Chapter 9

515 56 0
                                    

Yuri's POV

"Dahil sisimulan ko na ang pagtuturo sa inyo ay sana matagumpayan niyo ito" sabi ni Maestro Felix.

"Kailangan libutin niyo ang paaralan ng sampong beses." Dagdag pa niyang sabi.

"Ay maestro ang dali dali naman pala niyan eh." Hambog na pagkasabi ni Josh. Natawa lang ako sa inasta niya kasi parang feeling niya ang dali-dali ng pinagawa ni maestro.

"Pero–" ngising pahabol na sabi ni maestro. Feeling ko talaga may masamang magaganap dito.

"Pero dadalhin niyo itong mga basket." Sabi niya na ikinagulat naman namin.

"Sa nakikita niyo ay may mga basket na may laman na mga bato. Ito ay hindi pantay pantay dahil binase ko ito sa inyong pisikal na katawan. Si Yuri ang may pinakamarami. Sunod naman ay si Ara. Kayong tatlo Uno, Dos at Josh ay pantay lang at ang panghuli ay si Lila na may kalahating laman lamang." Hingal na paliwanag niya sa amin.

"Pagdating naman sa kinatatayuan ko ay makapagpahinga kayo dito at may ibibigay ako sa inyo ng tubig. Ito ay kalahating litro lamang. Pagkakasyahin niyo iyon at babalik naman sa paglilibot." Paliwanag niya.

"Ang hindi makakatapos kahit isa pa yan sa inyong miyembro ay babalik naman sa simula. Maliwanag!" Sigaw na sabi niya sa amin.

"Opo Maestro!!" Ganting sigaw rin namin.

"Pwede na kayong magsimula" pahabol na sabi niya.

Una nagstretch muna kami para hindi mabigla ang katawan namin. Hanggang sa naabutan kami ng 10 minutos ay nagsimula na kaming tumakbo.






Third person POV

Nagsimula ng tumakbo si Yuri at ang kaniyang mga kasama. Gusto sanang gumamit ng mahika si Josh pero hindi rin iyon nagawa dahil iyon ang bilin ng kanilang maestro. Sinabi niya ang sino mang gagamit ng mahika ay babalik uli sila sa simula.

Naging padaloy daloy sila sa pagtatakbo hanggang sa ika anim na libot na sila. Si Ara at Lila ay sobrang pagod na pagod na kaya kinuha nalang ni Yuri ang iba pang bato.

"Yuri wag na kaya ko pa naman." Hingal na pagkasabi niya

"Kunin ko na, baka matumba ka pa pag pinilit mo ang iyong katawan." Kaya wala nang magawa si Ara at ibinigay nalang ang ibang bato. Kinuha rin ni Yuri ang ibang bato ni Lila.

Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang umabot sila sa walong libot. Pagod na pagod si Yuri sa kanilang ginagawa.





Yuri's POV

Pagod na pagod na kami sa aming paglilibot. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa sumasagabal na mga pawis ko.

Sa hindi ko namalayan ay biglang nandilim ang paningin ko kaya akoy napatumba. Tinulungan naman ako nila Uno para makatayo.

"Kuya alam kong pagod kana kaya sana kung pwedeng kukunin namin yung iba mong mga bato. Gusto naming bumawi sayo sa pagtulong sa amin." Awang sabi ni Uno kaya isa isa nilang kinuha ang mga bato. Kinuha rin nina Ara at Lila ang kanilang mga bato. At habang ang tatlong natitirang lalaki ay isa isa kinuha ang sa akin. Bale ang dala ko ngayon ay tatlong malalaking bato lang.

Dahil sa araw na ito ay alam ko na ang ibig na ipahiwatig ni maestro. Ang teamwork, dahil dito ay mas lumalim pa ang tiwala namin sa isa't isa. Masasabi ko talagang mas maganda ang magtutulungan kesa sa pagiging makasarili. Kahit gaano kalakas ang kalaban basta may teamwork kami ay hindi talaga ito matatalo. At dahil dito mas lumalim ang loob ko sa kanila.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon