Chapter 16

477 63 0
                                    

Yuri's POV

Nahihiya man ako sa kalagayan ko pero nilakasan ko talaga ang aking loob para hindi ito mahalata.

Pumunta kami sa harapan para makapag upo sa aming naituturing pwesto. Habang akoy naglalakad ay nakita ko ang pagtitig ni William sa akin. Nang akoy mailang ay hindi ko nalang pinansin ang mga ito bagkus ay nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Nang makita ko ang pwesto nila Kael ay di ko rin mapigilang mailang sa pagtitig niya sa akin. Yung totoo may mali ba sa sinuot ko? Panget ba ako sa suot? Baduy ba pag nag suot ako ng ganito? HAHAHAHA ang oa ko.

Nang maka upo na kami sa pwesto namin ay agad narin nagsimula ang tugtog.

Habang sa pagpatuloy ng pagtugtog ay di ko maiwasang kilabutan sa aking naramdamang awra. Para ba itong isang halimaw na gustong kaming kainin lahat

"At saksihan natin ang Hari at Reyna ng Kahariang Zora. Si Haring Agustin Hummel at ang kaniyang asawa na si Alexa Hummel." Galak na pagkasabi ng host dito.

Yumuko naman kami bilang paggalang sa natatanging Hari at Reyna ng Kahariang Zora.

"Ikinagagalak kong Makita ang lahat ng mga kalahok dito sa paligsahang Black Chronicles. Sa nakikita ko ngayon ay labis akong napangiti sa inyo dahil ipinakita niyo kung gaano kalakas ang mga estudyante ng Kahariang ito. Dahil dito ay hindi lang isang daan na ginto ang magiging premyo. Dadagdagan ko ito ng isa pang daan para sa mananalo sa paligsahan. Gawin niyo ang makakaya niyo para sa paligsahang ito. Gawing patas sana ang mga manlalaro dito." Paliwanag ni Haring Agustin sa amin na siyang naipalakpak namin.

"Salamat Haring Agustin." Pagpapasalamat niya dito. "At ngayon masasaksihan natin ang pagpapakita ng mukha ng mga kalahok ng Ferrus Academy!" Masayang pagkasabi nito na ikinagulat nalang namin.

Dahil napagsang ayunan na namin ito ay wala kaming magagawa at ito'y gagawin na lang.

Nang makarating na kami sa gitna ng intablado ay tiningnan ko sila. Nakita ko sa mukha ni Kael at Nathaniel ang pagalak na Makita ang mukha namin.

Ngumiti ako sa kanila at di ako nagdadalawang isip na tanggalin ang suot kong maskara.

Habang sabay naming tinanggal iyon ay labis ang pagkagulat ng mga tao.

"Ang ganda't gagwapo nila."

"Siguro mga mayayaman to dahil sa kanilang kutis na maihahalintulad na sa isang perlas."

"Nakakabighaning tingnan ang may gintong buhok na lalaki."

"Ang ganda"

"Ang gagwapo nila"

Yan lang naman ang naririnig ko sa mga taong nakapalibot sa amin. Tiningnan ko ang pwesto ni Kael na sobrang napanganga ito. Natawa naman ako sa mukha niya dahil muntik nang tumulo ang kaniyang laway.

Nakita ko rin si Nathaniel na nakangiting nakatingin sa akin.

Habang naglalakad kami papunta sa aming mesa ay bigla nalang akong napatigil dahil may humawak sa aking kamay.

"Di na ako magpaligoy ligoy pa, gusto kang makita ng Mahal na Hari dahil may importante siyang sasabihin sa iyo." Paliwanag ng isang knight.

Tumango nalang ako sa kaniya at sinundan ang kaniyang yapak papunta sa kinaroroonan ng Hari.

"Ikinagagalak kong makita Yuri. Hindi na ako magpaligoy ligoy. Gusto ko sanang makipagsundo sayo kung papayag kang maging isang knight sa Kahariang ito. Alam kong laking tulong mo sa dadating na digma–." Hindi natuloy ng Hari ang kaniyang sinabi na ikinakunot ng kaniyang mukha.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now