Chapter 17

505 61 3
                                    

          Nagising nalang si Yuri ng may narinig siyang mga huni ng ibon. Bumangon si Yuri at tiningnan niya ang nasa kaniyang paligid.

"Ito naba ang sinasabi ng susi na New World?" Sabi niya sa kaniyang sarili at tiningnan ang paligid.

Namangha naman siya sa kaniyang nakita dahil napakaparehas ng mundong ito sa dati niyang mundo. Pero ang ikinagulat niya ay ng may naramdaman siyang enerhiya sa kaniyang paligid.

Habang nagmumuni muni siya sa paligid ay may nakita siyang isang napakagandang bulaklak. Hinawakan niya ito pero agad rin niyang nabitawan dahil parang may nakalagay na pangalan sa bulaklak.

<Blue Amethyst Flower> (Common)

Hinawakan niya ulit ang bulaklak subalit may naramdaman siyang enerhiya.

"Siguro lahat ng mga mapagkukunan dito ay may nakatagong enerhiya. Ni ang damong nasa paligid nga ay may naramdaman akong enerhiya. Napakahiwaga naman ng lugar na ito.

Habang nagmumuni siya sa paligid ay agad rin siyang may naramdaman ng isang malakas na enerhiya.

Hinanap niya ito pero laking gulat nalang niyang may nakita siyang isang baboy.

<Wild Boar> (Bronze)

Sumugod na ang wild boar sa kaniya kaya wala siyang magagawa kundi lalabanan rin niya ito ng pantay. Umiiwas pa rin siya dito dahil sobrang bilis nito pero napapantayan niya naman ito. Nang nakakita siya ng isang putol na kahoy ay gagamitin sana niya ang kaniyang kapangyarihan, subalit hindi niya ito magawa.

"Bakit hindi ko ito magawa? Para bang napakabigat nito." Kunot na tanong niya sa kaniyang sarili. Habang patuloy parin siyang umiilag sa wild boar ay napahinga nalang ito.  Wala siyang magawa kung kaya't ang kaya niya nalang gawin ay ang paggamit ng pisikal na lakas.

Habang patuloy siyang nakipag away sa wild boar ay kusa nalang itong natumba.

Napatumba nalang rin siya sa damuhan dahil sa  pagod. Habang nag-aagaw hininga pa rin siya ay agad rin itong tumayo dahil sa gutom na kaniyang nararamdaman.

Dahil wild boar ito ay masasabi niya pa ring masarap ang karne nito kaya't napagdesisyunan niya itong lutuin.

Habang nangunguha siya ng mga pirasong kahoy ay may nakita rin siyang isang kalansay. Pinuntahan niya ito at inobserbahan niya ang kalagayan nito.

Pero ang nakaagaw atensiyon sa kaniya ay ang isang singsing na suot pa rin ng kalansay. Kinuha niya ito at hindi na siya nabigla sa nakalagay na pangalan sa singsing.

<Spatial Ring> (Low-tier)

Sinuot niya ang singsing pero meron na namang nakasulat sa singsing.

"Use your bloodline to own this ring"

Kaya di siya nagdalawang isip na patakan niya ng dugo ang singsing.

"Buti nalang talaga at naiintindihan ko ang salitang banyagang nakasulat sa mga ito." Sabi niya sa kaniyang sarili.

Tiningnan naman niya ang laman nito pero bigla nalang itong napakunot.

1 Black Sword  (Mid-tier)
1 Boar boots (Low-tier)
1 map
13 gold coins
127 silver coins
423 bronze coins

Napakunot ito dahil hindi niya inakala na ganito kahirap ang dating nagmamay-ari nito. Pero napangiti pa rin ito dahil hindi na masama ang kaniyang nakita. Alam naman niyang marami siyang kayamanan pero wala na ito. Kaya para na rin siyang isang pulubi na kakasabi lang niya kanina sa nagmamay ari ng spatial ring.

Hindi na masamang nakakuha siya ng isang spatial ring na low-tier dahil sapat na ito para makasiya ng mga kagamitang makikita niya. At nagpapasalamat rin ito dahil meron naman itong mapa na nakalagay rin sa loob ng spatial ring.

"Salamat at hindi na ako mahihirapang maghanap ng mga mamamayan dito."

Dahil gumagabi na ang paligid ay agad rin siyang bumalik kung saan nakalagay ang katawan ng wild boar.
Sinimulan rin niya itong ihawin at amoy na amoy niya ang enerhiya na lumalabas sa wild boar na kaniyang niluto.

[Soul chef (Bronze lvl 1)]

<You can identify  the ingredients that you can see for cooking.>

Walang pake si Yuri sa nalaman niya dahil ang atensiyon niya lang ay sa pagkain. Habang patuloy siya sa pagkain ay nabigla nalang ito dahil hindi niya inakalang naubos niya ang kaniyang niluto.

<Starter  (lvl 7)>

Nabigla nalang ito dahil hindi niya inakala na may ganito palang estado sa kaniyang buhay. Para bang nakaranggo ang kanilang buhay dito sa mundo.

Pero hinayaan  niya lang ito at humiga sa tabi ng isang kahoy. Unti unti siyang pumikit at nilamon nalang siya ng kadiliman.

__

Nang makarinig si Yuri ng huni ng ibon ay agad siyang bumangon at kinuha ang mapa sa singsing. Inobserbahan muna niya ito pero bigla nalang itong napakunot dahil sa kaniyang mga nakita.

"Ibang iba pala ang lugar na ito sa amin." Sabi niya sa kaniyang sarili.
Ang kontinenteng tinatapakan ni Yuri ay tinatawag na Hidra Continent. At ang kontenenteng ito ay may 18 na Kaharian. At ang Kahariang kung nasaan siya nakatayo ay tinatawag na Primus Kingdom .

At ang mga Kingdom ay may tatlong ranggo. Ang First rate, Second rate, at Third rate. Na kung saan ang Third rate ang ang pinakamahinang kingdom at ang First rate naman ay ang pinakamalalakas na mga Kingdom. At ang Primus Kingdom ay kabilang rin sa Third rate kung saan isa itong  mahinang Kingdom.

Napatawa nalang ito sa kaniyang nalaman at agad ring inobserbahan ang mga ibang nakasulat sa mapa.

Sa loob ng Kingdom naman ay may ranggo rin ng mga clan. Napaisip si Yuri dahil ibang iba talaga ang dati niyang mundo sa mundong ito.

Ang Ordinary na siyang pinakamahinang clan, Aristocrat Clan, Noble Clan at Royal clan kung saan dito naninirahan ang mga Royals na namumuno sa Kingdom.

"Mukhang malaki ang lalakbayin ko dito ah." Hingang pagkasabi ni Yuri sa kaniyang sarili.

__

Hindi madali ang paglalakbay ni Yuri sa gubat dahil marami itong nasasagupang mga beast. Kahit isa lamang itong bronze beast ay hindi pa rin ito madali sa kaniya.

Pero laking tuwa rin naman niya pag napatay niya ang mga beast dahil kinokolekta niya ang mga importanteng parte ng mga beast. Dahil matalino si Yuri ay alam niyang ang mga parte na nakuha niya ay may malaki rin itong halaga sa ibang tao.

May isang araw ring nakasagupa si Yuri ng Silver beast na ikinakunot ng kaniyang mukha. Masasabi niya talagang ang mga Silver beast ay lubhang malalakas ito.

Habang patuloy na naglalakbay si Yuri ay unti unti ring tumataas ang kaniyang antas. Hindi lang sa Soul Chef ang nakuhang talent ni Yuri bagkus nakakuha rin ito ng Alchemy talent.

Ang alchemy talent ay isang talento kung saan makakagawa ito ng potion na makakatulong sa tao. Makakagawa rin ito ng mga lason at mga gamot para sa may sakit.

__

End of Chapter 17

A/N

High sa mga readers ko. Sana nagustuhan niyo ang bagong twist ng kwentong ito.

Abangan ang susunod na Chapter.

Lovelots.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now