Chapter 18

451 49 0
                                    

            Dahil sa dami ng nasasagupang beast si Yuri ay dumadami ring ang natatamo niyang sugat sa kaniyang katawan.

Pero nakaramdam siya ng unting saya nang nakakita siya ng isang napakagandang ilog.

Agad agad rin niyang pinuntahan ito kung saan hinubad niya lahat ng kaniyang kasuotan. Wala ring siyang pakealam kung wala siyang saplot ni isa dahil wala namang tao sa kagubatan na iyon.

Habang dinaramdam niya ang lamig ng tubig ay bigla nalang tumaas ang kaniyang antas.

<Apprentice (lvl 9)>

"Huh?" Kunot na tanong niya sa kaniyang sarili.

"Diba starter level 7 pa ako dati, bat may apprentice?" Dagdag na tanong niya sa kaniyang sarili.

"Siguro dapat ko nang bilisan papunta sa lugar ng mga tao para may idea naman ako patungkol sa mundong ito. Pero masaya na rin ako dahil may natutunan naman akong bago" sabi niya rito.

Habang patuloy niyang niraramdam ang tubig sa ilog ay bigla nalang itong may naalala.

"Cultivation."

Ang cultivation ay isang proseso ng pagsubok kung saan dito ka kumukuha o bumubuo ng isang kalidad o kasanayan. Lahat ng mga tao dito sa mundong Hidra ay ginagawa ang cultivation kung saan dito mo malalaman ang antas na nakaipon sa katawan ng isang tao.

"At ang pagpahinga sa isang mayamang lugar kung saan may malakas na enerhiya na nakapalibot ay nakakatulong sa pagpapataas ng antas. Nakakatawa lang dahil sa dinami daming binasa kung libro patungkol pala sa mundong ito ay hindi ko na ito maalala." Inis na sabi niya kaya lumangoy nalang ito para mawala ang inis niya.

Habang lumalangoy si Yuri ay may nakita siyang isang liwanag sa ilalim ng ilog. Hindi naman kalaliman ang ilog kaya sapat na para makapunta siya dito.

Nang makarating siya dito ay may natagpuan siyang kweba. Pinagpatuloy pa rin niya ang pagpunta kung saan ang liwanag na tinutukoy niya.

Nang nakarating siya dito ay nagulat na naman ito dahil nakakita na naman siya ng bangkay ng tao.

"Pangalawang bangkay na itong natagpuan ko. Baka puro bangkay nalang ang makikita ko sa paglalakbay ko." Pinapatawang sabi niya sa kaniyang sarili.

"Pero sa totoo lang ay masaya rin naman ako dahil may iniwan naman itong kayaman kung saan makakatulong ito sa paglalakbay ko."

Dahil may isang chest ang nakita ni Yuri katabi ng bangkay ay agad agad niya itong kinuha.

<Use your bloodline to open the chest.>

Dahil naiintindihan niya naman ito ay agad niyang pinatakan ng dugo ang chest

Nang binuksan niya ito ay agad naman siyang namangha sa kaniyang nakita.

•20 Scrolls (unidentified)
•1 Concealing Ring (unidentified)
•1 Alchemy Book (unidentified)
•1 Blacksmith Book (unidentified)
• 1 Epitaph Book (unidentified)

"Bat puro unidentified? Siguro malakas itong nagmamay ari nito dahil hindi ko pa alam kung anong uri ang mga ito." Takang tanong niya sa kaniyang sarili.

Kinuha niya ang lahat ng gamit dito at agad na ring umalis para makapagpatuloy sa kaniyang paglalakbay.

__

Habang patuloy siya sa paglalakbay ay binabasa rin niya ang kaniyang mga nakuhang libro. At dahil rin sa scroll na kaniyang nakuha ay pinag eensayuhan niya ito.

Ang scroll ay may dalawang uri ng technique. Ito ay ang direct technique at indirect technique na kung saan ang direct ay may isa lamang skill na kung saan ang mga direct techniques rin ay napakahiram sanayin. Habang ang indirect technique ay may limang skills na kung saan magagamit mo ang mga elemento o elements. At dahil sa mga skills na ito ay madali nalang sa kaniya ang patayin ang mga silver beast na kung saan masaya naman siya rito dahil makakakuha siya ng kayamanan galing sa kanilang katawan.

Hindi rin niya pinalampas ang pagbabasa ng alchemy book at ng blacksmith book kung saan nangongolekta rin si Yuri ng mga halaman na makakatulong para sa paggawa ng mga potions at pills.

Sa pagbabasa rin niya ng blacksmith book ay nakagawa na rin ito ng cauldron kung saan ang cauldron ay ang pangunahing kagamitan para sa paggawa ng mga potions at pills.

Ganun lang ang ginagawa ni Yuri sa araw-araw niya na paglalakbay subalit isang araw ay nakatagpo si Yuri ng isang napakalaking kahoy.

<Giant Sicamore Tree (Gold level)>

Nabigla si Yuri sa kaniyang nakita dahil hindi niya inakala makakasagupa siya ng isang gold level na beast.

"Blue-fire Art technique" sigaw niya rito at inilabas niya rin kaniyang sandata.

Black Sword (Mid-tier)

Unang sumugod ang malaking kahoy kay Yuri kaya't sinangga niya ito gamit ang kaniyang sandata.

"Blue Fire shower"

Pinaulanan niya ito ng kaniyang first skill sa napakalaking kahoy. Nagtaka rin si Yuri sa first skill ng kaniyang technique dahil sa napakalakas ito.

"Napakadelikado pala nito kung gagamitin ko ito kung saan naninirahan ang mga tao. Masyadong malakas ito na kaya nitong wasakin ang maliit na angkan. Pero ang ipinagtaka ko lang ay bakit hindi man lang ako nahirapan sa paggamit ng skill na ito." Sabi niya sa kaniyang sarili.

Naging abo ang napakalaking kahoy dahil sa skill ni Yuri na ikinakunot rin niya nito. Nanghinayang si Yuri dahil wala man lang siyang napala dito.

Pero may isang bagay na lumulutang sa kinatatayuan ng kahoy.

Kinuha niya ito at inobserbahan.

Life Force Crystal (Low-tier)

Hindi alam ni Yuri kung ano ang bagay na iyon pero nasisugurado niya na isa ito sa importanteng parte ng mga beast. Pero nagtaka si Yuri kung bakit walang life force crystal ang bronze at silver beast.

Kaya nagpatuloy nalang ito sa paglalakbay dahil malayo pa rin ito sa mamamayan ng tao.

Habang nagpatuloy si Yuri sa paglalakbay ay bigla nalang itong nakaramdam ng napakaraming mahihinang enerhiya sa bandang hilaga niya.

__

Sa kabilang banda naman ng kagubatan ay may isang tribu na naninirahan doon. Ang tribung ito ay nagngangalang Terra Tribe.

"Pero Grand Elder Wu wala na po tayong magagawa kundi ay maglakbay para maghanap ng mga makakain natin." Sigaw ng lalaki sa kaniyang Elder.

"Pareho tayong nag-alala sa mga nasasakupan ng ating mamamayan Third Elder Ben. Pero hindi ko rin hahayaang may mangyaring masama sa inyo pag umalis kayo sa tarangkahan dito. Marami na ang naglalabasan mga Gold beast na maaaring ikakapahamak niyo." Alalang sabi ni Elder Wu sa mga Elders.

"Pero pag hindi tayo umaksyon ay maaaring mamamatay sa gutom ang mga mamamayan natin Grand Elder Wu.

Huminga ng malamim ang Grand Elder dahil sa ito rin lang naman ang kanilang solusyon para sa problema ng kanilang tribu.

"Pinapayagan ko na kayong maglakbay mga Elder. Limangput anim lang tayo dito sa tribu na ito kaya't labin-anim lamang inyong madadala kabilang na kayo doon kaya pumili kayo ng karapat dapat na makasama sa paglalakbay" hingal na sabi ng Grand Elder.

"Masusunod po Grand Elder Wu!" Masayang sabi ng mga Elders dito.

__

End of Chapter 18

Yuri The Adventurer (ONGOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin