Chapter 18: Revenge

16.9K 530 30
                                    

ZEY'S POV

Hindi ko alam kung matatawa ako o ewan eh.

Pagkapasok ko kasi sa gate pa lang ng Weston High,nagbulungan na agad ang mga estudyante at parang gulat pa dahil pumasok ulit ako.

"Zey..."

Napatingin ako kay Diel

"Oh?"

Nginuso niya ang nasa likuran ko.

Napatingin naman ako dun at nakita ko si Mond na sumenyas na mag-usap daw kami sa labas.

Tumango ako bago nagpaalam sa kanila na lalabas muna.

"Bakit?"tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng canteen at nasa medyo tagong lugar kami.

"Tatlong subject ang walang klase mamaya..Pwedeng pwede niyong gawin ang napagplanuhan sa oras na ginawa nila sa inyo yun.."

Tumango ako sa kanya

"Eh,yung Hari nyo?"

"Don't worry.May battle kami after nito.Actually paalis na kami,sinadya lang talaga kita rito para sabihin yun"

Tumango ako bago siya nagpaalam na aalis na

Sakto namang papasok na sana ako ng makasalubong ko ang grupo nila Misty

Nakataas ang kilay nitong tumingin sakin.

"Well the bitch is here again?!"

Napairap ako

"Diba pangalan ng grupo niyo yan?Why use it to us?"kalmadong tanong ko

Mahina naman siyang natawa at lumapit sakin

"Kung ako sayo,hindi na ako babalik eh.Kasi mas lalo ka lang maghihirap kung babalik ka dito."nakangisi niyang sabi

Natawa naman ako at dumiretso ng tayo

"Ang kaso...Hindi ako..Ikaw"marahan kong sabi bago binangga ang balikat nya at naglakad papasok ng canteen at saktong pagdating ko sa table ay siyang pagbell hudyat na tapos na ang break time.

"Ready?"tanong ko sa kanila

Nagtanguan naman sila bago sabay sabay na naglakad palabas ng canteen

"Ayun sila.."bulong ni Yumi

Napangisi ako at binilisan ang lakad saka humarang sa kanila

"What the?!"

"Well...It's our time to pay back bitches.."sabi ko

Natawa naman si Misty at nagpumeywang sa harap ko

"You really think na makakaganti ka samin?Ha!As you wish bitch!"

"Yeah~As she wish.."sabat ni Diel bago pasabunot na hinila si Misty papunta sa gymnasium

"Misty!!"sabay sabay na sigaw ng alipores niya

Gaya ng ginawa ni Diel ay ganun din ang ginawa ni Yumi at Deil sa dalawa sa kanila

Takot namang napatingin sakin yung dalawang naiwan at akmang tatakbo paalis ng hilain ko ang mga uniporme nila

"Hep!San kayo pupunta?"tanong ko sa kanila

"B-bitch!"nanginginig na sigaw ng isa

"Hmmm?Calling yourself huh?"

Iiling iling na hinila ko sila papuntang gym at saktong may mga estudyante dun at hanggang sa maitulak ko yung dalawa ay padami ng padami ang estudyante at sa tingin ko ay nagtawag na ang mga ito dahil sa eksena na mangyayari.

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon