Chapter 30

533 56 18
                                    

Sa kasalukuyan, sila Yuri, Nathaniel, Kael at Alberto ay naglalakbay palabas ng kagubatan. Dahil sa desisyon ni Yuri na sila'y mag-aaral sa isang malapit na paaralan ay wala namang nagawa ang tatlo kundi ang pumayag. Gusto rin naman ng tatlo na makapasok sa paaralan dahil gusto nilang sukatin ang kanilang kapangyarihan.

Dahil wala namang kinalalakihang angkan ang tatlo ay ginawa nalang ni Yuri ng 'Sheng' ang kanilang apelyedo.

Patuloy sila sa paglalakbay sa loob ng kagubatan. Dumaan sila sa mas sulok na kagubatan dahil ayon sa mapa ni Yuri, mayroong pintas patungo sa paaralan ng Lotus.

Sa kanilang paglalakbay ay hindi maiiwasang makasagupa ng mga beast. Kapag silver at gold rank beast ang nasasagupa nila ay ang tatlo lamang ang lumalaban pero pag platinum beast ang kanilang nasasagupa ay si Yuri na ang kumakalaban nito.

Binigyan rin ni Yuri ang tatlo ng natitirang kaniyang Spatial Ring. Puro ito Mid-tier Spatial Ring kung saan sapat na ito para ilagay ang kanilang mga kinakailangan. Ganun lang ang estado ng kanilang paglalakbay at dahil sa kanilang pagpatay ng mga beast ay hindi rin nila namalayan na unti unting tumataas ang kanilang antas na hindi gumagamit ng cultivation.

Ang nanggo ngayon ni Yuri ay nasa Master Level 7 na kung saan tumaas lamang ng isa dahil sa mahirap ng magpataas sa ganitong ranggo. Si Nathaniel naman ay ang may pinakamataas na ranggo sa tatlo, ang ranggo na nito ay Apprentice Level 8 na kung saan malapit nang makatungtong sa susunod na ranggo. Si Kael naman ang sumunod na may ranggong Apprentice Level 6 at ang panghuli ay si Alberto na may ranggong Apprentice Level 5. Si Yuri naman ay makikita sa mga adventurers na isa lamang itong Apprentice Level 5 din na kung saan hindi niya balak ipakita sa iba dahil masyadong delikado ito.

Sa pagpatuloy nila sa paglalakbay ay nakaramdam sila ng napakaraming adventurers na kung saan nakarating na sila sa kanilang pupuntahan.

Bumilis ang kanilang lakad para hindi mahalata na sa kagubatan sila dumaan na kung saan isa pala iyong forbidden forest. Hindi naman nila alam na isa palang forbidden forest iyon dahil wala naman sila masiyadong nasasagupang mga malalakas na beast pero maswerte pa rin sila dito.

Pumunta sila kung saan ang nandoon ang paaralan. Dahil nalaman noon ni Yuri na may magaganap na pagsusulit sa paaralan ay agad rin itong nagbalak na pumasok. Nalaman ito ni Yuri noong may naganap na Auction Festival sa Esmeralda Auction. Dahil rinig na rinig niya ang mga sinasabi ng tao kaya ito nalaman.

Nasa tarangkahan na silang apat kasama ng mga ibang batang gustong mag-aral sa paaralan. Tinatawag itong Lotus Academy kung saan isa rin ito sa pinakasikat na paaralan.

Nasa tabi lang silang apat kung saan tinatanaw nila ang mga batang adventurers na nagsisiksikan sa harap ng tarangkahan. Makikita sa mga ito na kaniya kaniya itong grupo na kung saan makikita talaga ang kaibahan ng ordinary, aristocrat at noble na adventurer dahil sa kanilang mga kasuotan.

Patuloy na nagsisikan ang mga batang adventurers subalit natigilan ito dahil may isang magandang babae ang nagpakita sa kanila. Ginamitan ni Yuri ng survey realm ang babae dahil upang makita nito ang ranggo.

"Isang Adept Level 2 lamang ang babaeng iyon. Mukhang maliit lang ang ranggo niya sa paaralang ito." Sabi ni Yuri sa kaniyang sarili.

"Mga adventurers ng Primus Kingdom, ikinagagalak kong makita kayo dito sa Lotus Academy. Hindi ko inaasahang ganito kadami ang gustong mag-aral ngayong taon pero-." Pagtigil ng babae at agad na pinalabas niya ang kaniyang awra na nagdala ng kilabot sa ibang mga adventurers. "Pero alam kung sampung porsyento lamang ang makakapasok dito. Hindi ko pinapababaan ang sarili bagkus galingan niyo na lang para makapasok sa paaralang ito." Paliwanag niya dito.

"Dahil hindi na ako pakapagpigil na matapos ang pasulit na ito ay sisimulan na natin." Sigaw ng babae sa mga adventurers.

Biglang bumukas ang napakalaking tarangkahan ng Lotus Academy at bumulaga sa kanila ang napakataas na hagdan. Ngumisi ang babae at tiningnan niya ng mababa ang mga adventurers na ikinakunot ng noo ng apat. "Sa nakikita niyo, isa iyang Hundred Staircase. Ito ang inyong unang pasulit na kung saan susukatin ang lakas niyo. Hindi ko man gustong sabihin pero isang daang porsyentong hindi kakayanin ang unang pagsusulit ng mga Novice Rank. Pero hindi naman masama kung susubukan diba."

"Nakikita kong hindi na makapaghintay ang ibang adventurers kaya ano paba ang pinaghihintay niyo? Kanina pa nagsimula ang unang pasulit." Tawa ng babae na agad namang tumakbo ang mga adventurers.

Nakikita nilang apat na masyadong nagsisikan ang mga ito kaya hinayaan nalang nila at di umalis sa kanilang inuupuang pwesto.

Sa banda naman kung saan ang babaeng host sa unang pagsusulit ay napansin niyang may apat na batang hindi nagsimula sa pagsusulit. Nahambugan siya dito kaya binasa niya ang mga ranggo nito na agad na ikinabigla niya. "Sa grupo nila may isang Apprentice Level 8? Sigurong mga taga noble clan ito." Sabi ng babae sa kaniyang sarili.

Sa banda naman kung saan sila Yuri ay tanaw na tanaw niya ang mga batang adventurers na nahihirapan sa unang pagsusulit at dahil hindi na masikip sa tarangkahan ay bigla nagsalita si Yuri sa tatlo.

"Siguro oras na para tayo'y magsimula." Sabi ni Yuri sa tatlo at agad naman itong tumango.

Pinuntahan na nila ang Hundred Staircase na kung saan may naramdaman si Yuri dito. "Isa pala itong epic-tier kaya pala may malakas na enerhiya." Sabi niya sa kaniyang sarili.

Bumilis ang kanilang tapak sa mga hagdan. Marami silang nakitang mga adventurers na pilit na tumapak sa susunod na hagdan subalit masasabi ni Yuri na hindi na nito kakayanin.

Patuloy lamang sila sa pagtapak ng hagdan na walang kahirap hirap kaya napatingin na lang ang ibang mga adventurers.

"Hindi ko matandaan kung ano ang kanilang angkan."

"Ganun naba sila kalakas dahil hindi man lang Ito nahirapan sa pagtapak ng hagdan?"

"Tss masyadong hambog ang apat na iyan."

"Alam kong galing rin ang apat na iyan sa maliliit na angkan dahil sa kanilang mga damit."

Iyan ang mga komento ng mga adventurers sa apat subalit hindi nila ito pinansin dahil nakapokus sila sa pasulit.

Malapit na nilang matapos ang unang pagsusulit subalit hindi man lang ito napawisan. Tiningnan naman ni Yuri ang kaniyang kasama at masasabing walang kahirap hirap rin sila sa unang pagsusulit.

Nang matapos na sila dito ay agad silang nakakita ng isang portal. Agad silang pumasok dito at bumungad sa kanila ang ibang mga adventurers. Sa nakita ni Yuri ay mahigit isang daan nalang ang natira sa unang pagsusulit. Nakikita rin niyang puro Apprentice Rank ang mga ito. Ang pinakataas na antas na nakita ni Yuri ay Apprentice Level 9 na masasabi niyang nanggaling ito sa noble clan.

Patuloy na naghintay ang mga adventurers subalit nakaramdam na lang ito na biglang nagsirado ang portal tanda na natapos na ang unang pagsusulit.

"Napaladali lang naman pala ng pagsusulit." Huling sabi ni Yuri.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum