutukso sa akin ng mga kabataan. Simula din nun sanay na ako sa kanilang pinagsasabi.

Ang mahika ko kasi ay tinatawag na "telekinesis". Isang mahikang kayang magbuhat ng anomang bagay pero nakadepende paren ito sa kalakasan ng iyong mahika at pisikal. Sa pagkakaalam ko kaya ko lang mabuhat ay yung bigat ng isang sakong bigas. Oh diba, taray ko napakahina talaga.

Ang mundong kinatatayuan ko ay tinatawag na Mundong Seria. At ang kaharian naman dito ay tinatawag na Kaharian Zora. Pero sa tinitirhan ko ay isa lang sa mga pinakamahirap na bayan, ang Bayan ng Viena.

Habang naglalakad ako, tanaw na tanaw ko at amoy na amoy ko ang simoy ng hangin. Nandito lang naman ako sa isa sa pinakagagandahan kong talon dito sa bayan. Ang aking Lola lang at ako ang nakakaalam dito sa lugar na to.

Dahil na rin sa nakahiligan namin maglakbay dati ni Lola, nakita namin itong alon at tinawag naming Talon ng Dulla. Napakasariwa kasi dito at ang ganda. Nandito rin ang mga samot samot na mga halaman na may magkakaibang kulay. Isa rin ito sa pangalawang tahanan namin ni Lola.

Habang naglalakad ako ay sinimulan ko na ring kumuha ng mga halaman. Gagawa kasi ako ng gamot para sa aking Lola kong may sakit. May sakit kasi yung Lola ko sa hindi ko malamang dahilan. Sabi rin sa ibang manggagamot ay hindi rin alam kung pano ito gamutin. Kaya nagpursigi akong makahanap ng gamot para kay Lola.

Habang napuno ko na ang basket ng mga klase klaseng mga halaman ay di nag tagal ay umuwi na ako

"Lola! Nandito na po ako" sigaw ko sa harap ng aming bahay. Hanggang sa

"Lola!" Biglang sigaw ko at nabitawan ko yung dala dala kong basket na may mga halamang gamot.

"Lola anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Apo" mahinahong sabi ni Lola.

"Siguro di na ako magtatagal dito sa mundo" paliwanag na sabi ni Lola.

"Lola naman, alam mo namang ikaw nalang yung natatanging pamilya ko. Namatay nanga yung magulang ko tas kayo pa ang masusunod." Hinihingal na sabi ko.

Biglang napatawa si Lola. "Basta apo ang utos ko lang sayo ay magpalakas ka. Wag kang babaan ng loob."

"Opo Lola" at bigla ko siyang niyakap

Nung kumuwala ako ay may napansin akong may kinuha siya sa kanyang bulsa. Isang susi na yari sa ginto at at may pulang diyamante sa gitna.

"Lola ano po yan? Bakit may susi?" Takang tanong ko kay Lola.

"Kunin mo to at puntahan mo yung Talon ng Dulla. Dun sa kweba ay pasukin mo iyon at may makikita kang isang pinto at dun mo gamitin tong susi na ibibigay ko sayo." Sabi ni Lola.

"Basta ipangako mo apo na magpalakas ka at maglakbay sa ibat ibang parte ng mundo. Diba pangarap mo iyon? Natin?" Malumanay na sabi ni Lola.

"Opo Lola pangako po gagawin ko po ang makakaya ko." Umiiyak na sabi ko.

"Basta apo wag kang magtanim ng galit at maging masaya lang. At isa pa wag kang papasok sa mga paaralan o yung mga may konektado sa kaharian. Sila kasi yung sakim sa mga kapangyarihan. Yung susing ibinigay ko sa iyo, sa loob dun ay may mga maraming libro na siyang magtuturo sayo. Kaya apo alagaan mo yun at wag ipaalam sa iba na may ganun ka. Maliwanag?" Sabi ni Lola.

"Opo Lola" maiyak iyak kong sabi.

"Hali ka nga dito." Sabi ni Lola at bigla akong niyakap.

"Siguro dito nalang ako apo mag- iingat k-." At yun na yung huling sabi ni Lola.

Napahagulhol ako sa pag iyak dahil ako nalang ang nag iisa. Walang karamay, walang kasama at sarili ko lang ang pinagkakatiwalaan ko. Ngayong wala na ang Lola ko ay dito ko makikita kong gaano kalakas ang loob ko. Siguro pagsubok lang to ng diyos sa akin Kong bat ako nagkakaganito. Pero matanda naman talaga yung Lola ko kaya imposibleng hindi mangyari iyon.

Habang inaayos ko si Lola ay di ko maiwasang mamangha sa mukha ng Lola ko. Maamo kasi yung mukha niya, malinis tingnan at wala man lang peklat na makikita sa kaniyang katawan.

Habang inaayos ko si Lola ay kinuha ko narin yung pala at kariton. Naisipan ko kasing dun ko ilibing si Lola dahil paborito talaga niya ang Talon ng Dulla.

Habang inaayos ko na rin ang mga gamit ko para sa paglalakbay ay di ko maiwasang tingnan ang loob sa bahay. Bigla nalang akong napangiti dahil naalala ko yung masasayang ginagawa namin ni Lola. Tinuturuan niya akong magluto, maglinis sa gawaing bahay at kunting kaalaman niya sa mahika.

Tiningnan ko uli ang loob sa bahay at biglang umalis kasama si Lola.

"Paniguradong bagong paksa naman ito sa aking buhay" paghinga na sabi ko.

Nang nakarating na ako sa Talon ay hindi ako nagdalawang isip na humukay. Dito ko talaga hinukay sa isang magandang pwesto ng mga halaman. Kumbaga itong pwestong napili ko at parang isang stage na napaligiran ng halaman.

Nang natapos ako ay hingal na hingal ako. Nakita ko ang puntod ni Lola na biglang namukadkad ang mga bulaklak. Nagtaka ako sa mga halaman kung bakit biglang namukadkad sila. Para bang mas nabuhayan ang mga halaman dahil sa puntod ni Lola. Kaya bigla nalang akong napangiti.

Nang natapos akong magpahinga ay kinuha ko yung susi at di nagdalawang isip na puntahan ang kweba na sinasabi ni Lola.

Habang naglalakad ako sa kweba ay nagsindi ako ng apoy para may ilaw ako. Madilim na kasi dahil malayo na ang nilakbay ko sa kweba hanggang sa napahinto ako.

"Wala namang pinto dito ah. Lola talaga puro biro." Inis kong sabi sa sarili ko. Hanggang sa may nakita akong kumikislap na bagay. Pinuntahan ko iyon at kinuha ko yung mga nakabalot na ugat dito. Siguro ang tanda na nito dahil sa marami ng ugat ang nakabalot. Nang nakita na ay agad kong kinuha ang susi ko. Nang buksan ko ito.

"Ang gan-"
















Yuri The Adventurer (ONGOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora