15

23 4 0
                                    

TYPICAL TRAVELLERS

SA pagbalik namin sa mahabang biyahe papuntang Ilocos Sur, wagas pa rin ang ngiti ni Jiovanni. Ilang minuto na siyang nakangiti pero hindi niya sinasabi kung ano nangyari, o kahit 'yong pinag-usapan man lang nila ng dalaga kanina.

"Ano naman kaya 'yon, ayaw magsabi," pamimilit ni Allestair sa kaniya.

"Basta, 'wag kayong magulo kung ayaw niyong mabangga tayo," sabi lang niya at nagpatuloy sa pagda-drive.

Napailing na lang ako dahil ramdam ko naman kung ano ang nangyari. It's either type siya n'ong babae o siya ang may type sa dalaga, o kaya naman pareho sila ng feelings.

Maybe, can be, wala namang imposible dahil nangyayari naman ang love at first sight. Parang ako lang, na-love at first sight sa dalagang hindi ko alam kung nag-e-exist. Weird, 'di ba? Mas malala pa nga ang sa akin. Hindi ko alam dahil hindi ko naman ginusto na magkagusto sa kaniya, pero may boses na bumubulong sa akin palagi. Minsan seryoso, minsan pagalit, minsan malungkot, at isang beses pa nga ay binalaan niya ako tungkol sa kaibigan-hindi raw lahat ng kasama ko ay totoong kaibigan.

Blythe's voice is music to my ears. Actually, hindi ako sigurado pero malakas ang pakiramdam ko na boses niya ang bumubulong sa akin dati, hanggang ngayon. Am I overthinking? Tingin ko, hindi naman. Lahat ng bagay sa imagination ko ay full of magic and mystery. I can remember every single detail about her and the place, but I can't remember its name and hers as well.

Natahimik kaming lahat pagkatapos ng maingay na biruan. Nabinat yata ang sugat ko sa braso, medyo sumakit at kumirot. Pinakiramdaman ko na lang, baka mamaya ay na-irritate na pala. I won't deny, naging careless ako at nakalimutan ko ang bilin ng doktor na mag-ingat sa paggalaw-salungat sa ginagawa ko.

Nakatunganga lang ako habang nasa biyahe, nagbabalik-tanaw sa mga nakaraang linggo at mga araw-mga panahong nasa Nueva Ecija pa kami, panahong kasama pa namin si Railey.

Mukha akong batang spoiled na hindi nabilhan ng laruan habang nakadungaw sa bintana. Nakapag-isip-isip ako, ilang araw na akong hindi nakakainom ng paborito kong iced coffee. Sa next stop-over, sisiguraduhin kong makakabili ako n'on. Kaya siguro parang may kulang, palaging walang laman ang nakikita kong bote sa bag ko.

Ilang minuto pa akong tumunganga dahil hindi ako makatulog. Nagsa-sound trip naman si Jiovanni habang nagda-drive, 90's music naman kaya okay lang, kahit maghapon pang nagpe-play.

"Three times nag-ring 'yang cell phone mo, nakatulog ka yata," malumanay na sabi sa akin ni Jiovanni.

"May tumawag sa akin?" patanong kong sagot. Kumindat siya bilang tugon kaya tiningnan ko kung sinong tumawag. Ibig sabihin, nag-imagine na naman ako? Alam kong hindi ako natulog kaya paanong hindi ko narinig ang ringtone ko?

"Oh, sino ang tumawag?"

"Ang ina ko."

"Ina mo."

Tinawagan ko si Mommy, nagkumustahan lang na may kaunting kuwentuhan. I'm glad that she's okay. Guilty pa rin ako kasi iniwan ko siya sa Pampanga at pinili ko 'to-ang ginagawa ko ngayon. Alam ko naman na suportado niya ako sa ginagawa ko, that's why I'm very thankful that she supports me in everything I do. She's the best.

"Mga ilang oras pa ang biyahe natin?" tanong ko kay Jiovanni nang makaramdam ako ng pagkainip.

"Two hours pa, baka nasa unang bayan na tayo ng Ilocos Sur."

Napasandal na lang ako at bumuntonghininga.

"Inip na inip na ba?"

"Sino'ng hindi maiinip? Pitong oras na yata tayong nasa biyahe," mabilis kong sagot.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now