Chapter 3

792 83 5
                                    

Yuri's POV

Nang matapos na akong mag meditate ay agad akong tumayo. Oo nagmeditate ako para mas maayos pa yung daloy ng dugo ko at ng mahika ko.

Nalaman ko lang yung nung nabasa ko sa isang libro na kailangan mong magmeditate para mas tumibay at lumakas ang katawan mo.

Kaya ayun ginawa ko rin naman. Bawal ba author? HAHAHAHA

Di lang tumibay at lumakas ang nalaman ko sa katawan ko. Para ring na upgrade ko rin yung mga senses ko.

Para bang mas luminaw ang mata ko, mas naririnig ko na rin ang huni ng mga ibon at mas nalaman ko na rin ang awra sa paligid.

"Siguro handa na ako" sabi ko sa sarili ko. Kaya agad na rin akong nag impake ng mga damit.

Di ko rin naman gagamitin ang dimensyon ko baka malaman ito ng ibang tao.

Nagsuot rin ako ng isang singsing para sa pampahina ng presensya ko. Alam ko kasi sa sarili ko na lumakas ako kaya alam ko rin na agaw atensyon ako sa mga tao pagnalaman nila ito.

So mga dalawang singsing na ang suot ko. Sinuot ko yun sa magkabila kong kamay.

Ang nasa kanan ay yung Dimension Ring. Ito ay yari sa bato. Siguro pag nakita ng mga tao to isa lang itong simpleng singsing pero ang nakatago pala ay may dimensyon pala sa loob nito HAHAHAHAHA

Ika nga nila "Don't judge the book by it's cover" HAHAHAHAHA

Ang nasa kaliwa naman ay yung pampahina ng presensya. Ang makikita pa rin nila sa akin ay isang napakamahinang tao. Ito ay yari sa kahoy. Kung tutuusin mo lang, masasabi mong wala talagang kwentang singsing ang sinuot mo HAHAHA.

(Author: Puro ka nalang tawa)

Pake mo ba char

"Done!" Sigaw na pagkasabi ko. Yun kasi tapos na akong mag impake at ready for the joyride na.

Kala niyo wala akong sasakyan no? Syempre meron. May nakita kasi akong isang blanket. Kinuha ko kasi yun para sa pagtulog ko pero nung nakapikit ako biglang nawala

Kaya nagtaka ako, yun pala lumipad na pala. At yung mas nakakabigla pa, para siyang may buhay. Oo, para siyang aso na kulang nalang tatahulin niya ako.

"Sky!!" Sigaw ko at biglang lumapit yung blanket. Oo may pangalan siya pake niyo ba. Char.

Nung bumyahe na ako ay naisipan kong mag-aral. Oo mag-aaral ako bakit? Gusto ko kasing ipakita sa kanila na ang mga mahika ay may kaniya kaniya taglay. Gusto kong iparating sa ibang tao na wag mawalan ng pag-asa.

Napag-usapan na namin ito ni Lola. Oo, kinausap ko siya sa puntod niya HAHAHA. Sabi ko rin naman mag-iingat ako doon.

Di nila alam na ang isang simpleng mahika ay may taglay rin itong nakakatakot na mahika. Simple lang ito pero magagamit rin naman.

Dahil dito naisipan kong mag-aral sa isang sikat na paaralan. Dun ko masusukat ang pinaghirapan ko.

Pero bago iyon pupunta muna ako sa aming bayan. Nalaman ko kasing ngayon daw pupunta ang mga gustong mag-aral.

Dahil rin naman di ko alam ang daan ay sasama nalang ako.

"Sky!! Stop!!" Sigaw ko sa kaniya at huminto rin naman siya.

"Dito lang tau baka makita ka nila yari talaga tayo. Maglalakad nalang ako para kunwari lampa parin HAHAHA.

"Sige pasok kana sa "Dimension Ring" sabi ko sa kaniya at um oo naman siya. Diba ang taray ng pangalan.

Nang makarating ako sa bayan ay bigla ako nakita ni Mang Antonio.

"Oh Toto kumusta kana? Tagal na tayong di nagkita." Sabi niya at bigla akong niyakap

"Uhm Ma- mang Antonio maayos lang po ako" bigla kong pagsabi. Sino ba namang di mabibigla diba. Feeling ko rin may gusto itong si Mang Antonio sa akin eh HAHAHAHAHA assuming masyado.

"Yan na naman siya oh, kuya nga lang diba, nakakatanda naman yang tawag mo sa akin Toto" lungkot na sabi niya.

"Wow ha hiyang hiyang hiya naman ako sayo. Tawag mo nga sakin Toto para naman akong bubwit na yagit na bata jan" syempre sa isip ko lang iyon HAHAHAHAHA.

"Paumanhin kuya hehe" hiyang sabi ko sa kaniya.

"Balita ko patay na raw Lola mo? Paumanhin di ako nakapunta, masyado kasing madami akong ginagawa" sabi ni Kuya.

"Hala siya, ayos lang po iyon. Nga pala pupunta muna ako sa kapital. Sabi kasi nila pupunta na daw sa akademiya ang mga gustong mag-aral." Pag-iibang usapan ko sa kaniya.

"Hala siya, mag-aaral ka? Sigurado kaba? Gusto ko pa namang sa bahay ko nalang kita patitirahan." Sabi niya

Yun na nga, tompak talaga yung nasa isip ko. May gusto talaga itong hinayupak sa akin.

"Opo kuya, mag-aaral ako" ikling sabi ko.

"Sigurado ka na ba jan? Sabi niya.

"Paulit-ulit? Bungol kaba?" Syempre sa isip ko lang yun sinabi baka kasi ma offend.

"Opo kuya. Oh siya punta napo ako. Paalam." Sabi ko sa kaniya.

"Hintay! Sasama ako sayo, huling pagkakataon ko na tong makita ka kaya ayaw kong sayangin, ihahatid lang naman kita dun hehe." Sabi niya.

"Okay" sabi ko at bigla narin akong naglakad. Habang papalapit na kami ay may isang boses ang sumigaw. Siguro magsisimula nang maglakbay.

"Sandali! Tamang tama may dala akong tinapay" sabi niya at inabot sakin ang isang supot na tinapay at tubig. Kinuha ko rin naman kahit may ganito rin naman ako. Ayaw ko kasing sayangin ang effort ng isang tao.

"Sige po paalam." Sabi ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa pisngi. Lihim na napatawa ako sa reaksiyon niya HAHAHA. Para kasi siyang isang estatwa na nabigla. Tapos ang mas masaklap pa ay namumula yung pisngi, ilong at ang tainga niya. So normal pa ba yun HAHAHA

Bigla akong tumakbo papunta sa mga nagtitipon. Siguro iyon yung mga gustong mag-aral. Mga lagpas 50 ang gustong mag-aral. May mga bata at matatanda. Pero mas marami ang mga bata.

Nung nakarating na ako sa mga nagtitipon ay may biglang isang tao ang nakaharang sakin.

"May lampa palang gustong mag-aral?" Sabi ni Alberto sa akin at napatawa naman ang mga gustong mag-aral din.

Of course tahimik lang ako. Di naman ako feeling malakas HAHAHA. Si Alberto ay isang bully sa bayan. Lahat ng mahihina ay inaapi. Feeling niya kasi siya ang pinakamalakas dito sa bayan dahil ang mahika lang naman niya ay isa sa mga elements. Ang apoy.

Dahil sa di ko siya sinagot ay nainis siya. Bigla nalang siyang nagbuo ng fire ball at itinapon sa akin.

Of course magpapa-api ba ako kaya sinalo ko yung fire ball niya. Pinalutang ko iyon at binalik ko sa kaniya. Syempre mahina siya kaya di na nagawang salagin ang kaniyang mahika kaya napaso siya. Nabigla naman ang mag-aaral sa ginawa ko kaya mas nainis pa siya. Tatapon pa sana siya kaso biglang nagsalita ang Kapitan.

"Nakahanda naba ang lahat?" Sabi ng kapitan at napatigil ang lahat sa kanilang mga kaniya kaniyang ginagawa.

"Opo Kapitan!!" Sigaw ng lahat kasama rin ako

"Mamaya ka sakin" pagbabanta ni Alberto sa akin. Pake ko ba sa kaniya HAHAHA siya lang rin naman ang mahihirapan

Nang simula na kami maglakbay ay kaniya kaniya kaming handa sa pwesto. Oo, kailangan talaga dahil maraming mga mababangis na hayop ang nakalatag dito sa kagubatan. Ang mas masaklap pa marami ang mga rare na mga hayop dito.

Nasa hulihan ako nakapwesto. Ako lang rin ang walang kausap dito in short masyadong na out of place ako sa kanila.

Dahil sa wala akong magawa, naisipan kong kumuha sa Dimension Ring ng limang swords para rin makasigurado. Pinalipad ko yung swords sa itaas para hindi makita nila.

Kumuha rin ako ng potion baka may masugatan sa paglalakbay. Oo kahit binubully nila ako, marunong pa rin akong tumulong sa kapwa tao ko. Oh diba in fairness mabait paren.

Habang masaya silang naglalakad ay napatigil kami dahil sa may dumating.

"Isang Rare na hayop! Ang phinx!!"












Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now