Chapter 29: Condition?

15.6K 429 17
                                    

DEIL'S POV

Pilit kong pinipigilan si Henz habang hinihila ako papasok sa isang room..

"Pumayag ka na kasi.."mahinahon niyang sabi at binitawan ang kamay ko

"Ayoko nga okay?"naiinis na sabi ko

"Hindi lang naman para sayo itong gagawin natin eh..Para sa reputasyon din ng section natin ito.Kaya pumayag ka na.."

"Bakit ba kasi ako lang ang pinipilit mo?Si Zey..Magaling kumanta yun,maganda din boses."mahina kong sabi

"Ikaw nga gusto ko.."

Napatingin ako sa kanya ng matagal

Mahina siyang naubo bago nagsalita ulit

"Ano?Payag ka na?"

Umiling naman ako at iniwas ang tingin sa kanya

"Bakit ba natatakot kang magperform?Nagawa mo ngang magperform nung weekend tapos mismong event sa school di mo magawa.."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya

"A-ano?Nakita mo ko dun?"

Tumango siya at ngumiti

"I and my bandmates will perform that night..Pero may mauuna daw munang magperform and I didn't expect na ikaw yun.."

Napanganga ako..

So tama pala yung hinala ko..

"Kaya pumayag ka na..Yung boses mo ang magpapanalo sa section natin.."

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko bago tumalikod sa kanya

"Hindi mo na mapapabago ang isip ko.."sabi ko at naglakad papuntang pinto pero hinarangan nya ko

"Please...Pumayag ka na..Kahit may kondisyon pa yan..I'll accept it..Kahit pa kahihiyan yung kondisyon mo.."

Napakunot ang noo ko

"Wala naman akong gustong kondisyon..Ayoko lang talaga."

Tumayo siya ng tuwid at nilagay ang kamay sa bulsa

"Edi hindi ka din makakalabas ng room na to.."

Inilingan ko na lang siya at binuksan ang pintuan..

Pero...

"Bakit nakalock??"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Henz kaya nilingon ko siya

"I told you.."kibit balikat niyang sabi habang nakangiti

Sinamaan ko siya ng tingin

Bwisit na unggoy!

~~~~

YUMI'S POV

"Ano kayang kailangan ni Henz kay Deil?Bakit niya hinila palabas ng cafeteria si Deil?"tanong ko kay Diel na kasabay kong maglakad pabalik ng room

"Sasapakin ko talaga si Henz pag may ginawa siyang katarantaduhan sa kapatid ko."sagot niya lang

Hindi na lang ako nagsalita

Nang makarating kami sa room ay saktong dating naman ng teacher namin pero wala pa si Henz at Deil

Napatigil ang pagdi-discuss ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nakangiting si Henz at si Deil na nakayuko sa likuran nito

"Sorry ma'am we're late.."sabi ni Henz at naupo na sa upuan

Si Deil naman ay naupo na din sa tabi ko

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon