Chapter 19.3

16.3K 507 8
                                    

DEIL'S POV

"Hayys..Bakit kasi ganito ang nangyayari sa buhay ko ngayon eh"bulong ko

Natawa naman si Yumi bago dinampot ang kalat

Nandito kasi kami sa isang room,sinadya ata talaga ng director na wag paglinisin ang mga janitor ng campus.

Hmp!

"Tiis tiis lang yan Deil.."

"Buong 2nd floor kaya na room ang lilinisin natin.."

Napatango lang si Yumi

"Bale bukas..Kayo naman ni Diel ang magkasama,kami muna ni Zey magsasama bukas.."sabi niya

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang paglilinis

"Pero alam mo,parang retreat na rin natin to kasi for the whole month..Dito tayo matutulog.."

Tumango siya bago ngpunas ng pawis

"Oo nga eh,buti na lang napakiusapan ko yung Tiya ko na bantayan muna si Nanay tuwing gabi dahil wala ako.."

Napatigil naman ako at napatingin sa kanya na patuloy lang sa ginagawa

"Diba nasabi kong scholar ka dito?That means nagpa-part time ka?"tanong ko sa kanya

Tumango naman siya

"Tuwing hapon hanggang gabi ang schedule ko diyan lang sa malapit na karendirya,panatag ako na magtrabaho dun kasi alam ko namang wala ni isa na taga-Weston high ang kakain sa ganung lugar..Pero dahil nga sa parusa na to,nagpaalam muna ako sa amo ko na kung pwede next month na lang ulit ako pumasok.Buti na lang mabait yun at pumayag."

Tumango tango ako

"Eh yung nanay mo?"

Nagkibit balikat siya bago tumigil sa pagpulot ng kalat at naupo sa isang silya

"May sakit si Nanay sa puso.Ako lang ang nagbabantay sa kanya,hindi ko na siya pwedeng pagtrabahuin pa dahil baka lumala pa ang lagay niya."sabi ni Yumi

"Bakit?Wala bang nagagawa ang tatay mo sa inyo?"

Natigil siya sa tanong ko at hindi umimik kaya nabahala ako

"T-teka..May nasabi ba kong mali?"tanong ko sa kanya

Tumingin naman siya sakin bago natawa ng mahina at nailing

"Wala.."

Tumango na lang ako at hindi na ulit tinanong pa ang tungkol sa tatay niya at nagpatuloy ulit kami sa ginagawa namin.

----

HENZ'S POV

"Tsk.Alam mo,hindi ko talaga maintindihan eh.."

"Ang alin ba?"tanong ko kay Pier na kanina pa sinasabi ang linya na yun

"Ahhh ewan basta!"

Napabuntong hininga na lang ako at tinigil ang pag-map sa sahig

"Isa pang salita mo Pier hahampasin kita nitong Map makita mo lang."

Ngumiti lang siya at nag-peace sign

Napailing na lang ako at nag-map ulit

"Kasi dre...Mayaman pala talaga yung mga yun?Pakshit!Nung una pa lang naman halata mo na talagang mayaman sila dahil sa kutis at mukha nila pero yung ganung kayaman dre?Pucha!"

Sinamaan ko ng tingin si Pier

"Gawin mo na nga lang yung pinapagawa sa'tin.Maghahanap pa tayo ng pwestong tutulugan natin eh"

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon