Chapter 14: Unite

18K 505 23
                                    

DIEL'S POV

Nang tumunog ang bell ay sabay kaming lumabas ng clinic ni Zey at nakita namin ang papalapit na si Deil at Yumi.

"Zey..Napag-usapan pala namin ni Yumi na mag-usap usap muna tayo ngayon.Kung pwede ka.."sabi ni Deil napatingin naman ako sa seryosong mukha ni Zey na nakatingin sa kanya

"What for?"tanong niya

Napairap na lang ako

"K-kasi..P-pare pareho tayong binubully.K-kaya dapat siguro m-mag-usap usap tayo.."nahihiyang sabi ni Yumi

"Okay."sagot ni Zey at naglakad na paalis

Sumunod na lang ako bago sumunod ang dalawa.

"San pala tayo?"kapagkuwa'y tanong ni Deil ng makarating kami sa parking lot

"Kahit saan.."sagot ko sa kanya

"Hmm..Sige dun na lang tayo sa cafe malapit sa condominium natin Diel."tumango na lang ako kay Deil at tumingin kay Zey at Yumi

"Magkita na lang tayo dun.."sabi ko sa kanila

Akmang aalis na si Yumi ng hilain siya pabalik ni Zey

"Hindi.Sasabay kami sa inyo."sabi ni Zey at sumakay na sa likod ng kotse.Nakangangang nakatingin ako sa kanya

"Wala ka bang kotse?"

Hindi ako pinansin ni Zey at nagsalpak lang ng earphone sa magkabilang tenga.

"A-ako w-wala talaga.."

"Argh!What do I expect?"irap na bulong ko at pinaandar na ang sasakyan.

---

"So what now?"tanong ni Zey

"Hmm what if kung magsama sama na lang kaya tayo everyday since iisa lang naman ang grupo na nambubully satin.."sabi ni Deil

"Tss.I didn't really imagine na mabubully ako ever..Ngayon lang."sabi ko habang sumisimsim ng kape na inorder ko

"Ano naman ang mangyayari kung makita nila tayong magkakasama?"tanong ni Zey kay Deil

"They'll think na nag-unite ang apat na transferees para lang malabanan ang bullies..Exciting right?!"pumapalakpak na sabi ni Deil

Napailing na lang ako at napatingin kay Yumi

"Ikaw?Suggestions?"tanong ko sa kanya

Umiling siya habang nakayuko

"S-sanay na rin kasi a-akong mabully..N-noon pa.."mahinang sabi nito

Napataas ang kilay ko sa kanya.

"Tsk.From now on Yumi wag ka ng papayag na bully-hin ka nila,kasama mo na kami ngayon."nakangiting sabi ni Deil kay Yumi

"Okay."napatingin silang tatlo kay Zey ng magsalita ito

"Okay what?"nakataas kilay na tanong ko

"Pumapayag na ako sa suggestion ni Diel.."sabi nito

Inirapan ko siya at inayos ang buhok ko

"It's Deil..I'm Diel.Tss."maarteng sabi ko

Umirap naman siya

"Whatever."

"Well okay na tayo?Kumbaga friends?"nakangiting sambit ni Deil

"Seryoso?Bakit kailangan maging magkaibigan pa?Di ba pwedeng magsama sama lang?"iritang tanong ni Zey kay Deil

"Syempre kailangan din yun Zey.."

"Tss.Dapat ko na bang bawiin ang pagpayag ko sa suggestion mo Diel?"

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon