Chapter 23: Revenge?

16.5K 510 9
                                    

ZEY'S POV

"Matagal pa ba sila?"tanong ko kay Yumi

Tinignan naman nito ang cellphone niya bago tumingin ulit sakin

"Ang sabi sakin kanina ni Deil,tatapusin lang nila yung klase saka nila tayo susunduin dito sa ospital.."

Napatango na lang ako at humiga ulit saka pinikit ang mata

Kahit na kanina pa ko naiinip dito kailangan ko pa din silang antayin...

"Oh?Deil..."

Minulat ko ang mata ko ng marinig ko si Yumi at umupo

"Bakit ang tagal nyo?"medyo naiirita na tanong ko

"Wag ka nga!Buti nga napakiusapan namin yung director na wag ipaalam sa mga magulang mo.."sabi ni Diel

Tumango na lang ako at tumingin kay Mond

"Aalis na ba tayo?"tanong ko

Tumango naman siya

"Ako na lang magbabayad ng bills mo.."sabi ni Mond at lumabas na ng kwarto

"Anong mangyayari sa parusa?"tanong ko sa kanila

"Ang sabi ng director ititigil na niya yung parusang paglilinis natin sa campus kasi magbibigay siya ng panibagong parusa.."sagot ni Deil

Napabuntong hininga naman ako

"Kasalanan talaga to ni Liam at ni Misty eh!"nanggagalaiting sabi ni Diel

"Ano naman kaya ang ipapalit na parusa ng Director?"tanong ni Yumi

"Yun ang hindi namin alam...."

----

LIAM'S POV

Pinark ko agad ang motorbike ko ng makarating ako sa parking lot ng ospital at naglakad patungo sa elevator..

Nang makarating ako sa floor kung saan naroon si Zey ay tumigil ako ng makita si Mond na papasalubong sa direksyon ko habang nakatingin sa papel na hawak kaya mabilis akong nagtago para hindi niya ako makita..

Pumasok siya sa di kalayuang kwarto mula sa pinagtataguan ko kaya mukhang yun ang kwarto ni Zey at ang hawak ni Mond ay ang bills ni Zey na binayaran na..

Hindi na ako nag-abalang umalis mula sa pwesto ko at maya maya lang ay nakita ko na silang lumabas na lima..

Napatitig ako kay Zey

Okay naman na siya hindi katulad nung isang araw..

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng tumunog yun..

"Hello?"sagot ko sa tawag ng hindi tinitignan ang caller at nanatiling nakatingin sa papalayong bulto nina Zey

"Where are you Liam Jin?"

Napabuntong hininga na lang ako..

"Lo..."

"Umuwi ka na ngayon din kung hindi..."

"Oo na!Oo na.."

Pinatay ko na ang tawag at mabilis na nagtungo sa parking lot...

----

"Ano na naman ba yun Lo?"bungad na tanong ko ng makarating ako sa bahay

Nakaupo siya sa sofa at umiinom ng kape

"Humingi ka ng tawad kay Zey..."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya

"And why would I?"

Weston High | On HoldWhere stories live. Discover now