Chapter 22

386 47 2
                                    

        Sa madaling panahon ng pag-uusap ni Yuri at ng Earthwood Lion beast ay naging komportable sila dito sa isa't isa.

Patuloy na nag-uusap ang dalawa hanggang sa may ipinakita nalang ang Earthwood Lion beast.

"Isang maliit na Earthwood Lion!" Masayang pagkasambit ni Yuri."Anak! Isa mo yang anak!" Dagdag na sabi ni Yuri. Tiningnan niya nang maigi ito at saka lang niya nalaman na kakasilang lang nito.

Nilalaro ni Yuri ang anak ng beast subalit nakita nalang niya na napaluwa ng dugo beast.

"Ginang Earthwood Lion!" Pag-alala na pagkasabi ni Yuri.

Tumingin lamang ang beast kay Yuri at pilit ngumiti. Ibinigay ng beast ang kaniyang anak kay Yuri.

"Ito ang dahilan kung bakit gusto kong mangako ka sa akin. Ang aking anak ay ang kaisa isang lahi ng Earthwood Lion. Nang isinilang ko ang aking anak ay kalahati nalang ng lakas ang aking enerhiya. Pero laking gulat ko nalang na may mga tao na sumulong sa akin. Dahil hindi ko sila kayang labanan ay tumakas nalang ako. Pero hindi pa rin ako nakatakas sa kanilang atake na naging epekto ng pagkasira ng life force crystal ko." Paliwanag ng beast kay Yuri.

"Dahil hindi na ako magtatagal sa mundong ito ay sana mangako ka sa akin. Gusto kong alagaan mo ang aking anak. Gusto kong lumaki siya bilang isang mabait na beast. Kaya ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang aking anak Yuri. Maliwanag?" Dagdag pa ng beast dito.

Tiningnan ni Yuri ng maigi ang napakaliit na Earthwood Lion Beast.

"Pero pa–." Hindi natapos ni Yuri ang kaniyang sinabi nang may ibinigay pa ang beast ng isang singsing.

<Spatial soul ring (invisibility)>

"Isa iyang storage ring kung saan pwedeng maging tirahan ng aking anak. Nandiyan rin ang isang klaseng halaman kung saan pinapabantay sa amin ng aming mga kanunuan. Alam kung bilang isang Alchemist Adventurer ay napakahalaga ng kayamanan na iyan." Paliwanag ng beast kay Yuri

Kinuha ni Yuri ang singsing at ito'y tiningnan.

"Isang Cactus Areca." Mahinang sambit ni Yuri. "Isa itong pinaka importanteng halaman na kung saan makakatulong ito sa papadagdag ng taon para mamuhay sa mundo. Nakakabata rin ito ng pisikal na katawan." Dagdag pa nito na labis niyang ikinangiti.

Pero nagbago iyon ng may naalala siya. "Kung dati ko lang itong nakuha at nalaman na may kakayahan pala akong gumamot ng may malubhang sakit ay sana naligtas ko si Lola." Sabi niya sa kaniyang isip.

Pero agad nawala ang malungkot na mukha no Yuri ng maalala niya ang bilin ng kaniyang Lola.

"Lola magpupur– Ginang Earthwood Lion!" Sigaw niya rito. Agad niyang nakita ang beast na nakahandusay sa lupa.

"Alagaan mo ang anak ko Yuri." Huling sabi nito at agad rin itong naging abo na kung saan labis ang lungkot ni Yuri.

"Nangangako akong magiging mabuti ang iyong anak sa hinaharap Ginang Earthwood Lion." Mahinang sabi nito.

Inipon ni Yuri ang abo ng beast at humukay siya ng lupa para ilagay ng maayos ito. Kahit sandaling nagkita lang silang dalawa ay tinuring kaibigan pa rin ni Yuri ito.

"Paalam–."

__

Nasa tarangkahan na ngayon si Yuri pero hindi na siya doon dumaan bagkus tumalon nalang ito sa harang.

Tiningnan muna ni Yuri ang kaniyang info.

Name: Yuri
Race: Human (Multipotentiality)
Rank: Master Level 1
Concealing Rank: Apprentice Level 2
Alchemy:  Elite 3
Blacksmith: Warrior 2
Soul Chef: Grandmaster 2

Yuri The Adventurer (ONGOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum