Chapter 58: Kiss

1.9K 95 11
                                    

DEIL'S POV

"Hey guys do you think na tamang iwan natin silang dalawa dun sa kwarto? Baka magkarambulan pa yung dalawang yun eh" sabi ko na medyo nag aalala din kay Zey

Umiling naman si Pier

"Okay lang yan, ito lang din nakikita kong paraan para di na magbangayan ng magbangayan yung dalawang yun" sagot sakin ni Pier

"Tsaka isa pa, pag nalaman ni Liam na pinlano to, si Pier yung mananagot hindi tayo" singit ni Carl na sinundan pa ng tawa ng batukan siya ni Pier

Pinlano kasi ni Pier tong kunwaring brownout tapos dinamay nya lang kaming tatlo, kaya yari talaga kami kay Liam pag nagkataon, malamang pati na din kay Zey

"It's okay, don't worry about Zey. Masyadong mataas ang pride ni Liam para gawan ng masama si Zey sa kabilang kwarto" bulong sakin ni Henz na katabi ko, nginitian ko lang sya tapos kinuha yung cellphone ko para tignan kung anong oras na, mag aalas tres na pala ng umaga hindi pa din kami nagsisitulog, may pasok pa naman kami bukas

"Balik na ba tayo sa kabila? Baka makahalata na si Liam na antagal natin"sabi ni Carl kay Pier

Umiling si Pier habang nakangisi

"5mins pa tsaka natin ibalik yung kuryente."

Napailing na lang kami ni Henz at nag antay na lang ng limang minuto bago muling bumalik sa kabilang kwarto, medyo humuhina na din yung ulan sa labas at binalik na din ni Pier ang kuryente. Pagbukas namin ng pinto ng kwarto kung asan sila Zey at Liam, naabutan naming nakasalampak sa sahig si Liam habang sapo sapo ang kabilang pisngi

"What the? What the hell happened?"tanong ni Pier at lumapit kay Liam

"That stupid bitch punched me!"sigaw ni Liam na galit na galit ang mukha

Lumapit naman ako kay Zey na medyo namumula at galit din na nakatingin kay Liam

"Zey? Anong nangyari?"tanong ko

Tinaas lang ni Zey ang middle finger nya kay Liam tsaka sinabing..

"Perv."

Lahat kami nanlalaki ang matang napatingin kay Liam na nakikipagtagisan pa rin ng tingin kay Zey

"Wait? What? Anong perv? Liam's a perv?" naguguluhang tanong ni Henz na maski ako ay naguguluhan din

"No I'm not. Aksidente lang yun!" sigaw ni Liam tsaka tumayo at tinabig ang pagkakahawak sa kanya ni Pier tsaka nilapitan si Zey at dinuro

"Pagbabayaran mo yung ginawa mo sa mukha ko." sabi nya

"Can someone explain kung ano nangyari? Zey? Liam?" medyo iritang tanong ni Henz

"Your perv and asshole friend.. Kissed me." sabi ni Zey

Nanlaki naman ang mata naming lahat tsaka napatingin ulit kay Liam

"You did that bro?" tanong ni Carl

"Don't call me bro. And I told you. Aksidente yun! Hindi ko nakita kasi madilim tsaka kasalanan mo kasi lumalapit ka!" sigaw nya kay Zey

"Sabi ko na dapat hindi nyo na tinuloy yung plano eh" bulong ko kay Henz na medyo kinakabahan

"Anong plano?"tanong ni Zey na ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kanilang apat

'Send helpppp'

"Anong plano yung sinasabi mo Deil?"

"Zey... S-sorry.. Pier planned this brownout... Sorry I didn't want to leave you here with Liam tho, pero sabi ni Pier magandang paraan daw to para makapag ayos kayong dalawa tsaka hindi na magbangayan.. Sorry" naluluhang sabi ko kay Zey habang walang emosyon syang nakatingin sakin habang si Liam naman ay galit na tumingin kay Pier

"Wait wait.. Bago ka magalit just thank me ok? Atleast nakakiss ka--" hindi na natapos ni Pier ang sasabihin nya kasi sinuntok sya ni Liam kaya napaupo sya sa sahig, napatili naman ako at napatakip sa bibig. Lumapit naman si Henz kay Liam para pigilan sya

"I'm not like you! Wala kang karapatan makatanggap ng thankyou mula sakin!"sigaw nya

"Pati na rin kayo!" turo nya kay Henz at Carl tsaka tuluyang lumabas ng kwarto at umalis sa bahay ni Pier ng walang paalam

Napatingin naman ako kay Zey na nakayuko, maya maya ay tumingin sya sakin tsaka lumipat ng tingin kay Pier

"Irereserve ko na lang suntok ko para sayo.. Tara na Deil" sabi ni Zey tsaka lumabas ng kwarto, napatingin muna ako kila Pier, Henz at Carl bago sumunod kay Zey

-------------------

LIAM'S POV

Fuck Pier! Fuck them!

Inis na nahampas ko ang manibela ko bago bumaba ng kotse tsaka umakyat ng kwarto ng makarating ako sa bahay, ayokong umuwi sa condo baka makita ko pa yung pangit na babaeng yun

Pagdating ko sa kwarto dumiretso agad ako sa cr para maligo..

Pagtapos ko mag ayos nahiga na ko sa kama at hindi pinansin ang kanina pang tumutunog na cellphone ko, malamang si Henz yan or kung hindi si Henz baka si Mond, if ever na nasabi na nila kay Mond yung nangyari.

Ba't kasi nagpaplano pa sila ng ganun..

Oo nakatulong para makapag usap kami ng maayos ni Zey pero... Ba't kasi nangyari pa yun....

Nakatingin lang din sya sakin na parang inaalisa ako..

"Why?" tanong ko ng unti unti syang lumalapit sa mukha ko

"I think you have something in your face.." sabi nya tsaka tinuro yung kaliwang pisngi ko, hinawakan ko yun tsaka tinanggal yung sinasabi nyang something

"Just a sauce..." bulong ko tsaka muling bumaling ng tingin kay Zey pero mukhang wrong move yung ginawa ko....

Nanlaki ang mata ko sa nangyari..

We kissed.

Agad akong tinulak ni Zey palayo tsaka tumayo kaya tumayo din ako na nanlalaki pa din ang mata, nagulat na lang ako sa ginawa nya.. She punched me.. So hard, and the next thing I know? May kuryente na.

Napapikit ako ng mariin tsaka nailing..

Humanda talaga sakin yung babaeng yun sa pagsapak nya sakin.. She cut my precious lips. Tsk.

Pinatay ko na ang ilaw tsaka pinilit na makatulog kahit na sobrang inis na inis pa din ako sa nangyari ngayong araw. Pag iisipan ko pa kung anong ipaparusa ko sa tatlo, because of what they did. Pero bukas na lang..

Haynako.

---------

AUTHOR'S NOTE:

Later ulit ang update... 😙

Btw follow nyo ko sa tiktok 😁 nasa profile ko yung UN tenchuuuu 🧡

enjoyyy reading!!!

Weston High | On HoldWhere stories live. Discover now