Chapter 53: Save

7.7K 241 179
                                    

YUMI'S POV

"Sige na i-solve mo na ulit. Kaya mo naman yan."sabi ko at inabot ang papel na sinulatan ko ng examples tsaka sinagutan yung isang equation na di nya masagutan

Napatingin ako kay Pier ng hindi nya abutin ang papel at nakatitig lang sya sakin.

"B-bakit?"naiilang na tanong ko

Niliitan naman nya yung mata nya tsaka medyo lumapit sakin.

"Hindi pa din ako makapaniwala na ikaw yung kinuha ni mameng na tutor. Akala ko naman yung pwede kong paglaruan tapos aalis na agad, gaya nung dati."sabi nya

Napaiwas naman ako ng tingin at naalala na naman yung pagdating nya nung araw na yun

"I'm home."rinig kong sigaw ni Pier sa labas

Ngumiti naman ang mommy ni Pier tsaka tumayo at sinalubong ito

Napayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kamay dahil sa kaba.

"Where is SHE?"tanong ni Pier na parang excited makita ang tutor nya

"She's in the living room honey."sabi ng mommy nya

Napaangat naman ang ulo ko at tumayo tsaka humarap kay Pier

"H-hello."nauutal na sabi ko

Napatigil naman sa paglalakad si Pier tsaka napanganga bago ako ituro tapos tumingin sa mommy nya tapos binaling ulit sakin yung tingin.

"Ikaw? Bakit ikaw?"nagtataka na tanong nya

"Bakit hindi?"biglang singit ng mommy ni Pier tsaka hinila ito at pinaupo sa sofa na kinauupuan ko. Dahan dahan naman akong umupo at yumuko.

"Mameng naman,sabi ko ayoko ng tutor eh. Tsk."kamot ulong sabi ni Pier

"Yumi?"napaangat ang ulo ko ng tawagin ako ng mommy ni Pier

"P-po?"tanong ko

"Pwede ka ng magstart ng turo anytime,may business pa kasi akong pupuntahan tomorrow and hindi ko alam kung kelan ako makakabalik kaya hindi ko kayo mababantayan na dalawa. So just call me if Pier did something wrong with you okay?"nakangiting sabi nito

Tumango naman ako at ngumiti din tsaka tumingin kay Pier na nakatingin sakin

"I thought it was a chic. Tsk."bulong nya na narinig ko

Napangiti na lang ako tsaka nailing

"S-sagutan mo na nga lang yan."sabi ko sa kanya at inilapag ang papel tsaka ballpen

Ilang araw na nung magsimula akong magtutor sa kanya and nagkaron kami ng kasunduan ni Pier na walang ibang makakaalam nito kung hindi kaming dalawa lang. Ewan ko kung bakit pero pumayag na lang din ako, ayoko din kasi malaman na pamilya na ni Pier ang magbabayad ng tuition ko.

"Done."sabi nya tsaka binalik sakin ang papel at nahiga sa kama nya

Chineck ko naman ang papel pero ganun pa din. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan sya

"Mageexample ulit ako sayo,umupo ka. Makinig kang mabuti."sabi ko

Umiling naman sya

"I want to take a break for a minute, kanina pa tayo dyan eh. Nasakit lang ulo ko."sabi nya at pumikit

Wala na kong nagawa kundi antayin na lang syang umupo ulit mula sa pagkakahiga nya

Abala ako mula sa pagbabasa ng libro ng bigla syang umupo kaya napatingin ako sa kanya

Weston High | On HoldWhere stories live. Discover now