Chapter 25

387 50 7
                                    

          Sa limang araw na ibinigay ni Yuri sa mga Elder ay naging abala ang mga ito sa pagsasanay ng kanilang pinakabago at pinakaunang technique na kanilang gagamitin.

Habang si Yuri naman ay gumagawa rin ito ng potions sa limang araw.

"Purple Liliaceae (epic)"

"Broadleaf Evergreen (epic)"

"Velvet worms (gold)"

"Buti at nakakuha ako nito." Masayang pagkasabi ni Yuri sa kaniyang sarili.

Kinuha niya ito sa kaniyang spatial ring at isa isang nilagay ito sa maliit na lamesita. Kinuha rin niya ang kaniyang bagong Cauldron.

<Tortoise Shell Cauldron (Top-tier)>

Ang cauldron na ito ay napakamatibay dahil sa tinataglay ng isang tortoise na kung saan isang pinakamatibay na beast sa buong mundo.

Gumamit si Yuri ng isang top-tier na armament dahil sa hindi basta-basta ang kaniyang gagawin na potion.

Balak gumawa ng Vitality Potion si Yuri dahil balak niyang pataasin ang buhay ni Grand Elder Wu. Alam niyang mahirap ito gagawin pero nakakasiguro siya na magagawa niya ito.

Huminga ng malalim at inilagay ni Yuri ang cauldron sa kaniyang maliit na lamesa.

Pinakita niya muna ang kaniyang golden alchemy fire. Kung titignan lang ang kaniyang alchemy fire ay para lang itong simpleng apoy.

Naging seryoso ang kilos ni Yuri.

Una niyang tinanggal ang duga ng Purple Liliaceae. Sa unang pamamaraan ng paggawa ng vitality potion ay nahihirapan na si Yuri. Dahil isa itong epic plant ay nahihirapan siya sa pagkuha ng duga nito. Nagtagal ng mahigit dalawang oras si Yuri sa pagkuha ng duga ng Purple Liliaceae.

Nang matapos na ito sa unang pamamaraan ay sinunod niya naman ang pag pulbura ng Broadleaf Evergreen. Isa itong malaking dahon kaya mas mahihirapan pa ito sa unang parte. Dahil ang halamang ito ay isa ring epic plant ay malaking posibilidad na madami ang gagastusin niyang enerhiya.

Sinimulan na ni Yuri ang pagpulbura ng dahon. Dahil isa itong matibay na dahon ay nagtagal si Yuri ng anim na oras sa pagpupulbura ng dahong ito. Hindi tumigil si Yuri sa kaniyang ginawa dahil maaaaring mapahamak ito.

Labis ang pawis na ang nararamdaman ni Yuri. Konti nalang rin ang kaniyang enerhiya dahil sa malaki ang gastos sa pagpupulbura nito.

Ngumiti si Yuri dahil malapit na siyang matapos sa ikalawang pamamaraan. Nang matapos na ito ay hindi nagdadalawang isip si Yuri na gawin ang huling pamamaraan.

Ang pagkuha ng dugo ng velvet worms.

Dahil sa madali lamang niyang nahigop ang dugo ay tumagal lamang ito ng kalahating oras.

Nang matapos niya na ang mga ito ay hinalo niya ang tatlo sa kaniyang cauldron. Mas pinalakas rin ni Yuri ang kaniyang apoy para mapadali ito.

Patuloy na hinahalo niya ang mga sangkap hanggang sa nakaamoy nalang ito ng napakayamang enerhiya.

Natuwa si Yuri dahil sa naging matagumpayan ay mga ito kaya agad agad niyang kinuha ang limang bottle na galing sa pagamutan para dito niya ilalagay ang kaniyang ginawa.

Saktong sakto sa lima ang kaniyang ginawang potion kaya pagkatapos nito ay humiga na lamang siya sa sahig.

At dahil sa pagod rin ng kaniyang naramdaman ay bigla nalang itong nilamon ng kaniyang kadiliman.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora