Chapter 23

422 55 2
                                    

Makikita sa lugar ng Terra Tribe ang mga mamamayang masayang nagsalo salo. Kahit hindi nila alam kung ano ang dahilan ay hindi nalang nila ito inintindi bagkus nagpapasalamat nalang ito kay Yuri dahil sa tanang buhay nila ay hindi pa sila nakakakain ng ganito karaming pagkain.

Sa lugar naman kung saan patuloy na nag uusap sina Yuri at Grand Elder Wu ay makikitang seryoso ang mga mukha nito.

"Maaari mo bang sabihin sa akin ang iyong nagawang plano Ginoong Yuri?" Takang tanong ng matanda sa binata.

Ngumiti si Yuri at tiningnan ang mga mamamayang masayang nagsalo salo.

Huminga ito ng malalim at tumingin sa matanda. "Bago ko sabihin ang naging desisyon ko ay gusto ko sanang maging miyembro ng Terra Tribe." Malumanay na pagkasabi nito kay Grand Elder Wu na ikinagulat naman nito.

Bumalik ang pagiging seryoso si Grand Elder Wu at huminga ng malalim. "Hays, kung ito lang ang paraan para makabawi sayo ay tatanggapin ko ito. At isa pa ikinagagalak kung maging parte ka sa aming tribu dahil sa madami ka nang natulungan dito." Seryosong pagkasabi ni Grand Elder Wu.

Sumigla naman ang mukha ni Yuri sa narinig na sinabi ng matanda.

Humarap si Grand Elder Wu sa kaniyang nasasakupan at magsalita na sana ito pero bigla itong napatigil.

"Novice na ako."

"Paano ito nangyari!"

"Sa wakas nakaalis na rin ako sa pagiging starter rank!"

"Epekto ba ito sa kinain naming pagkain na ibinigay ni Ginoong Yuri?

Isa iyan sa mga nasabi ng mga tao sa kanilang naging sitwasyon na ikinagulat ni Grand Elder Wu. Hindi kumain si Elder Wu dahil hindi pa naman ito kumain.

Nakita niya sa mga kaniyang nasasakupan na galak ito sa kanilang nangyari.

"Mga mamamayan ng Terra Tribe. Ikinagagalak kong makita na tumaas ang inyong ranggo at antas. Dahil isang Soul Chef si Ginoong Yuri ay talagang mangyayari iyan sa inyo. Pero ang ikinabigla ko lang ay dahil sa labis na pagtaas ng inyong antas at ranggo". Paliwanag ni Grand Elder Wu.

Huminga ng malalim si Grand Elder Wu at seryosong tiningnan ang kaniyang nasasakupan. "Dahil labis ang inyong ikinataka ay ipapaliwanag ko ito sa inyo. Sabi ko nga kanina na isang Soul Chef si Ginoong Yuri. At sa pagiging Soul Chef ay hindi lang masarap magluto ang kakayahan nito. Kaya rin nitong ipataas ang antas ng isang adventurer." Hingal na pagpaliwanag nito.

"Pero hindi iyan ang gusto kong sabihin sa inyo." Malumanay na pagkasabi ng matanda.

Natahimik naman ang mga mamamayan na para bang gusto nilang marinig ang susunod na sasabihin ng kanilang Grand Elder Wu.

"Gusto ni Ginoong Yuri malaman kung papayag ba kayo na maging parte siya sa tribu ng Terra Tribe?" Tanong ng matanda sa mga ito.

Nang marinig nila ito at labis ang kanilang tuwa sa nalaman nila at dali dali umalis ang mga Elder.

Agad ring nakarating ang mga Elders at kinuha ang baul na may lamang hindi pangkaraniwang tubig.

Kumunot naman ang mukha ni Yuri at nabigla ito dahil dinala ng mga Elders si Yuri sa harapan. Hinayaan naman ni Yuri ang mga ito sa kanilang ginagawa.

Nakita ni Yuri ang mga Elders na parang may sinasabi itong enkantasyon kaya sumeryoso si Yuri sa mga ito.

"Mga mamamayan ng Terra Tribe. Opisyal kung sasabihin sa inyo na ang batang nasa harapan niyo ay isa nang parte sa tribung ito." Paliwanag ni Grand Elder Wu.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now