28

13 4 0
                                    

A NIGHT WITH HER

NARITO na kami sa terminal ng bus dito sa Manila. Bumibili na lang si Levi ng makakain habang nasa biyahe dahil pasakay na siya. Nakaupo lang ako sa waiting area at hinihintay lang na makasakay siya sa bus. Nang makasakay na siya ay sumunod din ako sa loob. Mayroon akong kailangang ibigay sa kaniya.

"Dalhin mo 'to," sabi ko habang binubuksan ang aking bag.

"Ano?"

Iniabot ko sa kaniya ang litrato ng kanilang pamilya na nasa picture frame. Ito pa 'yong nakuha ko nang magpunta kami sa cabin ng lolo nila kung saan nakatira noon si Allestair.

"Saan mo nakuha 'yan?" nagtataka niyang tanong nang tanggapin ang picture frame.

"Nakuha ko sa tinitirhan ni Allestair sa Bulacan, pero hindi niya alam, kaya ikaw na lang ang magsauli niyan sa kaniya."

"Nakatira sa Bulacan si Allestair? Akala ko ba nasa Ilocos Sur na siya?"

"Dati, pero ngayon nasa Ilocos Sur na siya. Mahabang kuwento kaya hahayaan kong siya na mismo ang magsabi sa 'yo ng lahat ng kailangan mong malaman," sabi ko naman. "Ito pala ang cell phone number niya. Contact-in mo na lang siya kapag nakarating ka na para malaman mo rin kung nasaan na sila. Sa pagkakaalam ko kasi, nasa ospital pa rin sila, pero baka nakalabas na." Ibinigay ko sa kaniya ang isang piraso ng papel kung saan nakasulat ang cell phone number ni Allestair.

"Bakit nasa ospital si Allestair?" Kumunot ang noo niya sa pag-aakalang kakambal niya ang naospital. "Binugbog na naman ba siya? Sinaktan?" nag-aalala niyang tanong.

"Hindi si Allestair ang nasa ospital, ang nanay niyo."

Biglang kumalma ang kaniyang mukha at nawala ang labis niyang pag-aalala. "Bakit? Ano'ng nangyari sa kaniya?" seryoso niyang tanong, at tila wala lang sa kaniya ang narinig na balita.

"Naaksidente sa may hagdan, medyo naapektuhan ang ulo niya."

Tumango-tango siya at inilagay na sa kaniyang bag ang picture frame at ang papel kung saan nakasulat ang cell phone number ng kapatid. "Sige na." Sumenyas na siya na puwede na akong umalis. "Teka pala," pahabol niya nang tumalikod na ako. "Salamat, ha? Salamat sa tulong. Hindi ko makikita ang kakambal ko kung hindi dahil sa 'yo. Ingat ka, Master Kiel." Sumaludo siya sa akin habang nakangiti.

"Isang karangalan ang matulungan ka, master." Sumaludo rin ako sa kaniya saka ako naglakad palabas ng bus.

***

NAKATAMBAY lang ako rito sa Rizal Park. Nanggaling na rin ako sa Quiapo Church kanina. Masaya naman ang buong araw ng pamamasyal ko, kaso nga lang, hindi ako sanay rito. Nahirapan akong makapunta sa mga gusto kong marating na tourist spots dahil nga galing ako sa probinsiya at dati pang introvert kaya walang alam sa mga ganitong bagay. Milagro na nga na nakarating ako rito, eh.

Maraming tao rito ngayon. Ang mga bata ay may hawak na mga laruan na umiilaw. Ang mga magkasintahan ay magkakasama at kumukuha ng litrato kasama ang isa't isa. Mayroon ding buong pamilya na masayang pinanonood ang fountain.

Maya-maya ay balak kong pumunta sa Intramuros. Nakita ko kasi kanina nang mag-research ako na ang Intramuros ang isa sa mga dapat puntahan ng mga first-timer dito sa Manila.

***

MALIWANAG ang gabi pagdating ko rito sa Intramuros. Hindi pamilyar sa akin ang lugar at sigurado ako na ngayon ko pa lang narating. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng narating kong lugar, dito ako nakaramdam ng kakaiba-kakaibang pakiramdam na parang ayaw mo nang matapos.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now