Chapter 14

468 62 1
                                    

Yuri's POV

Habang nag uusap ang dalawa ay pinabayaan ko lang sila. Alam kong may hindi mangyayari kaya agad rin akong naalerto.

Nang matapos na sila sa pag uusap ay bigla nalang naghawakan ng kamay ang dalawa. Masasabi mo talagang seryoso sila sa susunod nilang gagawin.

Nang tingnan ko ang kanilang awra ay bigla nalang itong lumakas. Kaya nabigla na lang ako sa gagawin nila. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakakita ng gumamit ng fusion technique. Isa itong uri ng technique na kung saan ang iyong kasama ay kailangan ang buong tiwala. Hindi ito basta bastang magagawa dahil kakailanganin ito ng matagal na oras para maggawa ang isang technique na ito.


At dahil gusto ko itong makita ay pinabayaan ko nalang ito. Gusto kong masaksihan kung gaano ito kalakas na mahika.

Habang nagliliwanag ang dalawa ay napaisip nalang ako sa mga manunuod. Alam kong lahat sila ay saamin nakatingin dahil gusto rin nilang masaksihan ang ganitong technique.

Habang ginagawa iyon ng magkambal ay bigla nalang itong sumigaw. Nagliwanag ang mga ito na halos hindi mo na masisilayan hanggang sa bigla nalang bumagsak ang dalawa. Mabilis ko naman itong nasalo kaya napahinga naman ako. Alam kong masaya ang dalawa dahil malapit na nila itong maggawa pero alam kung may kulang pa sa kanila. Hindi pa buo ang tiwala nila sa isa't isa.

Kaya nilapag ko sila sa sahig. Nakita ko pa rin ang kanilang kamay na magkahawak sa isa't isa. Alam kong mahal nila ang isa't isa bilang isang magkambal.

Napaisip nalang ako sa magkambal na kasama ko dahil alam kong magagawa rin nila iyon. Hindi pa sa ngayon pero alam kong magagawa nila iyon.




Dahil may 6 na puntos na ako dahil nakatalo ako ng tatlo ay bigla nalang akong napangiti. Habang naglalakad ako ay bigla nalang gumalaw ang kinatatayuan ko.

Habang napapikit ako dahil sa usok ay bigla kong narinig ang hiyawan ng mga tao.

Nakita ko rin na nawala ang isla at may dalawang tao akong nakita.

"Tapos na ba?" Napatanong nalang ako sa sarili.


"Dahil matatagalan kayo doon sa Isla ay binago nalang ang sistema ng laro. Dahil tatlo nalang ang natitira ay kayo ay mag-away away. Bibigyan lamang kayo ng 10 minutos at kung sino ang buhay pa doon ay makakakuha ng 10 puntos. Ang sino man ang malaking puntos ay siyang tatanghaling panalo sa unang laro." Paliwanag ng host dito.


"Uulitin ko walang sandata at potion ang gagamitin dito. Tanging ang sariling kapangyarihan ang gagamitin. At dahil alam niyo na yun ay simulan na natin ang totoong labanan!" Sigaw ng host at naghiyawan ang lahat ng mga tao dito sa gym.


"Binabati kita dahil nakaabot ka dito." Malumanay na sabi ni Prinsipe Nathaniel sa akin.

Makikita mo talaga sa kaniyang mukha ang pagiging mabait. Hindi ito may maipagmamalaki sa pisikal na anyo kundi mabuti rin ang loob nito.

"Maraming salamat po mahal na Prinsipe." Ganting sabi ko sa kaniya.

"Bakit ba kayo nakamaskara? Siguro panget ka no at gumamit kayo niyan dahil ayaw niyo itong makita sa tao." Hambog na pagkasabi ni Kael  na siya namang ikinatawa namin ni Prinsipe Nathaniel.

"Oh ano ba ang nakakatawa doon, siguro magsisimula na tayo dahil labis ko nang matapos itong laro." May pagka immature na pagkasabi niya.

At dahil narinig namin ang sinabi niya ay naging seryoso na itong si Prinsipe Nathaniel. Naging alerto narin ako.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon