Chapter 4

726 82 10
                                    

Yuri's POV

"Isang phinx!!" Sigaw nung isang matanda.

Ang phinx ay isang hayop kung saan ay pinaghalo itong leon at aguila.

"Magsihanda kayo" sigaw ng kapitan at sinunod rin namin iyon.

Of course may pabida na namang gustong magpasikat. Sino pa ba iyon? Ang bully na si Alberto sino paba.

So ayun nanga pumunta siya sa harap upang magpasikat. Bumuo siya ng isang napakalaking fire ball

"Fire ball!!" Sigaw niya at pinatama niya sa phinx. Nabigla siya dahil inilagan lang ng walang kahirap hirap ang kaniyang itinapon.

Lihim akong napatawa dahil nakatulala lang siya sa phinx kaya di niya namalayan tinamaan siya sa buntot nito. Ang kaninang ngisi ko ay napalitan na ito ng pag-alala. Sabay sabay nilang sinugod ang phinx ngunit parang wala lang sa kaniya ito.

"Masyadong malakas ang hayop na yan, siguro katapusan na natin ito" sigaw na may halong lungkot ng sabi ng matanda

Marami na ang nasugatan kaya di na ako nagdalawang isip na sugurin ang phinx. Ginamit ko yung mga sandatang pinalutang ko sa taas.

Nagtaka sila kung sino ang gumawa nun kaya mas lalo ko pang tinago yung sarili para hindi ako makita nila.

"Roar!!!" namimilit na sigaw nito dahil sa sakit na dinama nitong mga espada ko na dahilan ng pagkatalo ng phinx. Gumaan naman ang loob ng mga kasama ko dahil ligtas na sila.

"Sinong pumatay nito? Alam kong nandito lang siya, magpakita ka" takang tanong at sigaw na sabi ni Kapitan.

Nabigla naman ako sa kaniyang sinabi kaya dali dali akong pumunta sa kaniya.

"Kapitan baka isa yung knight, marami kasing pagala-gala at siguro nagkataon na dumaan ito dito sa atin" paliwanag ko sa kanila na siya namang ikina oo nila.

Hinawakan at niramdam ko yung phinx at nalaman kong nakakagamot pala ang karne nito kaya agad ko itong ginamitan ng mahika ko para mabuhat ito.

Nagtaka ang lahat na siya namang ikinunot ng kilay ng kapitan.

"Anong gagawin mo jan?" Sabi niya. Ngumiti lang ako at sinimulan kong niluto ito gamit ang napakalaking stick.

"Nga pala" inabot ko kay kapitan ang bote ng potion. "Ito ay isang potion. Ito ay makakagamot sa inyong mga sugat at hihilom na iyan sa isang oras. At sa mga nagtaka kong ano ang gagawin ko dito sa hayop na to? Lulutuin ko to na siyang makakabalik sa ating lakas. At hindi lang ito basta basta babalik ang iyong lakas. Ito rin ay mas makakatibay ng iyong katawan." Hingal na sabi ko

"Sa isang potion ay magagamit na ng limang tao at may ibinigay ako Kay kapitan ng limang bote. Sa mga hindi nasugatan, wag na kayung uminom niyan." Dagdag ko na sabi sa kanila.

Habang pinagpatuloy ko ang pagkukuha ng karne ay may nakita akong itlog sa loob ng phinx. Biglang naawa ako dahil isa pala itong ina kaya kinuha ko ang itlog at inilagay ko ito sa Dimension Ring.

Habang nagluluto ako ay may isang pigura ng lalaki ang lumapit sa akin. At ito ay si Alberto.

"Salamat sa gamot ha, may silbi ka rin pala." Malumanay na sabi niya.

"Wow ha, mukhang ikaw naman ang walang silbi sa atin no." Syempre sa isip ko lang iyon.

"Ah-eh salamat hehe" hiyang sabi ko. Wow huy bat ka nahihiya HAHAHA. At tinuloy ko na ang pag-iihaw ng karne.

"Ay Yuri tulungan na kita jan, siguro pagod ka narin dahil kanina pa iyan." Pag-alalang sabi niya. Actually totoo ang sinabi niya sakin matagal na ako dito. Sa laki naman ng hayop na ito sino ba ang hindi matatagalan.

"Hehe ayos lang ako, kaya ko na rin ito." Hiyang sabi ko pero di niya ako pinaringgan bagkos ay tumulong pa siya sakin.

"Uhm Alberto, sindihin mo nalang ito para magkaapoy na at sisimulan na ang pag-iihaw." Utos ko sa kaniya na siya namang sinunod ito.

Tiningnan ko siya sa mukha at dun ko lang napansin ang maamo niyang mukha. Matangos kasi ang ilong niya, ang ganda ng pilik mata at masasabi mo talagang pwede siyang anak sa mayaman. Pero minsan nawawala ang image niya dahil sa pagiging hambog niya at bully. Pero feeling ko ngayon ay nagbago na siya. Feeling ko lang naman.

Nung natapos na namin ang pag-iihaw ay sinimulan na namin itong bitbitin ang inihaw.

Nang malapit na akong makarating ay bigla tumayo ang mga binatang lalaki at umaktong kukunin nila ang dinala ko na siyang ikinabigla ko. Dahil naestatwa ako ay biglang kinuha ni Alberto ang mga dinala ko. Bale siya na ang nagdala patungo sa lamesa. Masyado na akong nagtaka sa mga kinikilos nila na siya namang ikinangisi ng mga matatanda.

Pumunta ako sa isang babae at tinanong ko siya.

"Ano bang meron sa kanila? Bat nagkakaganyan ang kinikilos nila? Sabi ko sa isang babaeng naka eye glasses.

"Usap-usapan ka kasi nila kanina. At maraming mga binata ang nabibighani sa iyo. Dahil sa kabaitan mo at sa pagiging mahinhin ay talaga namang nakakabighani ka. Isama mo narin ang maganda mong mukha at katawan na mas lalo pang napapagusto sa iyo ng mga binata." Hingal na sabi niya na siya ko ring ikinagulat.

"Seryoso?" Tanong ko sa kaniya at umuo lang siya. Kaya pala ganun ang kinikilos ni Alberto.

Dati si Kuya Antonio lang at ngayon lahat ng mga binatang lalaki na sumama dito ang nabighani sa akin. Wow feeling ko lumaki ulo ko HAHAHAHA. Pero seryoso ayaw ko namang piliin sila dahil matibay kaya itong puso ko char.

Nang matapos na kaming kumain ay mabilis ring nanumbalik ang mga lakas nila na siya namang ikinamangha nila sa niluto ko.

"Ang sarap talaga niluto mo, siguro pwede na kitang maging asa-" di natuloy ang kaniyang sinabi dahil biglang nagsalita ang Kapitan na siya namang ikinagalak ko.

Hays buti hindi niya natuloy dahil kung nagkataon, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Dahil nanumbalik na ang ating lakas at medyo gumagabi na ay dito nalang tayo magpapalipas ng oras. Ang mga babae at lalaki ay syempre magkahiwalay matulog." Sabi ni kapitan.

"At Yuri, sa babae ka narin matulog dahil sabik na sabik na itong mga lalaki sa iyo na baka di na nila mapigilang tuklawin ka." Tuksong sabi ni Kapitan na siya namang ikinapula ng mukha ko.

"Tayo na at magpahinga dahil bukas ay isa na namang bagong araw na siyang magtutuloy tayo sa paglalakbay, magandang gabi sa inyong lahat at naway makatulog kayo ng maayos" pahabol na sabi ni Kapitan.

Kaya ayun pumunta na ako sa mga girls na siyang ikinakunot ng mga mukha ng mga lalaki pero binalewalaan ko lang iyon.





Kinaumagahan, nagpatuloy kami sa paglalakbay hanggang sa nakita na namin ang isang napakalaking bayan.

"Welcome to Kingdom Valeria" masayang sabi ni Kapitan.









Yuri The Adventurer (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon