Chapter 12

463 50 1
                                    

Yuri's POV


"Ang kapangyarihan ko ay telekinesis." Huling sabi ko sa kanila at nakita kong ikinagulat naman niya iyon. Ginamit niya ang kaniyang senses para marinig ang kanilang mga pinag-usapan.


"Hala diba isa iyon sa pinakamahinang mahika." Tao 1

"Ang lakas naman ng loob niyang sumali dito sa paligsahan. Ang mas masaklap pa ay isa itong lider." Tao 2

"Paniguradong sila ang pinakahuli dito sa larong ito." Tao 3


Dahil sa narinig kong usap usapan nila ay bigla akong ngumiti at tiningnan ko ang mga kasama.


"Oo, isa ito sa pinakamahinang mahika sa Mundo ng Seria. Pero nangangako ako sa sarili kong hindi ako magpapatalo sa paligsahang ito. Gusto kong ipakita sa mga tao na walang mahinang mahika ang ginawa ng diyos. Lahat ay pantay pantay ito at nakadepende na talaga yan sa isang tao. Mamaya makikita niyo ang mahikang tinatawag niyong pinakamahina." Dagdag kong sabi sa kanila ay ngumiti nalang dito.


Wala ni isa ang nagsalita kaya ang host nalang ang unang pumutol sa katahimikan.


"A–at nga–ngayon ay tapos na ang pagpapakitang gilas nila. Kaya ano pa ba ang hinihintay natin. Simulan na ang unang paligsahan." Sigaw ng host na siya namang natagumpayan ang pagpapansin sa mga tao. Biglang naghiyawan ang mga tao sa loob at sinisigawan nila ang kanilang sinusuportang  Akademia.


"At dahil dito simulan na natin." Sigaw ng host at biglang gumalaw ang kinatatayuan namin. Bigla akong nagulat at bumulaga sa akin ang isang napakagandang isla. Napanganga  sa ako nakita pero naputol rin iyon dahil biglang nagsalita ang host.

"Dahil sa nakikita niyo ay magkalayo, layo kayo. Ang gagawin niyo lang ay talunin ang makakasalubong niyo. Dahil nasabi ko na kanina ang mga rules dito ay simulan niyo na ang paghahanap." Sabi ng host.


Ang makikita mo lang talaga ay isang isla. Hindi ko na rin nakikita at naririnig ang mga nanonood kahit gamitin ko pa ang senses ko kaya sa loob ko nalang ito ginamit.

"Siguro magkalayo talaga kami dahil ni isa wala akong maramdamang awra." Sabi ko sa sarili ko at naglakad nalang.

Habang naglalakad ako ay bigla akong nakaramdam ng awra sa likod ko. Buti nalang ay nakailang ko sa isang matinik na ugat. Dahil sa nagpakitang gilas ang mga lider kanina ay alam ko na talaga ang kanilang mga mahika.

Alam kong si Prinsipe William ito.


"Uy, buti ikaw ang unang nakita ko. Swerte ko talaga dahil isang napakahina lang ang nakatagpo ko." Hambog na pagkasabi niya.

Hindi ako nagsalita bagkus ay tiningnan ko lang siya.

"Oh ano hindi ka makapagsalita dahil sa gwapo kong taglay. Hindi na ako magpatumpik tumpik pa at simulan na kitang talunin ngayon." Sigaw niya sa akin na ikinaalerto ko naman.

"Thousand Leaf Blades!" sigaw niya sa akin at biglang lumitaw ang libo libong mga blades. Naalerto ako dito kaya isa isa ko itong inilagan na ikinabigla naman niya.

Napangisi ako at sumulong ko sa kaniya. Sa ngayon hindi ko muna gagamitin ang mahika ko dahil gusto ko munang sukatin ang physical combat ko.

Dahil dito naalerto siya sa ginawa ko pero huli na ang lahat dahil na sipa ko na siya sa kaniyang tiyan. Tumilapon siya sa malayo at makikita mo talaga sa mukha niya ang sakit na dinaramdam.

"Paano mo nailagan iyon? Isa iyon sa pinakamalakas na skills ko." Pilot na sabi niya at napangisi nalang ako. Malayo pa kasi ang lalakbayin niya para makapantay sa lakas ko. Nakita ko sa kalagayan niya ay hindi pa niya masyadong alam paano tumingin ng awra. Siguro matitingnan lang niya yung mga mahihinang mga tao. Hindi rin siya marunong gumamit ng mana skin dahil kakasimula pa siguro tong mag-aral.


Nang makatayo siya sa kaniyang kalagayan ay gumawa siya ng leaf sword. Oo pwede kang gumawa ng kahit anong sandata basta sa sarili mo lang itong mahika.

Naalerto naman ako sa kilos niya at bigla niya akong sinugod.

Hindi sa pagiging hambog ay nahusayan ko na ang paggamit ng sandata kaya alam ko na talaga ang kilos niya. Dahil hindi naman talaga ako makakagawa ng sandata ay sa pisikal na kombat ko nalang siya lalabanan.


Ilag, suntok at sipa lang ang ginawa ko. Dahil sa lamang nga ako sa kaniya ay makikita mong sobrang dami na niyang pasa na natamo sa akin.

Dahil dito ay unti unti na rin siyang nanghihina pero makikita ko talaga sa kaniyang mukha ang pagbibigay ng lahat ng makakaya niya. Dahil pareho lang naman kami ng layunin ay hinding hindi rin ako basta magpapatalo.

"Siguro gagamitin ko na ang alyas ko dapat sa huli ko pa ito ipapakita." Nginig na pagkasabi niya sa akin.








Ara's POV


Kanina pa ako nag-alala kay Yuri simula nung nalaman ng mga tao ang kapangyarihan niya. Alam kong usap usapan parin siya dito dahil sa pagsali niya sa paligsahan.

Nang magsimula na ang unang paligsahan ay sa screen lang talaga niya ako nakatutok.

"Ate Ara, magiging okay lang naman si Yuri diba?" Alalang tanong ni Josh sa akin. Alam kong gusto mo Josh si Yuri kaya nakikita ko talaga sa kaniya ang pag-alala.

"Malakas si Yuri at hindi iyon basta basta matatalo." Pagmomotivate ko sa kanila na siyang isinang-ayon naman nila. Kahit kinakabahan ako ay nilakasan ko parin ang loob ko para hindi matakot ang mga kasama ko. Alam kong baguhan lang kami pero gagawin namin ang aming makakaya para manalo sa paligsahang ito.


Habang naglalakad si Yuri ay biglang sumulpot si William sa kaniyang likod na ikinatayo ko sa upuan.

Si William ang naging kalaban niya ngayon pero sa nakikita ko sa mukha ni Yuri ang walang labis na takot kaya napahinga lang ako.

Nang inilabas ni William ang kaniyang mahika ay nag-ingay ang mga tao.

"Diba isang mahirap na skill yun? Paniguradong talo na ang lider ng Ferrus Academy." Tao 1

"Bat naman kasi sumali pa sila" tawang pagkasabi naman ni Tao 2

Napangiti lang ako sa narinig ko dahil alam kong hindi matatalo si Yuri doon. Siguro nga kung ako ang nasabkalagayan ni Yuri ay maiiwasan ko rin iyon. Tinuruan kasi kami sa mga ganyang sitwasyon. At kaya ko naririnig ang mga tao sa malayo dahil tinuruan rin ako ni Yuri about sa hearing senses. Siguro mga 200 na metro pa ang maririnig ko at alam kong sapat na iyon para marinig ko sila.

Nang mailagan ito ni Yuri ay nabigla ang lahat ng tao dito sa loob. Hindi nila akalaain na maiilagan iyon na walang kahirap hirap.

Napangiti nalang ako at tinuloy ko ang panunuod sa labanan.

Habang nanunuod ako ay bigla nalang akong nagulat sa mukha ni Yuri.

"Alam ko ang ginamit ni William. Isa itong enhance skill." Sabi ko sa sarili ko.













Yuri The Adventurer (ONGOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat