Chapter 19.2

16.4K 463 26
                                    

LIAM'S POV

Nakayuko lang ako sa desk ko ng may biglang sumigaw ng pangalan ko at napatayo ako.

"Bakit?"tanong ko

"Pinapatawag ka ng director sa office.."

Tsk.Di pa pala nabalik ng US si Lolo?

Tumayo ako at naglakad palabas ng room hanggang sa makarating ako sa office.

Walang katok na pumasok ako sa loob kaya napatingin sakin si Lolo

"Wala ka talagang galang na bata ka.."mahina niyang sabi bago ako pina-upo

"Bakit?"tanong ko sa kanya

"Humingi ka ng tawad.."

Napatingin ako sa kanya bago tumaas ang kilay ko

"To whom?"

"Ms. Anderson.."

Mahina naman akong natawa

"Ba't ako mag-sosorry kung siya naman ang nauna?"

"Liam.."mariin na bigkas ni Lolo sa pangalan ko

"I need her father para mag-survive ang kumpanya..You know that I can't lose that.."

Umiling ako bago tumayo

"No...Hindi ako hihingi ng tawad sa kanya.."sabi ko at naglakad na palabas ng office

Napabuntong hininga na lang ako paglabas bago naglakad pabalik sa room.

----

ZEY'S POV

"Ang weird naman.."bulong ni Deil kaya napatingin kami sa kanya.

"Bakit naman?"tanong ni Diel

"Eh kasi parang iwas na iwas na sa'tin yung mga estudyante tapos parang...Ay nako ewan ko ba.."

Mahinang natawa si Diel

"Baka dahil kumalat na yung balita?"

"Balita?"tanong ko sa kanila

"Alam na kasi nila na anak tayo ng mga mayayaman."sagot ni Deil

Nagtataka ko naman siyang tinignan

"Bakit?Mahirap ba tayo kung mag-aaral tayo dito?"tanong ko sa kanila

"Bakit?Pwedeng mag-aral ang mahirap dito.Tignan mo si Yumi.."sagot ni Diel

Pinalo naman siya sa braso ni Deil ng malakas kaya napa-aray siya at hinimas ang braso

"Yumi.."

Napatingin ako sa likod..

Ngumiti si Yumi tapos naupo sa tabi namin.

"Kamusta?"tanong niya sakin

"Okay lang."sagot ko sa kanya

Tumango naman siya bago nginitian si Diel at Deil

"Ba't nga pala hindi ka na nakapunta kahapon sa ospital Yumi?Ang sabi mo susunod ka?"tanong ni Deil

Nagkibit balikat si Yumi

"May inasikaso lang ako..Sorry."

Kumunot ang noo ko..

Hindi na siya nauutal?Bago yun ah?Nag-gain na ba ng confidence yan?

"Ahh.."tango tangong sabi ni Deil

Nang mag-bell na ay nagtayuan na kami at bumalik sa room..

---

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon