Chapter 2

944 108 6
                                    

"Ang ganda" Di mapigilang mangha ko sa mga nakikita ko. Ang nakikita ko lang naman ay sandamakmak na ginto, mga libro at ibang mga bagay na talagang makikita mo lang sa mga mayayaman. Nilibot ko ang paningin ko at di talaga ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

Nang isa isa kong tingnan ang mga bagay na nakapalibot sa akin ay may nahagip akong isang bagay. Pinuntahan ko iyon at may nakalagay na sulat ito sa katabi.

Isa itong sulat kung saan doon mo malalaman kong anong bagay ito.

Una ay ang singsing. Ito ay hindi lang basta bastang singsing dahil pagpinindot mo itong singsing ay mapupunta ka sa isang dimensyon.

Di naman nagdalawang isip ako pindutin iyon kaya napunta nga ako sa isang dimensyon.

Namangha naman ako sa aking nakita dahil isa pala itong Isla. Katulad rin Ito sa Talon ng Dulla. Ang pagkaiba lang ay mas maraming mga halaman dito. Pero wala kang makikitang puno at mga hayop dito.

Kaya naiisipan kong dito ko ilalagay yung lahat ng mga gamit dito. Naisipan ko ring gumawa ng bahay dito. Madali lang naman gumawa dahil telekinesis ang mahika ko.

Third Person POV

Dahil nga sa ito ang ibinigay ng kanyang Lola ay di siya nagdalawang isip na gumawa ng plano.

Una ay gumawa muna siya ng bahay sa kaniyang dimensyon. Ito ay yari sa bato at marmol. Gumawa rin siya ng kahon para sa mga libro, ginto, espada at iba pa.

Nang natapos siya ay kinuha niya ang mga libro at dun nagsimulang basahin iyon. Ibinigay niya ng sampong araw para sa pagbabasa ng libro. Ito ay naglalaman ng paano gumawa ng gamot para sa mga sakit.

Dito rin makikita mo ang ibat ibang kapangyarihan. Malalaman mo kung ano ang kahinaan nito at pano ito gamitin.

Pero sa pagbabasa niya iyon at walang siyang nakitang libro tungkol sa telekinesis. Humanap pa siya ng ibang libro at may nakita siyang maliit na libro. Ang nakasulat doon ay "All about telekinesis"

Kaya bigla siyang nabuhayan. Binuksan niya ang unang paksa at doon may nakasulat na "maglaan ng tatlong araw sa pagpapalakas ng katawan.

Alam naman niya ang tungkol dito kaya di siya nagdalawang isip na simulan na ang pagpapalakas ng katawan.

"Ito na talaga ang simula ng yugto ng kapangyarihan ko" at nagsimula na siya.

Yuri POV

"997, 998, 999 ahh-" hingal kong pagkasabi.

"Isang libo!!" Sigaw na pagkasabi ko at tumayo. Ininom ko ang tubig na nanggaling sa talon.

"Ang sarap talaga ng tubig dito, makakawala ng pagod" sabi niya sa sarili niya.

"Siguro oras na para sa susunod na paksa ng libro ko" Oo, tapos ko na ang pagsasanay ko sa katawan ko. Tatlong araw lang naman ang ginastos ko para sa pagsasanay ng katawan ko.

Masasabi ko talagang nagbago ang anyo ng katawan ko. Dati ang payat ko ngayon may mga maliit na pandesal na ako HAHAHAHA.

Pumuti rin ako lalo at tumaas na yung gintong buhok ko.

Nang kinuha ko ang libro ay pinuntahan ko ang sunod na paksa ng libro. Nakasulat ditong "Try to use the basic skills of Telekinesis."

Isa lang naman ang basic skill ng telekinesis, ang paglutang ng bagay.

Kaya ayun ginawa ko na pero ang ikinagulat ko hindi na ito mabibigat. Siguro dahil ito sa pisikal na pagsasanay. Ika nga sa ibang librong nabasa ko "Ang pisikal na lakas at ang mahika ay iisa lamang" Kung gaano kalakas ang iyong katawan, ay siya rin ang iyong mahika.

Kaya di na talaga ako nagtaka kong mabubuhat ko yung mga mabibigat na bagay. Ang ginawa ko lang naman ay binuhat ko yung pinakamalaking bato dito sa dimensyon ko. Mga kalakihan sa tatlong palapag na bahay. Oo, parang ganun na nga.

Dati dumugo yung ilong ko pag nag buhat ako ng mabibigat pero ngayun iba na.

Iba na talaga ang Yuri Harris ngayon, di na yung payat at lampa.

"Siguro mataas na ang stamina ng katawan ko." Sabi ko sa sarili ko.

Nalaman ko rin pala na ang telekinesis ay magagamit mo yung mga senses. Dito mataas na ang pandinig ko, ang pang-amoy, panlasa, eye sight ko. Kaya ko nang Makita ang dilim, kaya kong marinig ang boses maybe mga 1 kilometre pa at same sa pang amoy ko. Na fefeel ko na rin ang presents ng mga halaman at hayop. Pag mataas ang awra nila isa iyon sa mga rare na mga hayop o halaman.

"Dahil dito siguro magagamit koto para sa mga tao, malalaman ko sila kung gaano sila kalakas."sabi ko sa sarili ko.

May napansin ba kayo? Ay oo, nagsasalita na ako ng Ingles. Maybe dahil rin ito sa mga binabasa kong books.

Nang matapos na ako sa pag eensayo ng basic skill which is isa lang naman ay agad akong nagtungo sa libro para sa next na paksa.

Nung binuksan ko ito ay wala nang laman, ang nakasulat lang ang isang tuldok

"Ano kaya ang ibig sabihin nun?" Tanong ko sa sarili ko

Siguro basic skill lang muna ang ipapagawa nitong libro ko sakin. Alam ko naman yun kasi kung bibiglain mo yung katawan mo ay sasabog lang ito.

Sa pagsasanay kasi walang pangmadalian kaya naiintindihan kita libro HAHAHAHAHA

Dahil sa sinabi ng libro ay bumukas nalang ako ng isang libro. Ang nakasulat dun ay "All about Equipment"

Dito masasanay mo ang paggamit ng mga ibat ibang klaseng sandata. May mga swords, shiroken, pana, guns berseker, at iba pa.

Unang binasa ko ay tungkol sa "Mastery of swords" ito yung pinaka common na ginagamit sa pandirigma. Dito malalaman ang nga techniques kung pano gamitin ang sandata.

Pero iniba ko yung twist, ginamit ko yung Telekinesis ko at kamay ko. Kumbaga multitasking.

Bat ko nasabi? kasi sasanayin ko yung utak ko at pisikal ko. Alam kong mahirap pero kakayanin rin naman.

Dahil na rin sa pagbabasa at pagsasanay ko sa paggamit ng ibat ibang sandata ay di ko namalayang mag iisang buwan na pala ako sa dimensyong ito.



Third POV

Dahil sa pagsasanay ni Yuri ay nabihasa na niya ang paggamit ng ibat ibang sandata. Dahil narin dito mas nabihasa narin niya ang kaniyang mga senses.

Masasabi mong malakas na siya at di na yung dating payat at lampa.

Napaisip si Yuri na ang mga mahika ay may ibat ibang taglay kung pano ito gamitin. Wala ito sa kung gaano ito kalakas kagaya ng elementals, kundi nasa sarili mo kung pano ito gamitin.

"Oo, isa nga ito sa pinakamahinang mahika dito sa mundo, pero hindi iyon nakabase, nasa sarili mo na talaga iyon kung magpapalakas ka o kung uupo kalang. Dahil dito mas lumakas pa ako, matibay na ang loob ko at di narin ako magpapa api" hingal na pagkasabi niya sa sarili.

"SIGURO HANDA NA AKO!!"












Yuri The Adventurer (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon