Chapter 28

367 51 4
                                    

"Sino ka." Takot na sabi ni Nathaniel kay Yuri.

Hindi sumagot si Yuri kay Nathaniel bagkus pinakawalan niya ito.

Kitang kita ni Yuri ang kanilang mga sugat dahil unti unti nang sumikat ang araw. Hindi pa rin ito makapaniwala sa kaniyang nakita dahil hindi niya akalaing magkikita sila muli.

"Uulitin ko sino ka?" Sigaw na pagkasabi ni Nathaniel. Hindi pa rin tumugon si Yuri bagkus binigyan niya ang tatlo ng tig iisang healing potion.

Tiningnan lamang ng tatlo ang ibinigay ni Yuri. "Hindi kami basta bastang magtiwala lamang sa hindi namin kakil-." Putol na sabi ni Nathaniel dahil biglang hinubad ni Yuri ang kaniyang balabal at maskara kaya nabigla ang tatlo sa kanilang nakita.

"Yu-yuri." Gulat na pagkasabi ng tatlo dahil hindi ito makapaniwala sa kanilang nakita.

"Bago niyo ako kamustahin ay sana inumin niyo muna ang ibinigay kong healing potion. Wag kayong mag-alala dahil hindi yan nakakamatay." Seryosong sabi ni Yuri sa tatlo na agad naman itong sinunod.

Habang ininom ng tatlo ang ibinigay ni Yuri ay agad rin itong naghilom ang kanilang sugat. Dahil isa itong 5-tier healing potion ay mabilis lang itong makakagaling sa anumang sugat na natamo sa isang adventurer.

Nang maging maayos na ang kanilang kalagayan ay agad rin nilang tiningnan si Yuri.

"Ikaw ba iyan Yuri? Totoo ba ang nakita namin? Tanong ni Alberto kay Yuri. Hindi nagsalita si Yuri bagkus tumango lamang ito.

"Siguro nag-iba na ang pag-uugali ni Yuri ng nakapu-." Naputol ang sinabi ni Kael dahil nakaramdam ito ng kilabot. "Bakit kayo nandito? Alam niyo bang mapanganib ang lugar na ito?" Seryosong tanong ni Yuri sa kanila. Nag iba naman ang ekspresyon ng tatlo kaya nagulat nalang si Yuri.

"Wala na ang kinalalakihang mundo natin Yuri. Nawasak na ito." Lungkot na pagkasabi ni Nathaniel kay Yuri.

"Paano?" Naguguluhang tanong ni Yuri sa kanila.

"Noong panahon na nagkakagulo dahil gustong kunin ni ama ang iyong kapangyarihan ay iyon rin ang panahon na nawasak ang mundong iyon. Nang dumating ang mga kalaban ay nagsimula na ang digmaan. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nawasak ang mundong iyon. Ang dahilan ng pagkawasak ay dahil nagalit ang tagabantay ng mundong iyon. Dahil sa kasamaan ni ama at sa mga ganid sa kapangyarihan na tao ay hindi naging balanse ang kabutihan at kasamaan. Kaya sinimulan na nitong winasak ang mundo. Pero ang naisip ko lang nung panahon na iyon ay ikaw lamang Yuri. Dahil sa iyong angking lakas at kapangyarihan ay naisip kong baka ikaw ang makakatulong sa pagtigil ng digmaan kaya sinundan ka namin. Dahil sa amoy mo ay sinundan ko iyon. Apat kami na magkasama. Ako, si Kael, si Alberto, at si William. Nang makapunta kami sa isang napakagandang talon ay agad rin kaming pumunta sa isang kweba. Subalit bigla nalang lumidol kung saan unti unti na palang nawawasak ang mundong iyon. Subalit bigla nalang tumigil si William para pansamantalang pigilan ang ito. Malaki ang aming utang na loob sa kaniya dahil niligtas niya kami. Sinakripisyo niya ang kaniyang sarili para mailigtas kami at ipagpatuloy ang paghahanap mo Yuri." Umiyak si Nathaniel sa huli niyang sinabi at humagulgol ito.

"Akala namin ay iyon na kahirapan dadanasin namin subalit nagpatuloy pala ito ng dumating kami sa mundong ito. Marami kaming nakasalamuhang mga masasamang tao. Ginawa kaming parang hayop dahil sa pang-aalipin sa amin. Naawa nga ako sa kalagayan namin dahil hindi namin maipaglaban ang aming sarili. Hindi ko kayang gamitin ang aming mahika na para bang isa lamang kaming napakamahinang tao. Kaya iyon hinayaan nalang namin kung anong oras kami mamamatay subalit-." Putol na sabi ni Nathaniel at tiningnan si Yuri.

"Subalit hindi namin inaasahang makikita ka namin Yuri. Hindi ko akalaing ang hinahanap namin ay muli naming makikita. At ang dahilan kung bakit gusto kitang makita ay sana patawarin mo na ang aking ama. Sana sapat na ang kamatayan sa kasalanan niya sayo pero hihingi parin ako ng tawad sa iyo." Huling sabi nito at biglang lumuhod pero pinigilan ito ni Yuri.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz