Chapter 59: Arrested

2.9K 124 65
                                    

ZEY'S POV

"Sigurado ka bang walang nangyaring kung ano kagabi nung andun kayo kila Pier? Like? Nagkabangayan si Zey tsaka Liam? Or what? Nagsapakan ganun?" rinig kong bulong ni Diel sa kambal nya

Bubulong bulong pa maririnig din naman, tss.

"A-ah wala naman.. Hehe" kinakabahang sagot ni Deil

Sinabihan ko na kasi sya na kung ano man yung nangyari kagabi, kalimutan na nya. Walang naganap na laro, na inuman, na brownout kuno, na bangayan, na away, na hali--- ugh nevermind.

Natahimik ang buong room ng may padabog na nagbukas ng pinto kaya lahat ay napatingin dun.. Sino pa nga ba ang maglalakas loob na gawin yun na parang sisirain na yung pintuan ng school..

"Ba't parang ang sama ng awra ngayon ni Liam noh? May nangyari siguro talaga kagabi noh?" bulong ni Diel, hindi ko naman narinig na sumagot si Deil kaya hindi ko na din pinansin

Napataas ang kilay ko ng mabaling sakin ang tingin ni Liam pero agad ding iniwas tsaka dumiretso ng lakad papunta sa likurang upuan, kasunod naman nito ang iba pang miyembro ng B7..

"Hey Zey? So kamusta practice nyo kagabi? Is it good?" napabaling ang tingin ko sa bagong dating lang din na si Flain, di pa rin talaga ko tantanan ng lalaking to.

"Why do you care? It's none of your business dude." mahinahong sagot ko sa kanya na sinuklian nya lang ng mahinang tawa tsaka naupo sa tabing upuan ko, magsasalita pa sana sya ng bigla ng dumating ang teacher namin kaya buti na lang..

-------

LIAM'S POV

Halos mawala na ata ang mata ko sa sobrang paniningkit habang nakatingin sa Flain na yun na tumabi kay Zey, I don't know why but I want to punch him already.. Yeah, in the middle of the class..

"Liam mamaya mo na patayin si Flain, makinig ka muna" bulong ni Luke sakin, kasi sya yung katabi ko habang si Mond naman sa kabila na busy sa pagtetake notes.. Di ko kasi pinapansin yung tatlo kaya hindi ko katabi si Pier tsaka Henz, bahala sila...

Pagkatapos ng klase ay tumayo na ko tsaka tinuro si Pier, Henz at Carl..

"Sumunod kayo sakin." sabi ko tsaka naglakad palabas ng room

Malapit na sana kami sa pintuan ng bigla akong mabangga ni Flain dahil nakatalikod ito sakin

"Oh? Dude, I'm sorry.. Di ko sinasadya" nakangising sabi nya.. Ngisi ba yan? Ngising nang aasar?

Mahina akong tumawa tsaka hinawi ang buhok bago sya tinitigan sa mata

"Siguro naman kilala mo binabangga mo Flain."

Tumango tango naman sya tsaka naglibot ng tingin sa mga estudyanteng nakikiusyoso

"No other than.. Liam Brugger.. The almighty asshole"

Agad kumunot ang noo ko at sasapakin na sana sya ng pigilan ako agad ni Mond

"What did you just call me?! Let me remind you Flain. This is my teritory. Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng kung ano ano!" sigaw ko

Padami na ng padami ang mga estudyanteng nakikiusyoso sa room namin na para bang nag aabang ng suntukan

"Well may karapatan sya.."

Napatingin kami kay Zey ng bigla syang sumingit sa usapan

"Zey.." may pagbabantang awat ni Mond sa kanya

"What?!" galit na tanong ko

"Nag-aaral ka pa. Hindi pa ikaw yung naghahawak ng school. Yes, dala mo apilyedo ng may-ari ng school, but still... You're studying. Xaymond's a student here too.. So basically, may karapatan din sya, hindi pwedeng porket taga pag mana ka, ikaw na lang may karapatan sa kung ano ano dito sa eskwelahang to. Edi sana ginawa mo na lang kaming alila, sana ginawa mo na lang punching bag yung mga gusto mong pagtripan, diba? Try to think of it Brugger."

Marahas na inalis ko ang pagkakahawak sakin ni Mond tsaka nilapitan si Zey at sinakal ito, nagtilian naman sila at agad na lumapit sakin si Mond, Henz at Pier para ilayo ako kay Zey

May kasalanan ka pa sakin and I think this is the right time para maghiganti Anderson.

"Kayang kaya kong gawin sainyo lahat. And to make it clear, I'am not just a student here Anderson, I'm the boss!" mariing sabi ko sa kanya tsaka marahas na tinulak palayo

Umubo ubo naman ito habang masama ang tingin sakin

"Are you even a guy? Nananakit ka ng babae!" sigaw ni Mond sakin

Napatingin ako sa kanya

"Why?! Hindi pa naman tapos pagdurusa nila dito sa WH! Kaya tama lang yan sa kanya para maisipan na nyang umalis sa teritoryo ko at bumalik na sya sa kung saang lungga nya. That bitch doesn't belong here!" sigaw ko

Napaupo naman ako ng sapakin ako ni Mond, gagantihan ko sana sya ng pigilan na ko nila Luke at Dave

"Huminahon nga kayo!" sigaw ni Henz na masama ang tingin saming dalawa

"Flain, take Zey to the clinic at isama mo yung tatlo.." sabi ni Henz na medyo pinapakalma ang sarili

Agad naman silang umalis, at kami ni Mond ay nanatiling masama ang tingin sa isa't isa.

"Lahat kayo! Magsi-alis na kayo! Tapos na ang palabas kaya magsi-uwi na kayo." sigaw ni Henz sa lahat ng estudyanteng nakadungaw sa pinto ng classroom, agad namang sinara ni Carl ang pinto ng magsialis na din ang mga estudyante

"That's not right Liam. Hindi mo kailangang daanin sa dahas yung galit mo kay Zey." sabi ni Henz

"So what?! I don't even see her as a girl."

"Sobra ka na Liam. That's not you anymore!" sigaw ni Mond sakin na umaamba pang lumapit pero pinipigilan sya ni Pier at Carl

Tumawa naman ako at inalis ang pagkakahawak sakin ni Luke at Dave

"Wala na yung Liam na yun Mond! Matagal na. Matagal ko na binaon sa hukay yung Liam na yun."

"Why? Because of Hazel? Bullshit. Kung buhay pa si Hazel hindi nya magugustuhan yung ginagawa mo. Demonyo ka na Liam. Demonyo."

Sinuntok ko ng malakas si Mond kaya nabitawan siya ni Pier at Carl, hindi ko tinigilan ng suntok si Mond, hindi na din ako maawat ng lima

"Come back to you sense Liam! Nilalamon ka ng galit mo!" sigaw ni Mond sakin na medyo nanghihina na

Susuntukin ko pa sana sya ng biglang lumagabog ang pinto at may lumapit saming pulis.. Wtf?

"Mr. Liam Brugger.."

Tinayo ako ng mga pulis tsaka pinosasan.

"What the fuck?!" sigaw ko sa kanila

"Hindi ka ba talaga madadala Liam?"

Napatingin ako sa nagsalita.. Si Lolo

"What the heck is this Lo?"tanong ko

"Kelangan ko munang gawin yan para matigil ka.. Magpakalma ka muna sa presinto Liam Jin.."

WTF?!

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon