Chapter 26: Perform

15.8K 485 9
                                    

DEIL'S POV

Sinamaan ko ng tingin si Diel dahil kanina pa siya tawa ng tawa ng hindi ko naman alam ang dahilan.

"Ano ba?Tumigil ka na nga!"inis na sabi ko sa kanya

"Wag ka kasing matakot..Lalamunin ka ba ng mic ha?Kakainin ka ng stage?You're too scared twinny.."

Napairap na lang ako

"Kaya nga hindi ako sumali ng kahit anong contest na sinasabi mong salihan ko tapos ito?"

"Ano ba Deil,nasa Pilipinas tayo..Wala tayo sa U.S kaya okay lang yan..At isa pa,wala namang mga taga - WH na napunta dun panigurado kaya okay lang yan.."

"Ewan!Bahala na.."

-----

"Bukas dadaanan na lang namin si Zey tapos didiretso na kami sa inyo Yumi.."sabi ni Diel kay Yumi

Tumango naman si Yumi at tumingin sakin

"Kaya mo yan Deil,maghahanda na lang siguro ako ng kaunting pagkain sana okay lang sa inyo?"sabi ni Yumi

Tumango na lang kaming tatlo

"Sige mauna na ko.."sabi ni Yumi at umalis na

"Sasabay ka ba samin Zey?"tanong ko kay Zey

Umiling siya

"No,okay na ko.."sabi niya at naglakad na paalis

"Tss.Wala man lang goodbye?"irap na sabi ni Diel at pumasok na sa kotse

Umiiling na sumunod na lang ako sa kanya

-----

HENZ'S POV

"Henz?Bukas ha?"

Tumango na lang ako na parang nakikita ako ni Frank

"Yeah..6:00 pm at Marinda Seaside right?I'll search that place.."sagot ko

"Gusto mo sunduin ka na lang namin diyan?"

Umiling ako

"No,I'm okay..Hahanapin ko na lang.."

"Fine.Bawal ulit malate ang Vocalist ha?Bye bro.."

Di na ko sumagot ng patayin na niya ang linya

Nilapag ko ang cellphone ko at kinuha ang gitara

Marahan kong kinalabit ang mga string ng gitara

Pumikit ako at nagsimulang mag humming kasabay ng tugtog sa gitara

Napabuntong hininga na lang ako ng matapos ako at binalik ang gitara

Napatingin ako sa cellphone ko ng makitang umilaw yun

"Ano naman kayang kailangan nito?"bulong ko

Sinagot ko agad ang tawag at inantay na magsalita ang nasa kabilang linya

"Wala man lang bang hello?"

"Anong kailangan mo?"tanong ko

Narinig ko ang pagtawa ni Pier sa kabilang linya kaya napailing na lang ako

"May lakad ka bukas?"

"6:00 pm.Banda."mabilis na sagot ko

"Ahh...Sayang.Pero sige next time na lang.."

Napakunot naman ang noo ko

"Why?Ano bang balak mong gawin?"tanong ko sa kanya at naglakad palabas ng kwarto

"Bar..Namiss ko lang magbar."

Napailing ako habang naglalakad pababa ng hagdan

"Kaka-bar mo lang nung linggo Pier baka nalilimutan mo?"

Weston High | On HoldWhere stories live. Discover now