Chapter 24

401 51 4
                                    

Dahil sa nakakuha si Yuri ng kakaibang Technique na nanggaling sa Gold Demon Spider ay sinali niya ito sa pagsasanay na labis ang kaniyang ikinatuwa dahil sobrang napakalaking tulong nito.

Nang matapos nang magsanay si Yuri ay sinunod naman niya ang pag cultivate.

<Master Level 6>

Nabigla ito dahil sa labis ang kaniyang pagtaas sa kaniyang antas. Pero naiintindihan niya iyon dahil hindi basta basta ang nakalaban niyang beast.

Dahil sa may oras pa siya ay tiningnan niya muna ang kaniyang info

"Info"

Name: Yuri Sheng
Race: Human (Multipotentiality)
Rank: Master Level 6
Concealing Rank: Apprentice Level 4
Alchemy: Elite 3
Blacksmith: Warrior 2
Soul Chef: Grandmaster 5

Gold Silver Plant Emperor Technique:
1st- Grade Technique, Bind
2nd- Grade Technique, Parasite
3rd- Grade Technique, Spider Web Restraint

Golden Demon Eye Technique:
Survey Realm

Nang matapos sinuri ni Yuri ang kaniyang info ay labis ang kaniyang galak.

Dahil sa kaniyang mga skills ay unti unti na ring lumalakas si Yuri.

Ang Gold Silver Plant Emperor Technique ay isa sa napakamahirap na technique. Kung gagamit ang mga normal na adventurers sa technique na ito ay paniguradong sasabog ang kanilang mga katawan dahilan ng kanilang pagkamatay.

Ang Gold Silver Plant Emperor Technique ay nagmula sa isang Silver Plant. Ang Silver plant ay isa lamang karaniwang halaman na matatagpuan sa ibat ibang sulok ng lugar. Kaya sa pagkakaalam ng mga adventurers na ang mga silver plant technique ay isang napakahinang technique sa buong mundo.

Tatlong Grade Techniques pa ang nagagawa ni Yuri.

Una ay ang "1st- Grade Technique, Bind" na kung saan gumagamit ito ng hindi mabilang na Silver grass/vines na bumabalot o ginagapos ang isang target nito.

At ang mga hibla ng Silver Grass na nagbubuklod sa target ay nadagdagan ang tibay sa ilalim ng epekto ng kasanayang ito.

Pangalawa ay ang "2nd- Grade Technique, Parasite". Pinapagana ang maliliit na binhi na iniiwan ng Silver Grass, ginawang ganap na malalaking mga hibla ng Silver Grass. Pinapayagan din ng gumagamit nito na agad na mag-rebind at mag-immobilize ng mga kalaban na nakipag-ugnay sa kanyang Silver Grass. Pinapagana rin ang lason ng paralisis at itinuturo ito sa target.

At ang panghuli ay "3rd- Grade Technique, Spider Web Restraint" kung saan bumabato ng supot na yari sa silver plant na mga 6-7 metro ng lapad upang makulong ang kaaway. Pag makulong rin ang isang kaaway ay may dagdag lason ito dahilan na humihina ang kaaway sa loob ng supot.

Ang Golden Demon Eye Technique naman ay isang technique na nakuha ni Yuri sa Golden Demon Spider. May isa pa lamang itong skill, at ito ay ang Survey Realm na kung saan magagawang mapabuti nang malaki ang lakas ng paningin, at saka malinaw na maunawaan ng isang adventurer ang mga detalye.

Dahil sa mga techniques na ginamit ni Yuri ay mas lumakas pa ito.

"Sisimulan ko na ang pagpapalakas ng tribu."

__

Pumasok si Yuri sa Terra Tribe na kung saan biglang kumunot ang kaniyang mukha dahil sa paggalang ng mga kawal sa kaniya.

Hindi niya ito inintindi bagkus pumunta nalang ito sa Grand Hall.

__

Sa banda naman kung saan makikita ang Grand Hall ay nakahanda na ang mga Elders sa pagpupulong.

"Sigurado po ba kayo Grand Elder Wu na ngayong oras gustong magpulong si Young Master Yuri?" Seryosong tanong ni 1st Elder Lucas sa matanda.

Ngumiti ito sa lalaki. "Maghintay nalang muna tayo at mamaya't dadating rin iyon." Malumanay na pagkasabi ni Grand Elder Wu sa lalaki kaya't umupo nalang ito.

Habang patuloy sila sa paghihintay ni Yuri ay bigla na lamang bumukas ang pinto na naging dahilan ng pagtigil sa kanilang mga ginagawa.

Pumasok si Yuri na may dalang ngiti sa kaniyang labi. Tiningnan ng mga Elders si Yuri at bigla itong yumuko tanda ng paggalang.

Nagulat naman ito sa kaniyang nakita dahil sa mga kilos ng mga ito.

"Maligayang pagbalik Young Master Yuri. Ngayon ang sinasabi mong pagpupulong kaya handa na kaming makinig sa mga plano mo.

Hindi na nagulat si Yuri sa mga ito at agad nang nagtungo sa bakanteng upuan.

"Dahil hindi ko pa lubos kayo kilala ay sana magpakilala muna tayo bago ako magpatuloy sa mga diskusiyong sasabihin ko." Malumanay na sabi ni Yuri sa mga Elders.

Agad na tumayo si Elder Lucas at tumingin sa mga ito. "Ako si 1st Elder Lucas, Apprentice Level 3. Ako ang namamahala sa mga kawal at pagbabantay ng tribung ito."

"Ako naman si 2nd Elder Alicia, Apprentice Level 2, na nagbabantay sa loob ng mga mamamayan ng tribung ito at ang kanang kamay ng Grand Elder."

"Ako naman si 3rd Elder Ben, Apprentice Level 1. Isa rin ako sa nagbabantay sa loob ng tribung ito at ako rin ang kanang kamay ni Second Elder Alicia."

"Ako si 4th Elder Madi, Apprentice Level 1, na kung saan ako ang namumuno sa pagamutan ng tribong ito.

"Ako naman si 5th Elder Eman, Apprentice Level 1, na kung saan ako ang namumuno sa taniman ng tribung ito.

"At ako si Grand Elder Wu, Apprentice Level 5, ang namumuno sa tribu ng Terra.

Nasiyahan si Yuri sa kaniyang mga nalaman pero agad ring nagbago ang mukha nito.

Pinalabas niya ang kaniyang ranggo at nagulat ang mga ito.

"Isang batang may ranggong Apprentice Level 4."

"Paano nangyari ito."

"Sa loob lamang ng tatlong araw ay tumaas naman ito ng dalawang antas."

Bigla, galak, at hindi makapaniwala ang makikita sa mga ekspresiyon ng mga Elders.

"Ako si Yuri Sheng, isang Apprentice Level 4 at ikinagagalak kong makilala kayo." Masayang pagkasabi ni Yuri sa mga ito.

"Hindi ko na papatagalin ito dahil may mga mahalagang gagawin pa ako. Grand Elder Wu ibigay mo muna sa akin ang ibinigay kong scroll sa iyo." Sabi ni Yuri sa matanda na agad namang sinunod ito.

Ipinakita ni Yuri ang scroll. "Ang scroll na ito ay ang tinatawag na Wood Arc technique na kung saan bagay na bagay sa lugar na ito mag ensayo. Ang technique na ito ay nanggaling sa arc plant na kung saan isa ito sa pinakamatibay na halaman sa buong mundo."

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa. Mga Elders, gusto kong turuan niyo ang lahat ng mga adventurers sa Terra Tribe." Seryosong pagkasabi ni Yuri sa mga ito.

"Pero bago iyan, bibigyan ko muna kayo ng limang araw para lubusang masanay ang technique na ito. Maliwanag ba ang sinabi ko?" Sambit ni Yuri na agad naman ikinatango nila.

"Grand Elder Wu, ikaw na po ang ang magtuturo sa mga Elders. Alam kung palihim mong sinanay ang technique na ito na siyang ikinagalak ko naman." Sabi ni Yuri sa matanda na dahilang ikinapula ng mukha nito."

"Tapos na ang ating pagpupulong."

__

End of Chapter 24

Yuri The Adventurer (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon