Chapter 42: Nagseselos ka ba?

15.8K 443 142
                                    

ZEY'S POV

"Ano ba!Bitawan mo nga ko!"sigaw ko habang hinihila ako ni Liam palabas ng campus

"San mo ba ko dadalhin ha?!"

Marahas niyang binitawan ang braso ko ng makarating kami sa parking lot.

Nagtataka ko siyang tinignan

Bakit ba sobrang galit na galit siya ngayon?Ano na naman bang pinuputok ng butchi nito?

"Ano ba talagang problema mo ha?"tanong ko sa kanya

"Nakita ko kayo.."

Kumunot ang noo ko

"Nino?"

"Kayo ni Mond!"sigaw niya kaya napaatras ako dahil sa sobrang lakas nun

"Oh?Ano ngayon?Wala naman kaming ginagawang masama?"nagtatakang tanong ko sa kanya

"He's sleeping on your lap.Tapos sasabihin mong wala kayong ginagawang masama?"galit na sabi niya

Mas lalo pang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya

"Anong masama dun?Saka kasalanan ko ba kung masiyadong feeling close yang kaibigan mo?Siya ang pagsabihan mo hindi ako."sabi ko at akmang babalik na sa loob ng hilain na naman niya ko paharap sa kanya

"Ano ba?!"inis na banggit ko

"Still dapat hindi mo siya hinayaang gawin yun!Hindi mo dapat siya pinahiga sa lap mo!"

Mahina akong natawa

"Bakit ba masiyadong big deal para sayo ng paghiga niya sa lap ko?Sabihin mo kung gusto mo ding mahiga sa lap ko..Ibibigay ko naman sayo kahit ilang oras pa."

Natigilan siya at biglang kumunot ang noo.

"What?!"

"Nagseselos ka ba?"

----

LIAM'S POV

"Nagseselos ka ba?"

Humagalpak ako sa tawa at sinapo ang tiyan ko.

"Are you kidding?"natatawang tanong ko at kumunot lang ang noo niya

Sa totoo lang hindi ko din alam kung ano yung mga pinagsasasabi ko kanina kaya dinadaan ko na lang sa tawa yung sinabi niya..

Hindi ko rin kasi maintindihan yung sarili ko kung ano ba talagang nangyayari at bakit ko ginagawang big deal ang paghiga at pagtulog ni Mond sa lap ni Zey.

"Mamatay ka sana kakatawa mo diyan.."bulong ni Zey peri dinig ko pa din

Tumigil ako sa pagtawa at sumeryoso ang mukha.

"Wag kang masiyadong assuming diyan..Liam Jin Brugger will never like you nor love you..Kaya wag ka ng umasang magiging nobya ko dahil wala ka na talagang pag-asa na makuha ako.May nagmamay-ari na ng puso ko.."seryosong sabi ko

Hazel' still the one who owns my heart...

"Hindi ako nag-aassume..Binabase ko lang dun sa inaakto mo kanina.Daig mo pa kasi yung boyfriend na pinagtaksilan ng jowa."irap na sabi niya

"At yun talaga ang inisip mo?"tanong ko at muling tumawa ng malakas

"Sige tumawa ka pa..Ipagkakalat kong humingi ka ng tawad sakin at nagmakaawa.Baka nakakalimutan mo pinag-usapan natin kagabi Brugger."

Natahimik ako at napatayo ng tawid saka siya tinignan ng masinsin

"Don't you dare.."banta ko

Ngumisi lang siya ng nakakaloko

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon