Chapter 7

534 63 0
                                    

Third person POV

Ang Ferrus Academy ay isang dating paaralan dito sa Kahariang Zora. Ito rin ang kauna-unahang paaralan dito sa kaharian. Dati, ang paaralan na ito ay tinuturing ang lahat ng tao na pantay pantay. Mayaman ka man o mahirap ay makakapasok ka dito.

Isa itong napakagandang paaralan dati. Ang mga guro dito ay mga malalakas at lahat ng mga kabataan dito ay tagumpay na nahusayan ang kanilang mga mahika.

Dahil lingid sa kaalaman ng mga mga royals at mayayaman ay may ginawa silang plano. Hindi kasi nila gusto ang batas ng paaralan which is ang pagiging pantay pantay. Kaya pumunta sila sa kaharian para magpatayo ng sariling paaralan.

Dahil sa kasakiman ng mga royals at mayaman ay natagumpayan nila ito. Nawala na ang mga konektado sa Ferrus Academy para sa kanilang pang araw-araw na kailangan. Hindi na rin nag-aaral ang mga mayayaman sa akademiyang ito.

Lingid sa kaalaman ng punong maestro ng academiya ang ginawa ng royals at mayayaman kaya bigla ring namatay ito. Lahat ay nalungkot, ang mga guro at mga natitirang mag-aaral doon ay sobrang nalungkot kaya huminto nalang sila sa pagpapadaloy ng paaralan.

Si Felix ay isa sa mga guro ng Akademiya. Nagpaiwan siya sa paaralan para mapanatili itong malinis at maayos. Pero ng dahil sa mga drakons ang mga masasamang mga tao ay sinulong ang paaralan. Kaya walang magawa si Felix ay lumaban rin. Lahat ng mga kalaban ay natalo niya maliban lang sa kaniyang dibdib na natamaan ng lason dahil sa isang bala ng pana. Labis ang kaniyang dinaramdam noon. Sakit, hapdi, pagkaawa sa pagkasira ng paaralan. At dahil noon ay hindi na siya masiyadong gumagamit ng mahika.

Siya rin ang tumulong sa mga kabataan para may matirhan kaya tinatawag siya ng mga ito bilang isang Maestro. Nagtuturo kasi siya ng mga basics para sa kanilang kaniya kaniyang mahika

Hanggang sa dumating si Yuri ay nagsimula nang magbago ang lahat.








Yuri's POV

"So matagal na po pala kayong naninirahan dito sa akademiyang ito" sabi ko sa kaniya.

"Oo, mahigit isang daan narin akong naninirahan dito sa paaralan." Sagot rin niya sa akin.

"Ilang taon na po ba kayo?" Takang tanong ko sa kaniya

"123 taong gulang na ako iho." Ikling sagot niya sa akin na ikinagulat ko rin naman.

"Ako si Felix Render, ako ay 123 taong gulang na. Ang mahika ko ay tinatawag na time reading, nalalaman ko ang mga kinikilos ng bawat tao. Pero may limitasyon rin naman ito kaya hindi siya masiyadong malakas." Pagpapakilala niya sa akin.

Kung iisipin natin sa kaniyang mahika ay di talaga ito masiyang malakas. Pero nakadepende parin ito sa iyong sarili Kung gusto mo na matutunan ang sariling mahika o hindi. Pero nung ginamitan ko ang aking senses ay masasabi mo talagang malakas ito. Malakas ang mana nito na para bang nag-uumapaw. Masasabi mo rin itong hindi matanda dahil sa kaniyang mukha na halos 30 taong gulang pa.

"Kung nagtaka ka kung bakit umabot pa ng ganito ang edad ko ay dahil ito sa ininom kong potion. Ito ay nakakadagdag ng 100 taon sa iyong buhay. Ito rin ay masiyadong mahal na kahit ang noble clan o ang isang bayan ay hindi makakabili nito." Paliwanag na sabi niya sa akin.

May anim rin na kasama dito si Felix. Unang lumapit ang isang magandang babae. Siguro ito ang kanilang nakakatanda.

"Ako pala si Ara, 16 taong gulang. Ang mahika ko ay tinatawag na IQ. Hindi sa pagiging hambog ay matalino ako. Marami na akong nalalaman dahil sa pagbasa ng libro tulad ng ating kasaysayan at mga sinaunang takbo ng mundo ng Seria." Sabi niya sa akin. Masasabi mong mature na talaga ito kahit parehas lang kami ng edad. Dahil siguro sa pagiging panganay niya dito.

"Ako nga pala si Uno at siya naman ang kakambal kong si Dos. Ang mahika ko ay apoy at kay Dos naman ay tubig. Kami po ay 14 taong gulang." Masayang sabi niya sa akin.

Makikita mo talaga ang pinagkaiba ng magkambal. Ito kasing si Uno ay masyadong masayahin, para rin itong makulit dahil sa kilos niya. Si Dos naman ay napakatahimik, makikita mo sa kaniya ang pagiging mahinhin at nahihiya. Pero makikita mo na mahal na mahal nila ang isa't isa bilang magkambal.

Lumapit naman ang isang lalaki at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ang kamay ko na ikinabigla ko naman.

"Ako naman magandang binata ay si Josh. Ako ay 14 taong gulang. Ang mahika ko ay strength. Kung pwede po sana ay pwede niyo po ba akong pakasala-" di na tuloy ang pagkasabi niya dahil binatukan na siya nitong Ara.

Lihim na napatawa naman ako sa kaniya.

Makikita mo talaga sa mukha ni Josh ang pagiging hambog at gwapong gwapo sa sarili. Natawa nalang ako dahil naalala ko si Alberto sa kaniya.

"Paumanhin po sa inakto ni Josh sayo. Sadyang may saltik lang yan sa utak na parang hindi nakakain ng ilang buwan." Makulit na pagkasabi ni Uno sa akin na ikinatawa naman ng lahat.

"Pero si Josh po ay napaka-alalahanin. Siya po ang Kuya namin dito." Pabawi niya kay Josh. Masasabi mong mature rin itong tingnan dahil sa inasta niya.

"Ako naman po si Lila. Ako ay 13 na taong gulang rin. Ako ay may mahikang tinatawag na healing. Kaya kung magpagaling ng mga maliliit na sugat." Sabi niya at bigla itong napaiyak.

"Sinisisi ko nga sa sarili ko na napakawalang silbi naman nitong mahika ko na kahit ang sugat man lang ni maestro ay hindi ko magamot." Maiyak na sabi niya sa akin.

"Wag mong sabihin yan. Hindi ka mahina at lalong lalong hindi ka walang silbi. Wag mo nang alalahanin yun dahil maayos na ang kalagayan ng inyong maestro." Sabi ko sa kaniya at bigla niya akong niyakap.

Niyakap rin nila ako lahat at tumulo rin ang kanilang luha. Siguro masiyadong mahalaga talaga sa kanila ang kanilang maestro.

Nang tumagal ang pagyakap nila sa akin ay ako rin ang unang bumitaw sa kanila at kinarga ko ang bunso nila.

"At sino naman tong kyut na batang ito? Tanong ko sa kaniya

"Ako nga fo pala shi Mil. Ako fo ay 8 taong gulang. Di ko pa po alam kong anong mahika ko. At sobra akong nagagalak na malafit ko nang malaman fo iyon." Hingal na sabi niya sa akin na siyang napakurot ako sa pisngi niya.

Nang tumagal ako sa paaralan na iyon ay may napagdesisyunan ako. Habang nagtitipon tipon kami sa isang lamesa na may nakalagay na mga klase klaseng pagkain ay ako agad ang unang pumutol sa pagsasaya.

"Maestro Felix" paunang sabi ko sa kaniya.

Tahimik lang nakatingin ito kabilang na ang anim.

"Napagdesisyunan ko pong dito muna maninirahan sa paaralang ito." Paliwanag ko sa kanila na ikinagulat ko dahil niyakap nila ako. Nakangiti lang si maestro sa akin at nagsabing–




"Welcome to Ferrus Academy."

Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now