Chapter 52: The Plan

4.1K 159 13
                                    

ZEY'S POV

Baliw talaga tong Liam na to kahit kelan. Pagkamalan ba naman akong tomboy. Tsk.

Kakauwi ko lang sa condo ng biglang may nagdoorbell.

Wala naman akong inaasahang bisita ng gantong oras. Sino namang tanga ang pupunta dito? Baka masapak ko.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang isang Xaymond Flain na nakangiti

"Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok sa building? Wala kanh unit dito kaya wala kang karapatan."sabi ko

"Sinong may sabing wala?"sabi nya at dire-diretsong pumasok sa loob ng condo ko

Napairap na lang ako at sinarado ang pinto.

"Ano bang kailangan mo?"tanong ko sa kanya

Nagkibit balikat sya at naupo sa sofa

"How's Mazzie?"

Napataas ang kilay ko sa tanong nya

"Ba't mo tinatanong? Still into her huh?"sabi ko sa kanya at naupo din sa katapat nitong sofa

Umiling sya at natawa

"I'm just asking.. By the way. Wala akong kaibigan sa campus and wala akong ibang kilala dun except you kaya sayo lang ako didikit lagi."sabi nya

Natawa naman ako at napailing

"At sinong may sabi na papayag ako? You know Liam and the whole gang. Why don't you hang with them?"

Tumingin sya sakin na parang di makapaniwala

"Are you serious? Magka-away kaya yung grupo namin and I know how Brugger hates me.. So damn much Zey."

Natawa na lang ako sa sinabi nya tsaka tumayo sa pagkakaupo sa sofa

"Time to go home. Umuwi ka na sa lungga mo."sabi ko sa kanya

Tumayo naman na sya at ngumiti sakin

"Basta sayo na ko didikit lagi ha"turo nya sakin habang hinahatid ko sya palabas

Inirapan ko lang sya at hindi sumagot.

Binuksan ko ang pinto at sakto naman na andun si Liam,Mond,Pier at Henz sa labas, sa harap ng condo unit ni Liam.

Nakakunot noo na nakatingin sila samin ni Xaymond.

Lumabas na si Xaymond at nagpaalam sakin.

Tumingin muna sya sa apat bago umalis.

Tumingin naman ako sa katabing unit ko at nginitian sila. Pilit na ngiti.

"May meeting kayo?"tanong ko sa kanila

"What the hell is he doing in your condo?!May ginawa kayo noh?"sigaw ni Liam na kinagulat naming apat

"Idiot."bulong ko at umiling tsaka lumabas at tumabi kay Mond dahil sya yung kaharap ni Liam habang si Pier at Henz naman ay nasa right side ng pintuan.

"Nag usap lang kami. May ginawa ka dyan. Tomboy nga ko diba? Sabi mo. Tsk. Tapos may gagawin. Anong kakupalan mo yan Liam?"irap na sabi ko sa kanya

"Kahit na tomboy ka! May ano ka pa din noh!"sigaw nya

Napangiwi naman ako

"Pwede ba? Wag ka nga sumigaw. Baka maglabasan na naman yung mga kapitbahay. Tsaka tigil mo yang kakaisip mo ng ganyan. Baka masapak kita."naiinis na sabi ko sa kanya tsaka naglakad na papasok ng condo unit ko. Tsk. Nakakainis na lalaki yun.

-------

MOND'S POV

"Ano bang ginagawa nung kupal na yun sa condo ni Zey? Tsk."inis na sabi ni Liam tsaka tumingin samin

"Bukas na tayo sa school mag usap. Nawala na sa isip ko mga sasabihin ko sa inyo. Magsi-uwi na kayo."sabi nya at akmang isasara na ni Liam ang pinto ng pigilan siya ni Pier

"Teka teka! Pinapunta mo kami ng gantong oras. Gabi na Liam tapos wala kang sasabihin? Di mo ba alam na nadistorbo mo kami ng kadate ko kasi sabi mo importante? Tapos nawala lang sa isip mo?! Liam naman!"naiiyak na sabi ni Pier

Pero sinamaan lang siya ng tingin ni Liam kaya tumahimik sya at tumalikod kay Liam

"Agahan nyo na lang bukas pumasok. Dumiretso kayo sa hideout. Dun tayo mag uusap."sabi ni Liam tsaka tuluyang sinara ang pinto

Umalis naman na kaming tatlo at umuwi na. Habang nagdadrive naiisip ko pa din kung ano yung iniisip ni Liam kanina pa. Ano kayang ginawa ni Xaymond sa condo ni Zey? Bakit sya nandun? Ano ba talagang pakay ni Xaymond kay Zey? Talagang pumasok pa sya sa Weston High para lang mahanap at mapalapit kay Zey.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang nagdadrive.

Hindi pwedeng mapalapit masyado si Zey kay Xaymond. Baka mapahamak lang lalo si Zey.. Kailangan kong bantayan si Zey kay Xaymond.

Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako kaya dumiretso na ko agad sa kwarto pagkapasok sa bahay tsaka natulog.

Kinabukasan hindi na ko nag almusal pa at pumasok na agad sa school dahil may pag uusapan daw kaming apat na importante. Gaya ng sabi ni Liam kagabi.

Pagkarating ko sa hideout nandun na silang tatlo at ako na lang ang inaantay.

"Ang tagal mo naman Mond. Nambabae ka pa kagabi noh kaya late ka nagising?"sabi ni Pier

Sinamaan ko lang sya ng tingin tsaka binaling ang atensyon kay Liam na mukhang hindi nakatulog kagabi dahil sa lalim ng eyebags nito.

"Kailangan natin malaman kung anong pakay ni Xaymond Flain dito sa Weston at kay Zey."sabi ni Liam tsaka tumingin sakin

"Manmanan mong maigi si Flain. Si Henz at Pier naman ang uutusan ko para sa tradisyon ng school. Gaya ng dati, magpatulong kayo sa ibang members ng B7 at sa bitches kung maari. Make it worst. Gusto ko yung aalis na sya ng tuluyan dito sa eskwelahang to."dagdag pa nito

"Teka, mukhang mahirap gawin yan Liam. Bubully-hin natin yung anak ng isang Mafia tapos may alam sa pakikipaglaban? Hindi kaya magfail to? Mas lalo lang syang maeengganyo sa eskwelahan dahil dito."sabi ni Henz

"Tradition is a tradition. Gawin nyo na lang. Let's see kung anong magiging reaksyon nya. Ilalayo ko din muna sya kay Zey, baka may kung anong balak syang gawin sa tomboy na yun."sabi ni Liam tsaka tumayo

"Aalis na ko. Susunduin ko muna si Zey."sabi nya tsaka umalis na ng hideout

"Tsk. Sigurado na ba talaga sya sa plano nya?"tanong ni Pier

"Sumunod na lang tayo."sabi ni Henz tsaka sabay silang umalis na din.

Naiwan akong mag isa habang nag iisip kung pano malalaman kung ano talagang pakay ni Xaymond dito at kay Zey.

Malakas na bumuntong hininga ako tsaka umalis na ng hideout pero bago pa ko makaalis sa building ay nakita ko ang nakatayo na bulto ni Xaymond.

Ngumiti sya sakin tsaka lumapit.

"Galingan mo sa pagmanman sakin ha... Hindi pa naman ako easy na tao."natatawang sabi nya tsaka biglang seryosong tumingin sakin

"Kung ano man ang ginagawa ko dito, wala na kayong pake dun. Kung ano man ang pakay ko kay Zey Anderson. Akin na lang yun. Kaya kahit anong gawin nyo, kahit bugbugin nyo pa ko wala kayong magagawa. That plan of Liam is exciting though. Mas mukhang gugustuhin ko na lang talaga na magstay dito sa Pinas kesa umuwi ng U.S"sabi nya tsaka umalis na

How the hell did he know about that?

Fck! Kailangan tong malaman ni Liam.

------

AUTHOR'S NOTE!!!!

SORRY SA TAGAL NG UD!! TAGAL KONG NATULOG NOH? CHARRR 😂 HAPPY READING YA'LL!! TIGNAN KO PA KUNG MAKAPAG UD AKO LATURRR. LUVLOTSSS 💓 INGAT KAYO SA KANYA KANYANG BAHAYYY!!

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon