23

11 4 0
                                    

TODDLER BUDDY

NAPABALIKWAS ako sa higaan nang may marinig akong kumalabog malapit sa kama.

"Ano'ng ginagawa mo riyan?" agad kong tanong kay Cyruz habang bumabangon siya.

He giggled. "'Lalaro ako cars, eh. Untog ako," sabi niya.

Pupungas-pungas akong naglakad papuntang banyo. Hinayaan ko lang siyang maglaro sa sahig. Mula nang dumating ako rito, dalawang beses na siyang nauntog. Ang ibang bata, iyakin, pero si Cyruz, untugin.

"Ano agagawa mo?" tanong niya habang nakasilip mula sa maliit na awang sa pintuan.

Akala ko lumabas na siya, sumunod pa pala rito. At walang ano-ano'y pumasok siya sa loob ng banyo at iniwan pang nakabukas ang pinto, kaya itinulak ko ito nang bahagya gamit ang paa ko.

Sumalampak siya sa sahig at nakatahimik lang. "Bakit daming hair legs mo?" inosente niyang tanong habang nakatitig siya sa mga binti ko.

"Santa Claus gave me those, wanna have some?" Sinubukan ko siyang biruin at saka lumingon sa kaniya nang makapaghilamos.

Agad siyang umiling. "Nag-wish na ako kay Santa Claus ng maraming toys... I won't ask for more," mabagal niyang sagot habang nakatingin pa rin sa mga binti ko. Titig na titig siya.

Nilagpasan ko na lang siya at pinatalikod. "Don't look back, or else you're gonna see something, okay?" paalala ko sa kaniya nang makarating ako sa tapat ng bowl. Sinubukan ko siyang ilabas pero bumabalik pa rin dito sa loob. Ano'ng magagawa ko?

He nodded while covering his eyes. "I always pee when I wake up, just like you," sabi niya sa akin habang matiyagang naghihintay na matapos ako.

Naghugas na ako ng kamay at isinama na siya palabas ng banyo pagkatapos. At nang makalabas na kami, bigla siyang huminto at bumalik sa banyo. "I need to wash my hands, too."

"Bakit nag-wash ka pa ng hands?" tanong ko pagkalabas niya ng banyo.

"I poke my nose."

Pagkasara ko ng pinto ng banyo ay nagpunas na ako ng mukha dahil kahihilamos ko lang. Ginaya niya ako at nagpunas din kunwari. Nginitian ko siya saka pinisil ang ilong niya. Pagkatapos ay isinampay ko sa towel rack ang tuwalya ko.

Wala naman na akong kailangang gawin dito sa kuwarto kaya naglakad na ako palabas at sinenyasan siya na lalabas na kami. Naglakad naman siya at sumunod sa akin. Hinintay ko pa siya sa pintuan dahil mabagal siyang maglakad. There's something that makes me happy whenever I see a child walking towards me.

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito. "Buhat mo ako, Kuya," malambing niyang sabi sa akin habang nakatitig lang sa kamay ko. Binuhat ko naman siya dahil 'yon ang gusto niya. Naglalambing lang itong bata, hindi naman masamang pagbigyan ang munting hiling niya.

Pagkalabas namin ng kuwarto, agad sumalubong ang lola niya habang may hawak na teapot. "Umiinom ka ba ng tea?" tanong sa akin ni Lola habang sumasabay sa indayog ng kantang tumutugtog sa radyo.

Marahan akong umiling at saka ngumiti. "Hindi po, eh." Ikinaway ko ang kamay ko bilang pagtanggi sa kaniyang alok.

Napabuntong-hininga pa siya bago muling nagsalita. "Parehas kayo ni Celeine na hindi mahilig ditto. Akala mo nalason ang batang iyon nang makatikim ng tsaa. O, sige, ipagtitimpla kita ng kape. Ang apo kong si Celeine ang magaling magtimpla ng kape, kaso wala siya rito. Ako na lang muna ang magtitimpla. Ano ba ang gusto mo? Matamis na kape o 'yong mapait?"

Mabilis akong umiling nang sabihin ni Lola iyon. "Ako na lang po ang magtitimpla ng kape ko." Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti. Nakakahiya kung ipagtitimpla pa ako. Ginagawa akong prinsipe, palibhasa, siya kasi ang tipo ng lola na aabutan ka ng pera nang patago.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now