Chapter 29

395 58 4
                                    

Nagtagal sila Yuri, Nathaniel, Kael at Alberto sa loob ng kagubatan. Walang masyadong pumupuntang adventurers sa loob ng kagubatan dahil delikado ito subalit hindi natatakot si Yuri dahil para sa kaniya, mga mahihina pa ito. Pero kahit mahihina pa ang kanilang nasasagupang beast ay hindi rin naman ito pumupunta sa mas liblib na kagubatan dahil nasisugurado siyang may mga malalakas na beast doon.

Nagpatuloy sa pagtuturo si Yuri sa tatlo. Tinuruan niya ang tatlo sa kaniyang nalaman sa kontinenteng ito na siyang pilit na kinakabisado nila ang mga sinasabi ni Yuri. Pinaintindi rin ni Yuri sa tatlo ang kanilang technique na gagamitin bago nila ito sanayin.

Ang technique na ibinigay ni Yuri kay Alberto ay tinatawag na Blazing Inferno Technique na kung saan bagay na bagay sa kaniya dahil apoy rin ang kaniyang kapangyarihan sa dati niyang mundo. Ang Blazing Inferno Technique ay isang napakalakas na technique dahil sa blue fire ang uri na technique na ito na kung saan ito ang pinakamainit na apoy. May tatlong skills ang technique ni Alberto."

1st Skill, Burst Fireball- bumubuo ito ng isang bilog na apoy at nakadepende ang laki nito sa lakas ng isang adventurer. May dagdag rin ito ng slow effect na kung saan mapapadali ang pagtama ng isang target.

2nd Skill, Searing Torrent- bumubuo ito ng isang apoy na alon at nakadepende rin ito sa lakas ng isang adventurer.

3rd Skill, Vengeance Flame- isa itong skill na makakapag enhanced ng senses ng isang adventurer. Mapapataas ang pandama nito, pandinig, mas lalayo pa ang pananaw at tataas rin ang pang-amoy. Mas sasakit rin ang epekto ng paggamit ng 1st and 2nd skill.

Ang technique naman na ibinigay ni Yuri kay Kael ay tinatawag na Voltaxic Rift Technique na kung saan bagay na bagay rin kay Kael dahil kabisado niya ang paggamit ng kidlat sa dati niyang mundo. Napakalakas rin ng Technique na ginamit ni Kael na kung saan hindi ito pwede sa mga karaniwang adventurer dahil sa napakadelikado ng technique na ito. Hindi sinabi ni Yuri na delikado ang technique na ito subalit alam niya na kayang kaya ni Kael ito. May tatlo skills rin ang technique na ito.

1st Skill, Lightning Walker- ang skill na ito ay mapapabilis ang galaw ng isang adventurer na gumagamit nito at dahil sa bilis ay nakakagawa ito ng afterimage na kung saan makakapagbigay illusion sa kalaban. May duration itong 1 minuto

2nd Skill, Arcing Blows- nakakapagsummon ito ng lightning sword na kung saan mapaparalisa ito pag natamaan ang isang kalaban.

3rd Skill, Storm Weaver- ang skill na ito ay nakakagawa ng isang lightning tornado na kung saan pag nakapasok ang isang target sa loob ay makukulong ito na walang hanging masisimot.

Ang Technique naman ni Nathaniel ay isa sa tatlong malalakas na technique na hawak ni Yuri. Ibinigay niya ito dahil sa kanilang tatlo, si Nathaniel ang mas may potensyal na maging isang malakas na adventurer. Hindi sa pagiging pabor si Yuri kay Nathaniel pero mas nakitaan niya ito dahil sa may malawak itong life coil. Ibinigay ni Yuri ang technique na iyon dahil alam niya na kakayanin ito ni Nathaniel.

Ang technique na gagamitin ni Nathaniel ay tinatawag na Light Order and Dark Chaos Technique. Isa itong technique na pagbabalanse ng puting mahika at itim na mahika. Napakahirap nito dahil hindi madali ang pagbalanse ng dalawang mahika sa iisang katawan. Isa rin itong long and short type na technique. May tatlong skills rin ang technique na ito

1st Skill, Dreamland Twist- isa itong short range direct attack na kung saan malaki ang damage nito para sa kalaban.

1st Skill, Starlight Pulse - isa naman itong long range ana kung saan pag natamaan mo ang kalaban ay magkakaroon ng dagdag health at mana ang gumagamit nito.

2nd Skill, Chaos Assult- ang skill Naman na ito ay long range attack din na kung saan hihina ang movement speed ng kalaban at bibilis naman ang movement speed ng gumagamit nito.

3rd Skill, Cosmic Fission:
Power of Order, Brilliance- kung saan magkakaroon ng isang napakadaming shower light ball sa isang kalaban.
Power of Chaos: Darkening- makakapagsummon ito ng mga dark skeleton at nakadepende rin ito sa lakas ng gumagamit nito.

Si Yuri naman ay may bago itong natuklasan sa kaniyang Gold Silver Plant Emperor Technique.

4th- Grade Technique, Gold Silver Prison- agad na bumubuo ng isang hawla na gawa sa labing-anim na Gold Silver Grass Vines sa paligid ng isa o higit pang mga kaaway. Ang mga vines / hibla ay may nadagdagan na tigas na higit na katulad ng isang bakal na hawla. Maliit lamang na soul power ang makukuha nito sa isang adventurer na gumagamit ng technique na ito. Ngunit ang pinakadakilang lakas nito ay kung gaano ito kabilis lumitaw na kung saan hindi mapapansin ng kalaban ang paglitaw nito. Nakakatulong rin ito sa pagdepensa ng malalakas na mga mahika.

__

Ang apat ay kaniya kaniyang sanay sa loob ng kagubatan. Hindi rin sila nagkausap dahil abala sila sa kanilang mga techniques. Subalit hindi nagtagal ay nasanay narin nila ito. Masaya si Yuri sa kaniyang nakikita dahil pursigido ang tatlo na maging malakas.

Nakapagplano din si Yuri na mag-aral sa isang paaralan. Gusto niyang mag-aral dahil plano niyang sukatin ang lakas ng tatlo sa mga kaedad nilang adventurers. Ang dahilan rin ni Yuri ay upang makakita ng mga malalakas na adventurers at makakuha ng mga bagong impormasyon tungkol sa kanilang kinabibilang na kontinente.

Dahil malapit ng matapos ang tatlo sa pagsasanay at gumagabi na rin ito, kaya nagluto si Yuri ng masarap na pagkain. Inilabas ni Yuri ang kaniyang gamit pangluto at naglabas rin ng isang Black Flying Goose (Platinum rank). Isa itong napakalaking gansa na may masarap na karne. Inihaw ni Yuri ito dahil paborito ni Yuri ang pag ihaw. Nilagyan niya ng mga pampalasa ang kaniyang niluto na mas nakapagbibigay ng masarap na amoy nito. Gayunpaman, sa banda ng tatlo kung saan sila nagliligo sa ilog ay agad rin itong umahon dahil sa kanilang naamoy. Hindi ito unang beses na nilutuan sila ni Yuri subalit hindi nawalan ng gana sa mga niluluto ni Yuri. Nang makapunta na sila ay agad rin silang umupo at tiningnan ang ginagawa ni Yuri.

"Kahit kailan ay napakagaling magluto ni Yuri. Basta ako, kahit hindi na ako magkaasawa basta kasama ko lang palagi si Yuri. Kung pwede nga asawahin ko na ito eh." Birong sabi ni Kael sa kanila na agad rin niyang ikinatigil dahil naging seryoso ang mukha ni Yuri.

"Kahit kailan talaga hindi mabiro itong si Yuri. Basta ako kontento na ako na kasama kayong tatlo. Sana hindi tayo magkakahiwalay hanggang kamatayan." Pambawi na sabi ni Kael na agad namang isinang ayon ng tatlo.

Habang kumakain sila ay nag usap usap rin sila ng mga bagay bagay. Nandoon ang tawa, iyakan, asaran, na kung saan mas nagpapalapit ng kanilang pagiging magkaibigan.

__

Chapter 29

Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now