EPILOGUE

30 3 0
                                    

Twelve years later...

PINAGMAMASDAN ko ang mga artwork ko sa loob ng sarili kong art studio sa bahay. I can't believe na nagawa kong maging successful artist, though ito naman talaga ang pangarap kong gawin. Maraming taon na ang nakalipas at marami na rin ang nangyari-may masaya, may malungkot.

Kasalukuyan kong ginagawa ang isang random portrait. Nagawa ko na kasi ang portrait ng lahat ng mga nasawi sa aksidente kasabay nina Dad at Mom a few years ago. At mula noong araw matapos kong iguhit si Blythe, nagsimula na silang dalawin ako sa aking panaginip gabi-gabi. I never actually met them in person, pero malaki ang parte nila sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano, basta iyon ang nararamdaman ko.

Napaisip akong bigla kung bakit parang may kulang sa mga portrait na ginawa ko. Kumpleto naman ang mga pangalang nasa listahan ko. Nakakatuwa nga dahil hindi ko na kailangang hanapin sa internet ang reference para maipinta ko sila. Gabi-gabi ko silang nakakasama sa aking panaginip kaya kabisado ko na ang kanilang mga pangalan at mga hitsura. Pero sa kabilang banda ay may pagdududa pa rin ako dahil pakiramdam ko ay may kulang. Parang kulang sila. Parang mayroon akong nakalimutan, pero hindi ko matukoy kung sino.

'Mawala man ang lahat ng alaala ko sa isipan mo, naniniwala pa rin ako na kung sakali mang magkita tayong muli, kahit si Jiovanni lang ay maalala mo.'

Napatingin agad ako sa pinto nang may kumatok. Nang bumukas ito, bumungad sa akin ang babaeng kumumpleto sa buhay ko.

"Hun?"

Lumapit ako sa pintuan kung saan naroon siya saka ko siya marahang hinalikan sa labi. "Yes, my love? How's work?" I gave her another kiss, and then I bit my lower lip after.

"Just fine." Pumasok na siya sa loob ng art studio. "Did she cry?" she asked, talking about our one-year-old daughter.

"No, she didn't. Isinama ko nga pala rito para mamana niya ang creativity ko."

"Proud na proud na naman si Daddy Kiel sa sarili niya, Baby Gianna." Kinarga niya ang anak namin saka hinalik-halikan.

Naglakad na siya palabas ng kuwarto kasama si Baby Gianna pero humarap siyang muli sa akin bago tuluyang isinara ang pinto. "Daddy, sumunod ka na rito, I bought coffee and pizza."

"Yes, Mommy, tatapusin ko lang 'to."

Sumunod na rin ako nang matapos ko ang portrait na ginagawa ko. Naghuhugas na ako ng aking mga kamay nang tumunog ang doorbell.

"Baka si Railey na 'yan," sabi ko, kaya naman sinalubong niya ang kaibigan namin.

"Kumusta naman ang inaanak kong pinakamamahal?"

Kasalukuyan na kaming nagmemeryenda rito sa dining area-ako, si Blythe, at si Railey, with the special participation of our Baby Gianna. Buntis nga pala ngayon si Railey sa first baby nila ng mister niya.

"Okay naman. Mabuti na lang at magkasundo sila ng daddy niya. Hindi na pahirapan kapag aalis ako para pumasok sa work," si Blythe ang sumagot sa tanong ni Railey.

"Tingnan niyo nga naman, parang kailan lang naglalaro tayo ng Truth or Dare, 'tapos ngayon, Mr. and Mrs. Ybañez na kayong dalawa, at may anak na," nakangiting sabi ni Railey habang inaalala ang aming masayang nakaraan. "I'm so happy para sa inyong dalawa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na talagang kayo ang para sa isa't isa."

"Nako, salamat, ha?" Hinawakan ni Blythe ang kamay ni Railey. "Masaya rin kami para sa iyo, sa inyo ng mister mo. Congratulations sa inyo for your first baby."

"Anim na buwan pa nga lang, nakaisip na kaagad si mister ng ipapangalan sa baby. Zyka raw ang gusto niyang ipangalan sa anak namin," nakangiting sabi ni Railey saka hinaplos ang pisngi ni Baby Gianna.

Hindi gaanong nagtagal si Railey. Pagkatapos magmeryenda ay nagkuwentuhan kami sandali, at umuwi na siya. Hindi rin kasi puwedeng mapagod dahil buntis siya.

Narito kami ngayon ng mahal kong asawa sa art studio. Iniwan namin si Baby Gianna sa kuwarto niya dahil oras na ng kaniyang pagtulog.

"Hun, ano'ng inspiration mo sa pagpinta ng mga portrait na 'yan?" tanong niya habang pinagmamasdan ang mga ito.

"Sila. Sila mismo ang inspirasyon ko sa pagpinta ng portaits nila. Basta, karapat-dapat silang mai-display sa art museum na ipapatayo ko para sa mga artwork ko. Lahat ng gawa ko."

Napalingon naman siya sa likuran namin matapos kong magsalita. "Pati ang mga 'yan?" tanong niya, tinutukoy ang portaits nilang dalawa ni Gianna at ang family portrait namin na ako rin ang nagpinta.

"Yes," I answered without even thinking.

"Why?"

"Because to me, you two are the greatest artwork worth the appreciation," I said without looking at her. I'm just staring at one of my works.

"How about that?" tanong niya, ang tinutukoy na portrait ay ang ipininta ko lang kaninang umaga. "Lahat ng ipininta mong mukha, mayroong mga pangalan sa ibaba, 'yan lang ang wala. Who is he? Kilala mo ba siya?"

Kumibit-balikat ako saka ko siya tiningnan. "I don't know him. I just painted him out of my imagination and creativity. Why?"

"Wala lang. I just find it different. May kakaiba sa portrait na 'yan. He's... different," sabi niya, saka niyakap ang aking braso. "Ano'ng ipapangalan mo sa kaniya?"

"Jiovanni."

"Why?"

"I don't really know, hun. I just... It seems like I know him very well, even though I don't."

Napangiti ako nang magtama ang aming mga tingin. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi, at siya naman ay napahawak sa aking dibdib. I slowly kissed her lips, and I could feel every bit of her love while we were kissing each other.

"I love you, Blythe Gonzales-Ybañez... so much."

"I love you, too."

After all the things and challenges I've been through, I realized that we really were meant to see each other. We really were destined to love and be with each other in the end. I did everything to make this happen-to be with her. And if I needed to travel around the world just to see her, I would do so... without hesitation.

Blythe made me realize a lot of things. Because of her, I understood what true love really is. Through her, I realized that I was never alone because I had her. And with her and our daughter, my life is already complete.

A few years ago, I suddenly saw her through my imagination, and now I really am seeing her. I am with her. I am the happiest.

She was the reason I felt the happiness I thought I wouldn't ever feel, so I'll never regret the impulsive decisions I've made before, because those decisions led me to her. It made me feel the so-called 'love at first sight.' And it happened the night we met in Intramuros.


THE END

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now