Chapter 20

420 45 1
                                    

Nagising si Yuri sa mga huni ng ibon. Bumangon ito para simulan niya ang kaniyang plano. Pero bago pa iyon, balak ni Yuri na magbasa ng Libro tungkol sa mga tao at sa Kontinente ng Hidra.

Pumunta si Yuri sa bahay ni Grand Elder Wu para makapagtanong kung saan ang kanilang silid aklatan. Balak ni Yuri na malaman ang detalye ng mundong ito.

Nang makarating siya sa tapat ng Hall ay agad ring nakita ni Yuri si Elder Wu.

Huminga ng malalim si Yuri. "Magandang umaga po Grand Elder Wu." Masayang sabi ni Yuri sa matanda.

"Magandang umaga rin Yuri. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Tanong ng matanda kay Yuri.

"Gusto ko po sanang magbasa ng libro Elder Wu gayun lang hindi ko alam kung saan ang silid aklatan di-." Di natapos ni Yuri ang kaniyang sinabi dahil bigla nalang sumigaw ang matanda.

"Second Elder Alicia!" Tawag ni Elder Wu sa magandang babae.

Agad lumapit ang babae sa matanda. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo Grand Elder Wu?" Tanong ni Elder Alicia nito.

"Gusto ko sanang samahan mo si Yuri sa paglilibot ng ating tribu Elder Alicia. At ihatid mo rin siya sa silid aklatan." Paliwanag na sabi ng matanda sa babae.

"Sige po Grand Elder Wu." Paggalang na sabi ni Elder Alicia.

__

Kasama ni Yuri ngayon si Second Elder Alicia sa paglilibot ng Terra Tribe. Pinaliwanag ni Elder Alicia ang mga lugar rito.

Sa gitna ng kanilang lugar ay matatagpuan kung saan makikita ang kanilang Grand Hall na kung saan dito sila nagpupulong para sa kanilang plano. Sa tabi rin ng Grand Hall ay makikita rin ang mga bahay ng kanilang Elder. Nakatayo rin doon ang kanilang silid aklatan, paaralan para sa mga kabataan at pagamutan. Sa hilaga naman ay doon makikita ang labasan at pasukan ng kanilang lugar. Sa timog naman ay doon makikita ang mga kubo kung saan doon naninirahan ang mga mamamayan sa loob ng kanilang tribu. Sa silangan naman ay isa lang itong napakalaking ispayo. Dito nagaganap pag may piyesta silang gaganapin o paligsahan. At sa kanlurang bahagi naman ng Terra Tribe ay doon makikita ang kanilang kinukuhanan ng pagkain. Doon makikita ang mga palayan at mga tinanim na mga gulay at prutas na kung saan hindi sapat ito para matustusan ang tribo. May nakatanim ring mga halamang gamot kung saan makakatulong ito para sa may mga sakit.

Nang matapos nang malibot nila ang buong sulok ng Terra Tribe ay hinatid na rin agad si Yuri sa silid aklatan.

Kahit na napagod si Elder Alicia sa paglilibot nito iba naman kay Yuri. Hindi makikita sa mukha ni Yuri ang pagod dahil kakasimula palang niya ang kaniyang pagpaplano.

Nang umalis na si Elder Alicia ay agad rin pumunta si Yuri sa silid aklatan.

Nang mahanap niya na ang libro ay agad rin niya itong binuklat at binasa.

__

"Hidra Continent"

Ito ang tawag sa kanilang kinatatayuang Kontinente.

"Kahariang Primus"

Isa ito sa mga Third Grade Kingdom na kung saan doon pupunta si Yuri.

Adventurers- tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinenteng Hidra.

Adventurer's Rank

•Starter (Level 1-9)
•Novice (Level 1-9)
•Apprentice (Level 1-9)
•Adept (Level 1-9)
•Master (Level 1-9)
•Exalted (Level 1-9)
•Legendary (Level 1-9)

Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now