Chapter 3: Yumi Halters

30.7K 755 7
                                    

YUMI'S POV

Hindi kami ganun kayaman tulad ng iba.

Oo nga't may lahing amerikano ako pero di ko naman nakagisnan ang ama ko.

5 years old ako ng huli kong nakita ang Tatay ko.

"Anak aalis ka ba ngayon?"tanong sakin ni Mama ng makita akong nag-aayos.

Ngumiti ako kay Mama.

"Opo Ma.Maghahanap muna ako ng pwedeng pag-part time-an para makapag-enroll ako sa Weston sa Pasukan."

"Talaga bang papasok ka sa eskwelahang iyon anak?Masyadong mahal doon.Gusto mo magtrabaho ako anak para matutustusan ko pag-aaral mo."malungkot na sabi ni Mama.Ngumiti naman ako at lumapit kay Mama

"Ma.Wag na po kayo mag-alala kaya ko po to.Pwede din naman po akong kumuha ng scholar dun eh."

Tumango naman si Mama.

Di ko sinabi kay mama na ang pakay ko dun sa school na yun ay ang tatay ko.

Sabi kasi ng Tiya Gina ko ay isa sa mga stock holders ang tatay ko dun sa mayamang eskwelahan na yun kaya naisipan kong magtrabaho at mag-ipon para makapag-aral dun..1st year high school at 2nd year ako ay dyan lamang ako sa publikong paaralan..

Nagpunta ako kung saan saang pwedeng maghanap ng tarabaho..

"Hmmm..Yumi Halters?17 years old?Halters ka?Kaano-ano mo si George Halters?Yung sikat na business man?"nagulat ako sa tanong nung nag-iinterview sakin..

"Uhmm...D-di ko po kilala yun.."pagsisinungaling ko.

Di ko kasi pwedeng sabihin na tatay ko sya.Yun ang utos ni Mama.Dapat daw mag-usap muna kami ni Daddy tungkol dito.

Tumango naman siya at ibinigay sakin ang folder.

"Sige mag-start ka na bukas.."ngumiti naman ako at nagpasalamat..

Nagpunta ako sa isang kainan na medyo malapit-lapit sa Weston High

"Adobo po tsaka sisig.."sabi ko sa tindera..Nagsimula na kong kumain..

After kong kumain ay naglakad ako palapit sa Weston High.

Malaking Gate ang nakaharang sa eskwelahan..Hindi ka papapasukin dito kung di ka naka-Weston High ID.

Maganda ang eskwelahang ito dahil lahat ng estudyante ay papangaraping makapasok sa magarang eskwelahan na to.

"Makikita din kita Daddy..At sana makasama ka na namin ni Mama.."bulong ko..

Bigla kong naalala na bibili pa nga pala ako ng gamot ni mama kaya nagmamadali akong umalis at pumunta sa malapit na botika..

Ako si Yumi Halters..

Hindi ako mayaman at marami akong pasan na problema..

Alam mo yung pinakanakakatawa na problema ko?

Yung mabully sa loob ng school..

Isa din sa mga dahilan ko yun kung bakit ako lilipat..Elementary pa lang nabubully na ko..Hinahagisan ng kung ano..Binubuhusan,Tinatalisod,Sinasabunutan..Ganung klaseng bully..Di ko sinasabi yun kay Mama dahil ayokong mag-alala sya dahil may sakit sya sa puso..

Papasok ako sa Weston High para makita ang Daddy ko at magkaroon ng bagong buhay..

Pero akala ko magbabago ang buhay ko..Ganun pa din pala...

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon