Chapter 27

367 51 8
                                    

Dahil sa pangungumbinsi ni Esmeralda Kay Yuri ay napapayag rin ito. Ang dahilan rin kung bakit pumayag si Yuri ay gusto niyang makita ang mga pinuno ng ibat ibang noble clan at mga mayayamang adventurers. Gusto rin niyang masaksihan ang mga isusubasta ng mga ito at ang dahilan rin ay malaki pa ang kaniyang oras kaya pumayag ito.

Kasama ni Yuri si Stella upang ito'y maging kaniyang taga-gabay.

Papunta na ang dalawa sa subastahan dahil magsisimula na ito. Nang makapasok na sina Yuri ay nakita niya ang napakaraming mga adventurers. Dahil sa naka VIP si Yuri ay pumunta ito sa taas ng subastahan kung saan kasamang nakaupo ang mga pinuno ng ibat ibang noble clan, mayayaman, at mga malalakas na adventurers.

Nagtaka naman ang mga adventurers dahil hindi nila kilala ito. Nagtaka rin sila dahil hindi mabasa ang ranggo ni Yuri ni makita ang kaniyang mukha. Dahil ayaw ni Yuri na may makakilala sa kaniya ay nagsuot ito ng maskara para hindi siya makita.

Magsasalita sana ang kaniyang katabi ng bigla nalang may nagsalita.

"Magandang gabi mga adventurers, at ngayon sisimulan na natin ang inyong pinakahihintay na subasta." Sigaw ng isang babaeng host sa entablado. Naghiyawan naman ang mga adventurers dahil nasasabik nang malaman ang mga isusubasta dito.

"Ayon kay Binibining Esmeralda, may apatnapung tayong isusubasta ngayon. At ang mga ito ay hindi basta bastang nakikita sa lungsod na ito. Dahil pareho tayong nasasabik na makita ito ay hindi na natin papatagalin. Simulan na ang unang subasta." Sigaw ng babaeng host.

"Unang isusubasta ay isang malakas na scroll. Tinatawag itong Fire Blizzard Technique na kung saan nanggaling pa ito sa Royal Clan ng Primus Kingdom. Unang halaga nito ay nagsisimula sa isang daang gold coins.

"Isang daang limampung gold coins."

"Dalawang daang gold coins."

"Tatlong daang gold coins."

Nakita ni Yuri na sobrang pursigidong mga ng mga adventurers ang scroll. Hindi naging interesado si Yuri dahil hindi lang sa madami ng mga scroll si Yuri ay alam din niyang isa lang itong mababang uri ng scroll.

"Sampung libong gold coins."

Natahimik na ang mga adventurers dahil malaki na rin ang mga halaga ng kanilang pinupusta.

"Wala ng magdadagdag? Kung gayon ang pinuno ng Phoenix Noble Clan ang nakakuha ng napakagandang scroll na ito. At sa pagkuha ng inyong napalunan ay maaari lang kayong pumunta sa likod ng ating subastahan.

Tumagal ng mahigit limang oras ang subastahan na pinasukan ni Yuri. Pero sa mga ipinakitang sinubasta dito ay wala pa siyang naging interestado. Alam niyang lahat ng naipakita ay isang mababang uri para sa kaniya. Nagtaka rin ang mga adventurers dahil siya kaniyang kilos na ipinakita.

"Siguro ay wala itong pera dahil ni isa wala pa itong binili gayong nakaupo pa siya sa itaas kung saan para lang ito sa mga makapangyarihang adventurers."

"Baka nga isa lang iyang mahirap na adventurer."

"Siguro bibilhan ko nalang siya ng mababang uri ng isusubasta dahil may kunting awa naman ako sa kaniya."

Isa ito sa mga sinasabi patungkol kay Yuri pero kahit rinig na rinig niya ito ay pinabayaan pa rin niya.

Nag-alala na rin si Stella kay Yuri kaya hindi na ito nakapagpigil. "Ginoong Yuri hindi po ba ka-." Naputol ni Stella ang kaniyang sinabi kay Yuri.

"Wala pa akong naiinteresaduhan sa kanilang ipinakita. Paumanhin." Maikling sabi ni Yuri sa babae. Napahinga nalang si Stella dahil wala naman itong karapatan sa gusto ni Yuri.

Yuri The Adventurer (ONGOING)Where stories live. Discover now