Chapter 10

504 63 0
                                    

Yuri's POV

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Yuri?" Alalang tanong niya sa akin.

"Opo, itutuloy po namin ang pagsali sa paligsahan." Direktang sabi ko sa kaniya.

(Flashback)

Napag isipan naming pumunta sa Centro ng Kaharian para sa aming bakasyon. Doon marami kaming nabiling mga bagong kasuotan. Bumibili rin kami ng mga kakanin sa labas. Sobrang saya kami doon na para bang isang pamilya. Actually pamilya ko naman sila, di nga lang kadugo.

Habang naglalakad kami ay biglang bumagsak ang napakalakas na humangin. Siguro may dadating na bagyo dito sa kaharian.

Nang nagpatuloy ang pagbagsak ng hangin ay may humarang na papel sa aking mukha. Of course nabwesit ako dun pero napalitan naman ito ng pagkagulat.

Ang nakasulat kasi dun ay "Black Chronicles". Ang Black Chronicles ay isang laro na kung saan magsasabak sabak ang mga paaralan. At hindi lang iyan ang ikinabigla ko, nabigla ako sa magiging premyo. Ang premyo lang naman ay nagkakahalaga ng 100 ginto. Although meron naman akong ganong kalaking pera pero bawal ko talaga iyon gamitin.

Napag isipan ko rin kung makukuha namin ang premyo ay maayos na namin ang paaralan. Dito rin makikilala ang dating paaralan na hindi na alam ng mga tao ngayon dahil sa tanda na nito.

"Maestro tingnan mo ito" utos na sabi ko sa kaniya." Tiningnan nga naman at nagulat rin ito. Sino ba naman ang hindi magugulat sa premyong ibibigay nila.

"Imposibleng mananalo tayo jan. Ang Valeria Academy ay sobrang napakalakas at itiningwali sila "Never Ending Champion"." Wika niya dito.

"Di naman tayo makakasiguro maestro dahil hindi pa naman namin sila nakaharap. At mabuti na rin ito sa amin dahil dito namin masusukat kong gaano na na kalakas ang mga mahika namin." Hingal na sabi ko

"At ang premyo din ay makakatulong sa pagbabalik ng paaralan. Dito rin nila malalaman ang paaralang ito na siyang matagal ng ikinalimutan ng mga tao." Pahabol na sabi ko.

Napaisip naman siya sa aking sinabi at unti unting pumayag na rin.









(End of Flashback)

"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo Yuri?" Ulit na tanong niya sa akin na ikinatango ko lang.

Ngayon na kasi mag uumpisa ang opening ng paligsahan kaya nag impake na kami sa mga kakailanganin namin.

Bago ko kasi nalaman iyon ay pagkabukas ay agad na kaming nag ensayo. Marami rin kaming nadiskubre na mga bagong techniques. Nahusayan narin nila ang paggamit ng kanilang kaniya kaniyang sandata.

Nang natapos na kaming mag ensayo ay ginamitan ko sila ng senses. Napansin ko talagang nagbago ang awra nila. Mas lumakas pa ito kumpara sa dati naming ensayo.

Nang handa na kami ay sumakay narin sila sa aking blanket. Dati nabigla sila kay Sky pero nasanayan rin naman nila ito. Araw araw nga namin itong sinasakyan dahil nga sa naging ignorante sila HAHAHA harsh ko naman.

Habang sakay kami kay Sky ay sobrang sarap sa pakiramdam namin. Ang malamig na simoy ng hangin ay natatamaan kami. Napaisip rin ako kung ano ang mangyayari sa amin sa paligsahan pero napingiti rin ako dahil sisiguraduhin at gagawin namin ang aming makakaya para manalo ito.

Habang nasa tapat na kami ng Centro ay agad na bumaba na kami. Dito kami bumaba sa may tapat ng sakayan ng karwahe.

Habang papalapit kami ay agad rin naman kaming sumakay. Nagtaka ang lalaki kung saan kami nanggaling pero binalewalaan nalang  niya iyon.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang