Chapter 15

482 56 1
                                    

Yuri's POV

"Congrats Yuri!" Sabi Ara sa akin

"Kuya napakagaling mo po." sabay na pagkasabi ng magkambal sa akin.

"Mahal kung Yuri ang galing galing mo talaga" sabi naman nitong Josh at umaktong hahalikan ako sa kamay na inawat naman ito ni Ara at napatawa kami dito.

Dahil nalungkot ito ay ako nalang ang lumapit sa kaniya at hinalikan ko ito sa pisngi na ikinapula naman ng mukha niya.

"Maestro pupunta lang po ako sa palikuran." Bilis na pagkasabi nito at napatawa nalang kami sa kaniyang inakto.

"Kuya I'm so proud of you." Ingles na pagkasabi ni Lila. Napatawa nalang ako dahil nakasanayan na nitong nagsalita ng Ingles. Siguro nga mas nalalamangan na ako nito.

Pinuntahan ko naman si Maestro na siyang nginitian lang ako at ginulo ang gintong buhok ko.

"Bilib talaga ako sa iyo uri." Niyakap naman ako nito kasama si Mil. Kung hindi lang talaga ito matanda ay siguro crush ko na ito kaso bawal talaga.

"Salamat sa inyo, hindi ko naman ito magagawa kong wala kayo." Sabi ko sa kanila.

"Bukas ay may magaganap na pangdiriwang ang lahat ng mga kalahok sa paligsahan at aasahan namin ang Ferrus Academy ay magpapakita ito sa kanilang nagagandahang mga mukha." Masayang sabi ng host na ikinasang ayon naman ng mga ibang kalahok.

"Ang dahilan ng pangdiriwang ito ay gusto makita ng mahal na Hari ang mga naglalakasang mga kalahok ngayong taon. At dahil dun, suutin niyo ang pinakamagandang kasuotan niyo." Sabi ng host.

"Inaasahan ko kayo sa pagpunta. Yun lang ang masasabi ko at maraming salamat." Pahabol na sabi niya.

Agad naman kaming umuwi sakay ng karwahing ginamit namin.

At dahil nga pagod na pagod kami ay ang mga nakasama ko rin ay nakatulog na.

Habang si Maestro ay nagmamaneho sa karwahi ay may naitanong nalang ako.

"Susundin ba natin ang sinasabi ng host kanina Maestro Felix?" Tanong ko sa kaniya na ikinangiti lang nito.

"Sino bang nagsabi na bawal tignan ang nagagandahang mga mukha natin." Direktang sabi niya na ikinatawa ko nalang. May hambog na ugali rin pala itong maestro namin kaya hindi na ako nagtakang dito kami nagmana.

Nang makarating na kami sa inuupahan naming bahay ay agad na kaming pumunta sa kaniya kaniya naming mga kwarto para magbihis.

Nang matapos na akong maglinis ng katawan ay agad rin akong pumunta sa pagkainan.

Dito naamoy ko ang niluto ni Maestro. Naamoy ko ang adobong manok na kaniyang niluto.

Agad kaming nagdasal at kumain narin

Walang nagsasalita dahil sa sarap ng pagkain at gusto narin naming magpahinga.

Nang matapos na kami ay agad ring kaming pumunta sa sarili naming mga kwarto.

Kinaumagahan ay gumising sa akin ang sinag ng araw. Dun ko napagtanto na nasa ibang bahay pala kami natulog. Napingiti rin ako dahil hindi ko akalaing nanalo ako kahapon sa unang paligsahan. At dahil ngayon ang araw ng pagdiriwang ay bibili muna kami lahat ng aming masusuot para mamaya.

Nang matapos na akong maligo ay agad na akong pumunta sa lamesa na ikinagulat ko dahil ako nalang pala ang hinihintay nila.

"Wag mo silang alalahanin Yuri, sadyang galak  lang sila dahil bibili tayo ng damit para mamaya." Paliwanag niya sa akin.

At dahil masarap ang nakahain sa lamesa which is sinabawang manok ay di na kami nagdadalawang isip na magdasal at kumain.

Napansin ko sa tatlong mga lalaki na sobrang bilis nila sa pagkain na animoy parang may paligsahang naganap.

Nang natapos narin kami ay kaniya kaniya kaming pumasok sa silid namin para makapaglinis at makabihis.


"Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Maestro.

"Opo Maestro Felix" galak na pagkasabi nila na ikinatuwa ko naman.

Nang umalis kami sa inupahan namin ay nakita namin ang sobrang napakaraming mga tao sa paligid na animoy mga langgam.

Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang napatingin sa pader na agad ko naman itong ikinabigla.

Kita ko kasing may nakapikit dun na papel at ang ikinagulat ko pa ay ako ang nasa papel. Dahil sa may maskara ako nun ay wala talagang nakikilala sa akin. Kaya laking pasasalamat ko sa ideya ni Ara dahil kung hindi namin ito nagawa ay tiyak na maraming tao ang lalapit sa amin.

Habang nakarating na kami sa pamilihan ng mga kasuotan sy bigla nalang akong namangha sa aking nakita.

Marami kasing nakasabit ng mga nagagandahang mga damit na panlalaki at pambabae. Habang abala ang lahat sa kanilang pamimili ay ako naman ay nilibot ito.

Marami naman talaga ang mga nagagandahang kasuotan pero may isang kasuotan ang nahagip sa aking mata. Ito ay kulay black na may linings na ginto.

Habang kinuha ko iyon at sinukat ay nakita ko sa salamin ang itsura ko. Masasabi ko talagang, ang ganda ko sa damit na to. Hindi sa pagiging hambog pero nung isinuot ko ito ay nagmumukha akong mayaman sa suot na ito.  Feeling ko talaga isa akong anak ng mga royals dahil sa suot ko pero imposible naman iyon dahil isa lang akong anak ng normal na tao.

"Kuya Yuri nakahanap ka na ba ng susuo–" putol na sabi ni Josh at nabigla ito sa akin.

"Ah Ku–kuya, bagay ba bagay sa iyo ang suot mo." Utal na pagkasabi ni Josh na ikinangiti ko lang.

Tumango lang ako sa kaniya at hinubad ko na ang aking suot. Pumunta na ako sa may ari ng pamilihan dito at nagbigay ako ng isang ginto na ikinataka naman niya.

"Sakto na po ba tong isang ginto para sa aming napiling kasuotan?" Tanong ko sa babae na agad ikinagulat niya. Masyado talagang big deal ang isang ginto dito HAHAHAHAHA.

"Kung tutuusin nga po ay sobra sobra nga ang perang ibinigay mo." Hiyang sabi ng babae na ikinatango ko lang. Hindi ko na kinuha ang sukli kayat wala nang nagawa ang babae kundi magpasalamat nalang.


"Nakapili na ba kayo?" Kung gayun ay uuwi na tayo dahil malapit ng magsimula ang pagdiriwang. Ako na rin ang nagbayad ng ating kasuotan." Paliwanag ko sa kanila. Umangal naman si Maestro pero sa huli ay pumayag na lang ito.

"Maraming salamat talaga Yuri ha. Sobra sobra na talaga ang ibinigay mo sa amin." Malumanay na pagkasabi nito na ikinangiti ko nalang.

"Ano kaba Maestro, diba pamilya naman tayo kaya ayos lang iyon sa akin." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Tumango nalang ito at umuwi narin kami sa inupahan namin para makapaghanda kami para sa pagdiriwang.







Third person POV

Maya Maya ay nakahanda na nga sila Yuri sa pagdiriwang. Nagpalagay rin sila ng palamuti na mas ikinatingkad pa ng kanilang mga postura.

Kung tutuusin, lahat sila ay nagmumukhang mga mayayaman na masasabi mo talagang mga anak ito sa Royals.

Dahil dito ay pumunta na sila sakay sa karwahing ginamit nila.

Nang makarating na sila ay agad silang nagsuot lahat ng maskara dahil gusto nilang mamaya lang ipakita ang kanilang mga mukha.

Nang bumaba sila ay agad naman itong nagulat sa kanilang nakita. Masasabi talaga nilang  napakaganda ng lugar ng napili para sa pagdiriwang pero ang mas ikinagulat nila ay sila nalang pala ang hinihintay para magsimula sa pagdiriwang.

"At ngayon–" putol na sabi ng host.

"Saksihan natin ang huling kalahok na nanalo sa unang paligsahan. Narito ang di kilalang akademiya sa Kaharian ng Seria. Ang Ferrus Academy!" Sigaw naman ng host at agad kaming tiningnan ng mga tao na may gulat sa kanilang mukha.





Yuri The Adventurer (ONGOING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz