Chapter 34: Deal

15.1K 452 41
                                    

Helloooo yanyankyutt!!!😊😚

-----

DEIL'S POV

"Uy Zey?Sorry talaga eh wala na kong maisip na iba pa eh..Zey..."

Bumuntong hininga si Zey ng malalim bago humarap sakin

"May magagawa pa ba ako?"

Tuwang tuwang niyakap ko siya habang natalon ako at pilit naman niya kong tinutulak palayo

"Yehey!Thank you!Thank you!"

Naglakad na ulit kami ni Zey papuntang parking lot dahil dun na kami inantay ni Diel at Yumi

"Pero alam mo ba Zey?Nagulat talaga ako sa pagpayag ni Liam kanina.Kasi sa pagkakatanda ko,sinabi nila Henz at Pier na tumigil na daw sa pagtugtog si Liam.Hindi naman nila sinabi kung bakit."kwento ko sa kanya

Napahinto naman siya at napalingon sakin

"Tumigil na?"

Tumango ako

Nanliit ang mga mata niya na parang may iniisip

Napangiti naman si Zey at inakbayan ako

"Kailan daw ba practice natin?"

Napataas ang kilay ko sa biglang asta ni Zey

"Uhh?Sa saturday daw.."

Tumango naman si Zey

"Tara na ayun sila.."turo ni Zey

Nandito na pala kami di ko man lang namalayan

------

"Pero sa tingin nyo?Bakit hihinto ang isang tao sa pagtugtog?Kung passion niya naman na yun?"tanong ni Diel ng maikwento namin ni Zey,ay ako lang pala dahil si Zey ay kanina pa parang malalim ang iniisip

"Hindi ko din alam.."sagot ko

"Baka kasi may mahalagang bagay na nawala sa kanya??Or should I say person?"biglang sabi ni Zey

"Oo ganyan din yung madalas na napapanood ko sa mga telenovela eh.Na kahit passion mo pa yun kung iisang tao lang naman ang inaalayan mo ng talent mong yun ititigil mo pa rin yun sa oras na mawala siya sa buhay mo."sabi naman ni Yumi

"Bakit ako?My boyfriend cheated on me?Pero hindi ko naman tinigil yung passion ko sa pagmomodelling?"tanong ni Diel sabay inom ng juice

"Hindi nga ba talaga?"tanong ni Zey sa kanya

Tumango naman ang kambal ko

"Kaya pala nandito ka sa Pilipinas at mas piniling mag-aral at itago ang totoong pagkatao kesa magstay sa U.S at ipagpatuloy ang career?"

Natigilan si Diel sa sinabi ni Zey sa kanya

Napatango ako

May point din siya dun

Natahimik kaming apat

"So anong plano mo?"biglang tanong ni Diel kay Zey

Nagkibit balikat lang siya

"Wala..."

-------

LIAM'S POV

Marahan kong nilapag yung bulaklak sa puntod niya

Tahimik na pinagmasdan ko lang ang pangalan niya sa lapida habang nakapamulsa

Hindi ko alam kung anong naisipan ko at pumayag ako na sumama sa banda ni Henz

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon