Chapter 5

636 57 0
                                    

Yuri's POV

"Welcome to Kingdom Valeria" wikang Ingles na pagkasabi ni kapitan.

Di ko naman talaga masisisi ang lugar na ito. Maraming mga istraktura ang makikita. May mga naglalakihang mga gusali ang mga nakikita, may mga taong nagtitinda ng mga bagay tulad ng mga potions, sandata, pagkain at iba pa.

At isa pa sa nagpapasaya ng kahariang ito ay ang mga taong masasaya. Halos lahat ay nakangiti na para bang mga walang problema.

Nang naglakad ako ay may isang batang lumapit sa akin. Siguro mga 7 taong gulang pa iyon. Pinaupo niya ako at nilagyan ang ulo ko ng koronang yari sa bulaklak

Dahil sa bulaklak na ito ay mistulang nagmumukha akong babae dito na siyang kinatingin ng mga ibang lalaki.

"Ang ganda mo po kuya, bagay na bagay sayo ang korona." Sabi ng bata na ikinangiti ko naman. Kaya di ako nagdalawang isip na pinalitan ko ng ginto ang kaniyang ibinigay na siya namang ikinalaki ng mga mata niya.

"Kuya, di ko po yan matatanggap, ang halaga ng isang ginto ay napakalaki na po kaya wag na po." Sabi niya na siyang ikinaayaw ko.

"Pag di mo Yan tatanggapin malulungkot ang kuya mo" lungkot na sabi ko. Dahil wala siyang magawa ay tinanggap niya nalang ito. Ang halaga kasi ng ginto ay napakalaki

1 ginto - 100 pilak

1 pilak - 1000 tanso

Kaya masyadong big deal ang ginto dahil sa halaga nito.

Nang matanggap niya ito ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi na siya namang ikinatuwa ko. Hanggang sa tumakbo na siya palayo sa akin. Siguro pupuntahan niya ang kaniyang pamilya.

Tatayo na sana ako nang dumating si Alberto sa harapan ko.

"Yuri! Tara na at baka mahuli pa tayo sa pagsusulit. Marami kasing nagsasabing malapit na daw magsisimula ang pasulit." Bilis na sabi Alberto sa akin.

Biglang hinablot ako nito at binilisan namin ang paglalakad. Siguro lakad lang sa kaniya iyon pero sa akin takbo na talaga.

Habang palakadlakad kami ay bigla siyang napahinto na dahilan ng pagkasubsob ko sa kaniyang likod.

Napaaray nalang ako sa sitwasyon ko pero bigla rin iyon napalitan ng pagkamangha.

Ikaw ba namang nakakita ng isang napakaling gate na may nakasulat na "Valeria Academy". Nang pumasok na kami ay mas lalo pa akong napamangha sa mga nakikita ko sa loob ng akademiya.



Third person POV

Ang Valeria Academy ay isa sa pinakasikat na paaralan sa buong mundo ng Seria. Dito rin nakapagtapos ang ibang mga Hari at Reyna sa paaralang ito. Dito rin nag-aaral ang mga Royals at mga Noble class. In short halos mga mayayaman ang nakakapag-aral dito. Sa paaralang ito ay hindi ka papaalisin hanggat hindi mo namaster ang sarili mong mahika. Dito rin nangunguha ang mga Captain knights ng member para mas lumakas ang kanilang hukbo at yan ay isa sa mga pangarap ng mga mag-aaral ngayon, ang makasali sa hukbo ng mga knights.

Pero iba naman si Yuri, kaya lang naman siya mag-aral dito ay para mas lumuwag pa ang kaniyang kaalaman sa mga mahika lalong lalo na sa kaniyang sariling mahika. Gusto rin niyang lumuwag ang kaalaman niya sa kaharian at lalo na sa mundong kinagagalawan ng Seria.

Habang naglalakad si Yuri ay hindi talaga mawala sa kaniyang mukha ang pagkamangha. Sa laki ba Naman ng mga gusaling nakatayo dito ay sino bang hindi mamamangha.

Gusto pa sana niyang libutin ang akademiya nang may nagsalita sa speaker na isang babae.

"Lahat ng mga magsusulit ay pupunta sa gym. Dun magsisimula ang unang pagsusulit kaya maghanda na kayo." Sabi ng isang babae sa speaker.

Kaya biglang nakaramdam ng pinaghalong kaba at saya si Yuri. Kaba dahil naisipan niyang baka hindi siya nakapasa at saya naman dahil nakapunta na siya dito sa akademiya.

Lahat ng yan ay naramdaman ni Yuri.
Nang nakarating na siya sa gym ay agad niyang nakita ang napakaraming tao.


Yuri's POV

"Grabi ang dami namang palang gustong mag-aral dito" biglang sabi ko sa sarili ko. Sino ba naman ang mabibigla na halos limang libo ang mga gustong mag-aral dito. Sabi nga nila dalawang daan lang daw ang makakapasok sa akademiya. Kaya hindi na ipagtaka na napakaswerte ng bayan niyo pag may nakapasang kahit isang tao lang naman sa kanilang bayan.

Nang nakapasok na ako ay pinabunot ako ng numero. Biglang kinabahaan ako dahil ang nabunot ko ay "52". Sa isang grupo kasi ay may sampong tao, kaya di na kayo magtaka kung sa ikalimang grupo ako at sobrang lapit na iyon.

Unang sinabak ay ang unang grupo. Dun nila pinalabas ang kanilang kapangyarihan pero sa kanilang paglabas ay mistulang walang reaksiyon ang mga guro. Sila kasi ang magbibigay sayo ng puntos para makapagpasa kayo

Pero sa puntong iyon ay walang nakapasa pa hanggat sa ikaapat na ng grupo. Makikita mo sa kanilang mukha ang kaba dahil sa nakita nilang sitwasyon kanina.

Nung nagpalabas na sila ay may itinuro silang isang lalaki. Ang lalaki ay nagtataglay ng yelo na kapangyarihan. Siguro Ice user ang tawag dun. Pansin ko kasing mga elemental user ang mas priority na nila kaya hindi na nakapagtataka.

Ang elements kasi which is Fire, water, wind and earth ay ang mga primary elements which is sila ang isa sa pinakamalakas na mahika. Ang lalaki kanina ay sub-element dahil sa taglay nitong Ice user.

Kaya di na ako nakapagtataka kung makukuha si Alberto, isa kasi siyang fire user kaya paniguradong makukuha siya. Atleast may nakapasa sa bayan namin.

Hanggang sa kami na ang masusunod.

Sobra akong kinabahan na para bang sasabog na ang mukha ko sa kahihiyan. Ikaw ba namang ang daming nakapaligid na tao dito sa gym at isa isa kaming inobserbahan.

"Simulan na ang pagpapalabas ng mahika." Sabi ng isang lalaki

Pinalabas ko na ang kapangyarihan ko ngunit ni isa wala man lang naka interesado. Kaya siguro alam ko na ang sagot. Oo malungkot ako dahil hindi ako nakapasa. Kaya ayun wala ring nakapasa sa grupo namin.

May isang lalaki ang umiiyak dun sa grupo namin kaya pinuntahan ko iyon.

"Uy ayos lang iyan meron pa namang susunod na taon. Dun mo ibuhos mo ang oras sa pag eensayo at para nakapasok kana sa akademiya. Maliwanag." Bilis na sabi ko at ikina oo naman niya.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang huminga ng malaki dahil sa naging sitwasyon ko ngayon. Hindi man lang nila pinakita ang iba pang magagawa sa kapangyarihan ko. Pero okay lang kaya ko parin naman HAHAHA.

Nang natapos na ang pagsusulit ay biglang nagsalita ang punong guro.

"Sa mga nakapasa congrats sa inyo at sa mga hindi pinagpala ay makakabalik din naman kayo sa susunod na taon. Basta ang masasabi ko lang ay wag mawalan ng pag-asa. Lahat ay may dahilan kung bakit tayo nagkakaganito, may iba swerte ngayon, may iba naman malas. Pero isa lang talaga ang masasabi ko. Mag ensayo pa kayo. Malay niyo sa susunod na taon ay makakapasa kayo. Yun lang ang masasabi ko at salamat sa inyo" sabi ng punong guro.

Sa mga sinasabi ng punong guro ay walang nakapag motivate sa akin bagkus alam ko naman iyon. Di naman mahalaga sa akin ang paaralan, isa lang naman itong gabay para ma bihasa mo na ang mahika mo. Marami namang ways para ma bihasa mo ang mahika mo at nakadepende lang ito sa sarili mo.

Hays makatulog na nga mukhang stress na ako.


























Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now