Chapter 21

422 48 2
                                    

         Nang nakarating sina Yuri at Second Elder Alicia sa kinaroroonan ni Grand Elder Wu ay agad rin itong nabigla sa kaniyang nakita.

"Isang lason ng Green Python." Mahinang pagkasabi ni Yuri.

"Ilang taon na ang nakalipas ay may nakalaban kaming Green Python Gold Level. Lahat namin ay kinalaban iyon pero masyado itong napakalakas na beast. At dahil si Grand Elder Wu lang ang tanging makakapaslang doon ay ginawa niya ang lahat para maligtas kami. Natagumpayan nga ni Grand Elder Wu ang pag-alis sa Green Python pero nalason rin naman ito." Hingal na pagpaliwanag ni Second Elder Alicia kay Yuri.

"Ginawa nga namin ang lahat para mapagamot si Grand Elder Wu subalit wala kaming solusyon na nakita kaya ikaw nalang ang naisip ko na makapagligtas sa kaniya kahit hindi ko pa lubos na nakilala ka at kung may solusyon ka ba dito." Dagdag na sabi niya.

Pumunta si Yuri sa kinaroroonan ni Grand Elder Wu kung saan ito nakahiga. Inobserbahan at hinawakan niya ang kamay ni Elder Wu kung saan nakalagay ang lason.

Pinalabas ni Yuri ang kaniyang gintong enerhiya pero hindi ito nahalata ni Second Elder Alicia.

Unang hinigop ni Yuri ang lason sa katawan ni Elder Wu. Dahil ngayon lang ito nagawa ni Yuri ay nahirapan ito sa paghigop ng lason. Isa ito sa kakayahan nilang bilang Alchemist pero si Yuri lang ang tanging nakakagawa nito.

Hindi alam ni Yuri ang kaniyang ginagawa bagkus sinusunod lamang niya ang kaniyang nabasa sa libro pero hindi kasali ang paghigop ng lason dahil tanging wala pang Alchemist ang nakakagawa nito.

Sa kalagayan ni Grand Elder Wu ay isa lamang itong napakasimpleng lason. Pero dahil tumagal na ito ng ilang taon ay hindi na dapat ito maaaring magamot pa pero iba si Yuri. Kaya niyang higupin ang lason gamit ang kaniyang enerhiya.

Nang matapos na ni Yuri ang paghigop sa lason ay bigla nalang nanghina si Yuri.

Ibinigay ni Yuri ang isang potion na ikinataka ni Second Elder Alicia. "Isa po itong tier-2 healing potion. Nakakatulong po ito sa paghilom ng kaniyang natamong lason kaya wag na po kayong mag-alala Second Elder Alicia. Ipainom niyo kay Grand Elder Wu ang potion at maghintay nalang ng isang oras para gumaling ito." Hingal na pagkasabi ni Yuri at bigla nalang itong nagulat dahil biglang yumuko si Second Elder Alicia.

Umiyak si Second Elder Alicia. "Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan Yuri. Matagal na naming gustong gumaling si Grand Elder Wu pero hindi namin ito magawa. Kaya napaswerte namin dahil nakita ka namin Ginoong Yuri. Utang na loob ang buhay ko sayo Ginoong Yuri." Hinihingal nitong pagkasabi at patuloy parin itong nakaluhod at nakatuko sa harap ni Yuri

Napangiwi si Yuri dahil sa biglang paggalang ni Second Elder Alicia. "Hindi niyo na po kailangang pormal na paggalang sa akin, sapat na ang iyong pasasalamat sa akin. Saka hindi mo kailangan mag-utang na loob sa akin dahil tinulungan niyo rin naman ako."

"Ipainom niyo na po ito kay Grand Elder Wu kung gusto niyo na po itong gumaling dahil gusto ko pa siyang makausap." Dagdag na sabi nito sa babae.

"Masusunod Ginoong Yuri." Galang na pagkasabi nito. Napangiwi si Yuri sa inasta ni Second Elder Alicia bagkus hinayaan nalang niya ito at umalis.

__

Pumunta si Yuri sa Hilagang bahagi ng Terra Tribe kung saan makikita ang tarangkahan. Balak ni Yuri lumabas dahil gusto niyang manghuli ng mga beast.

Nagulat ang mga kawal sa pagpunta ni Yuri sa kanilang kinaroroonan. Yumuko si Yuri tanda ng kaniyang paggalang. "Gusto ko sanang lumabas sa tarangkahan ito. May hahanapin lamang akong halaman malapit sa lugar na ito. Babalik lamang ako sa pagsikat ng araw." Paliwanag ni Yuri sa mga kawal.

"Pakisabi nalang kay Grand Elder Wu na madali lamang ako." Dagdag na pagkasabi nito at bigla nalang umalis.

Unang pinuntahan ni Yuri ang ilog kung saan siya unang nakapagcultivate. Balak niyang magcultivate doon dahil isa iyong lugar na may mataas na enerhiya.

Dahil sa pagtaas ng rank ni Yuri bilang Adventurer ay naging mabilis rin ang kaniyang kilos. Mataas rin ang kaniyang pananaw kung saan nakakita siya kahit madilim ito.

Hinayaan lamang niya ang mga mahihinang beast dahil nasa ilog ang kaniyang atensiyon.

"Sa wakas." Labis na saya ang nararamdaman ni Yuri dahil nakarating na ito sa ilog.

Hindi nagdalawang isip na umupo si Yuri sa malaking bato kaya't sinimulan na nitong magcultivate.

Pinakalma muna ni Yuri ang kaniyang sarili at agad na hinigop ang enerhiya sa kaniyang katawan papunta sa kaniyang life coil.

Ang life coil ay isa itong parang imbakan ng kanilang enerhiya. Kumbaga ito ang kanilang puso. Hinihigop nila ang enerhiya papunta sa life coil para tumaas ang antas ng isang adventurer. Sobrang napaka importante ng life coil dahil kapag nasira ito ay mamatay rin ang nagmamay ari nito. Nakadepende rin ang pagiging talentado sa life coil dahil kapag malawak ang iyong life coil ay may posibilidad na maging malakas ang isang adventurer pero iba kay Yuri dahil parang hindi limitado ang lawak ng life coil niya.

Ang life force naman ay ito ang enerhiyang nakaimbak sa katawan ng isang Adventurer. Kumbaga ito ang ating mga ugat sa katawan. Ito ang nagsisilbing daloy ng enerhiya patungo sa life coil.

At panghuli ay ang vital energy kung saan mararamdaman ito sa lahat ng paligid. Ang vital energy ay nakakatulong sa pagcultivate ng isang adventurer. Kaya pag malakas ang vital energy sa isang lugar kagaya ng ilog na pinuntahan ni Yuri ay madali lang rin itong makatapak sa sunod na antas. Mas mataas na vital energy, mas mataas rin ang pagtungtong sa susunod na antas.

Habang patuloy sa pagcultivate si Yuri ay bigla nalang siya nitong napakunot

<Master level 1>

Hindi na nagtaka si Yuri sa mga ito bagkus naligo nalang ito para maalis na ang mga dumi sa kaniyang katawan.

Nang matapos na ito ay agad ring umalis si Yuri sa ilog.

__

Patuloy na nangangaso si Yuri sa kagubatan. Marami itong napatay na silver at gold beast.
Wala pa itong nakikitang platinum beast kaya nagpapasalamat ito. Kaya niya naman makapatay ng mga platinum beast subalit nakakaubos rin naman ito ng enerhiya dahil sa angking lakas nito.

Hindi rin nalilimutan ni Yuri na manguha ng mga herbal. Lahat ng kaniyang nakikitang herbal ay na magagamit sa paggawa ng potion ay kinukuha niya. Dahil rin sa maliit lang ang kaniyang spatial ring ay limitado pa rin ang pagkuha niya ng mga ito kaya mas pinili niya ang mga halaman na may mataas na kalidad.

Habang patuloy sa paglalakad si Yuri ay bigla nalang itong nakaramdam ng napakakilabot na awra.

"Isang platinum beast." Gulat na pagkasabi niya at agad itong nagtago sa malaking kahoy. Pero laking gulat niya dahil sa kaniyang nakita.

" Isang Earthwood Lion Platinum beast, isa itong mabait na beast pero parang nanghihina ito. " Lumapit si Yuri sa beast pero agad rin itong tumigil dahil sa panlilinsik na tingin ng beast.

"Umalis ka dito bata habang wala pa akong ginagawa sa iyo."

"Wala po akong gagawin sa inyo bagkus gusto ko sanang tulungan ang natamo mong sugat.

"Bakit ka nakakaintindi sa akin? Alam kong hindi ka normal na tao kaya anong kailangan mo sa isang mahinang beast na kagaya ko."

Di pinansin ni Yuri ang Earthwood Lion dahil nasa sugat ang atensiyon ni Yuri kung saan gagamutin niya ito.

Huminga ng malalim ang beast. "Hays, kahit anong gamot ang gagamitin mo sa akin ay wala pa rin itong epekto. Subalit–." Bigla nalang itong napatigil sa kaniyang pagsasalita.

"May ipapangako nalang ako sayo."

__

End of Chapter 21

Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now